Sa school, madalas OP ako. Ang upuan ko ay laging nasa dulo tapos nasa gilid din kaya halos walang gaanong ganap. Maliban na lang siguro pag highest ako sa quiz at mataas ako sa recitation. Pag ganoon kasi ay todo-diwang ang mga classmates ko. Party party talaga. Mahal ako ng mga classmates ko. F na F ko iyon. Nagba-bonding din kami kaso madalas hindi ko sila nasasakyan. Halos lahat kasi sila, playful pa. Pero hindi naman kasi sila ang problema. Ang problema, ako mismo. Natural kasi sa 14 years old na naglalaro pa, o may pagka-childish pa kaya gets ko kung ganoon sila makapagreact. Ako kasi, well, hindi ko naman sinasabing di ako childish. May konti pa rin naman. Kaso mas gusto kong magbasa ng mga books kaysa maglaro. Ang mga pinanonood kong movies medyo pang mature na. Mas enjoy akong nakakulong sa bahay kaysa nasa labas, at very conscious na rin ako sa mga galaw ko. Mas marami rin akong kaibigan na mga 16 years old and above. Iilan lang talaga mga kasing edad ko na close ko. Noong una, akala ko abnormal ako hanggang sa kausapin ako ng principal. Normal naman daw ako pero mas active lang mag function ang utak ko compare sa isang 14 year-old student. Dahil doon, mas lalo kong naintindihan na iba ako. Ang sabi, nakukuha raw ito sa genes o kaya naman sa environment. Tinanong pa nga ko kung open ako sa idea na mag take ng exam for acceleration. Sabi ko, pag-iisipan ko. Excited na rin kasi ako mag college at makapagtrabaho na para na rin makatulong kay Mommy lalo na ngayon na ganito ang sitwasyon nya. Kaso pag nag-accelerate ako, mami-miss ko maging class valedictorian sa high school years ko. Running pa naman ako. Sa buhay talaga, marami kang kailangan isakripisyo para sa mas magandang parating na oportunidad.
"Tanyaaaaaaaa!" Naputol ang pag-eemote ko ng may magandang boses akong narinig. I'm sure si Caroline 'to. Best friend ko. Iba yung sigaw. Halatang singer talaga. Sumu-songbird.
"How was it, day? Oh, pasalubong! Sabihin mo, nagpakasasa ako sa Thailand ng wala ka man lang natikman." Anito na medyo hiningal ng konti dahil ang sexy tumakbo.
"Caroline! Namiss kita!" Bigla ko syang niyakap at bineso ng bongga.
"Yung pasalubong ko baka madurog. Expensive yan!" Medyo dedmang sagot nito.
"Ay? Ang lamig mo, ah! Bangkay? Wala man lang bang 'I miss you too?'" Medyo pagtatampo ko.
"Ikaw kasi eh, balita ko may dyowa ka na, but you didn't even inform me." Nakangusong sagot nito.
"Anooo? Dyowa? Mabagal pa sa signal ng wifi namin ang ideya ko sa ganyan. Kanino mo naman na-tsismis yan?"
Sa totoo lang, super na, best friend ko pa itong si Caroline. Kahit na matanda sya sa akin ng 2 years, naku-kwento ko sa kanya lahat. Maliban na lang sa nangyari sa family ko kamakailan lang dahil ayaw nga ni Mommy na may makaalam at nangako ako. Pero bukod doon, wala na akong pwedeng itago kay Caroline at ganoon din naman sya sa akin. Mabait at supportive si Caroline. Lagi nga lang syang wala dahil ang singing career nya ay ipinu-pursue talaga ng parents nya. Dumadayo pa talaga sila sa iba't-ibang bansa para mag-audition.
"For real? Sabi kasi nung classmate ko, dyowa mo raw yung new classmate naming 'BLESSIIIINNG!'" Kinikilig kilig na wika nito with matching tantalizing eyes pa. Ang 'BLESSING' na ipinaglalaban nya, 'POGI' ang ibig sabihin. Ewan ko ba kung saang planeta nito nakuha mga banat nya. Epekto yata ng jet lag.
"At sino naman iyon?" Pagtataka ko.
"Si Gian Carlo Rios, dayyy! Newbie! Ang poggggiii! Papaliciiiiiiioooouus!" Sagot nito na animo'y nasa cloud 9 at kumakagat labi pa.
"HINDI KO DYOWA IYON!" Mabilis at medyo intense na respond ko.
"Ay? What's with your reaction? Galit na galit lang? Dalaw ka sa building ng seniors para makita mo sya, day! Hindi ka magsisisi! Swear!"
"No need! Wag nyo masyadong i-adore yun at patay-gutom sa bituka yun."
"Again? Mukhang may nase-sense akong iba. May nililihim ka! Sinasabi ko na nga ba, you know each other na, ano? Or maybe, you're together na? According kasi sa source ko, nakita kayong magkasama sa bakanteng lote kanina." Usisa nito.
"Wala! Di ko kilala ang GIAN na yan! Tara, kain na tayo!" Pagtanggi ko na naghanda ng umalis para maglunch nang...
"Magkakilala kami! Magkasama kami kanina, at nasa kanya ang pera ko!"
"Oh my! G-Gian Car-Carlo Rr-rios!
H-hello, class--classmate!" Mabulol-bulol na sambit ni Caroline habang titig na titig sa feeling matinee na kaharap nya.
"Hi!" Simpleng sagot nito kay Caroline. Wow! Artistahin ang datingan! Di naman bagay! Plastik!
"Let's go for lunch, Tanya!" Ngiting ngiti na bumaling sa akin ang hambog. Feeling close.
Susupalpalin ko sana ng rejection ang loko, pero naunahan akong sumagot ni Caroline.
"Oh, s-sure! Go lang! T-treat ko pa!" Ang babaita, baklang bakla lang!
"So, shall we?" Sabay abot ng kamay nya sa akin. Sinimangutan ko lang sya. Si Caroline ang di nag-atubiling nag abot ng kamay nya at dumantay pa ang loka. Pinauna ko silang maglakad at medyo natawa ko sa napansin ko.
"Gian, I guess, nahihirapan ka maglakad? Masakit ba ang paa mo?" Pagtatakang tanong ni Caroline nang mapansin na medyo mabagal itong humakbang.
"It's nothing. Natadyakan kasi ng magandang kabayo kanina. Alam mo naman pag prinsipe, dapat may kabayo to go to those very romantic places." Sagot nito na biglang lumingon sa akin at kumindat pa. Ang baduy, ah! At sa dami ng hayop, sa kabayo pa talaga ko ikinumpara. Kung tadyakan ko kaya 'to, ulit? Pinandilatan ko sya.
Pero lalong nanlaki ang mga mata ko nang sumagot si Caroline.
"Talaga ba? Gusto ko rin sumakay sa kabayo mo! Ang sarap siguro!" Paseksing wika nito na ngising ngisi pa. Nalintikan na!
BINABASA MO ANG
"ISAW na nga ang BBQ!"
RomanceGaano man kakumplikado ang buhay, umiikot pa rin ito sa mga simpleng bagay. Tunghayan kung paanong pinagtagpo ang dalawang tao dahil lamang sa simpleng pagkain sa kanto. Ating ISAW-isahin ang bawat nakakapanabik na detalye sa kwentong magtuturo sa a...