Pagkatapos ng away na iyon, hindi ko na nakitang muli si Daddy. Hindi ko na rin nakita magandang ngiti ni Mommy na madalas kong nakikita tuwing gigising ako sa umaga. Wala na ang masigla kong mommy na laging masarap magluto ng almusal, ang mommy na kahit galing sa opisina at pagod ay aktibo pa ring tutulong sa akin para gawin ang mga assignments at projects ko. Ngayon, kahit baon ko sa school, hindi na sya nakakapag-prepare. Pati mga katulong namin ay iniwanan na rin kami dahil hindi na rin naaasikaso ni Mommy ang pagpapasweldo sa kanila. Napakaraming nagbago at hindi naging madali sa mura kong isipan yun. Dumating ang point na kahit di pa ko marunong magluto ay pinilit kong gawin kaysa naman sa wala kaming kainin pareho ni Mommy. Inaral kong magpalit ng gasul, maglinis ng buong bahay, at kahit may mga part sa bahay na di ko pa abot noon ay buong sikap kong inabot para makapaglinis lang at makapag-kumpuni na rin. Ako na rin ang naglalaba, namamalantsa, nag-aalaga ng garden, at higit sa lahat, ako na rin ang nagba-budget every month para magbayad ng bills. Buti na lang, kahit hindi na pumapasok si Mommy sa opisina ay may ipon kami at tuloy tuloy pa rin ang sustento ni Daddy kahit di na rin sya dumadalaw. Wala talaga kong kahit anong ideya sa pinag-awayan nila. Basta ang alam ko lang, nasasaktan ako kasi nasasaktan ang mommy ko. Yung word na 'kabet' na narinig ko, alam kong masama pero di ko pa alam kung gaano kabigat iyon. Basta ako, kailangan kong alalayan ang mommy ko dahil hindi rin ako sanay na makita syang nagkakaganito. Sa tuwing naglilinis nga ko ng kwarto nya, laging maraming bote ng alak, pero ayaw nyang ipagalaw. Madalas syang tulala at nasa kwarto lang. Yung damit nya kung minsan ay parang di na napapalitan. Nasisigawan nya pa ko pag pinapansin ko sya. Mahirap lalo na't nag-iisang anak lang ako. Di naman ako makahingi ng tulong dahil ayaw ni Mommy na ipaalam ang problema nila ni Daddy. Kaya heto, ako muna ang in-charge para maka-survive kami.
Isang tanghali, lumabas ako para bumili ng pwedeng mai-ulam. Gumawa rin kasi kami ng project ng mga kaklase ko kaya medyo pagod ako. Naisipan ko na lang na bumili ng lutong ulam. Sa subdivision naman kung saan kami nakatira ay nandun si Aling Precy. Maganda si Aling Precy kahit nasa mid-40s na. Hindi nga halatang nagtitinda sya ng mga ulam kasi mukha syang mayaman. Kilala sya sa subd. as master chef sa sarap nyang magluto. Kaya naman halos lahat ng tao sa subd. tinatangkilik sya. Pati na rin ako.
"Oh, Tanya, hija, ngayon ka na lang ata bumili ng ulam sa akin ah?" Nakangiti nyang bati sa akin.
"Oho nga po. Busy rin po kasi sa school." Sagot ko. ("At sa pag-aalaga kay mommy") Dugtong ng isip ko.
"Hindi ko na rin nakikita ang Mommy Tanya mo? May sakit ba sya?
"Opo. May trangkaso po sya. Sabi po ng doctor, mas mainam na makapagpahinga raw po sya." Pagsisinungaling ko.
"Ay ganun ba. Osya, pakisabi sa mommy mo magpagaling sya agad at malapit na ang birthday ko. Invited kayo. Ano nga pala ang order mo?"
"Advance Happy Birthday po! Sige po, sabihan ko po si Mommy. Yung dati pa rin po."
"Salamat, hija! Sakto, mainit-init pa tong Pochero! Ang galing ng timing mo. Oh, sandali lang at ipagbabalot kita." Nakangiting tumalima si Aling Precy, pakanta-kanta pa.
Habang naghihintay, napansin ko ang isang mangko na may tatlong isaw na nakalagay. Hindi ako pinapayagan ni Mommy na kumain ng mga ganun pero lingid sa kaalaman nya ay paborito ko yun. Suki pa nga ako ni mamang mag-iisaw sa labas ng school kaso namatay si manong nung nakaraan lang kaya medyo na-miss ko rin 'to.
"Bakit para yatang may masama kang balak sa mga isaw ko?" Pagbibiro ni Aling Precy nang mapansin ako.
"Mukhang masarap po kasi. Magkano po yan?" nakangiting sambit ko.
"Naku, hija, sumubok lang ako mag isaw. Hindi ko naman akalain na magugustuhan. Kaya ayan, tatlo na lang ang natira. Sige, bigay ko na yan sayo. Basta yung birthday ko, wag nyong kalimutan ng mommy mo ah?"
"Talaga po? Salamat po! Makakaasa po kayong darating po kami ni Mommy." Masayang sabi ko sabay kuha ng isang isaw para kagatin nang biglang....
"Wag mong pakialaman yan! Akin ang mga isaw na yan!" Mayabang na wika ng isang estrangherong tinig.
Natigilan kami pareho ni Aling Precy.

BINABASA MO ANG
"ISAW na nga ang BBQ!"
RomanceGaano man kakumplikado ang buhay, umiikot pa rin ito sa mga simpleng bagay. Tunghayan kung paanong pinagtagpo ang dalawang tao dahil lamang sa simpleng pagkain sa kanto. Ating ISAW-isahin ang bawat nakakapanabik na detalye sa kwentong magtuturo sa a...