Hindi ko makakalimutan ang araw na una kaming nagtagpo. Maganda naman ang araw na iyon pero mukhang nakakaranas sya ng sama ng panahon. Nakakainis lang din na in my 14 years of existence at that time, I never had any major major I mean problems with my friends tapos biglang makikilala ko sya at aawayin nya ko dahil sa 'ISAW'. Take note, dahil sa 'ISAW'. Ganoon na ba talaga kahirap ang ekonomiya ng Pilipinas para pati pagkain ng isaw, kailangan pag-awayan pa? Gwapo sana eh. Ay ewan ko rin! Di ko sya type! Masyado syang maputi para sa akin. Pero di ko naman sinasabing nognog ako. (Defensive lang?) Sapat ng kayumanggi ako. Kutis asyana. Pang Binibining Pilipinas mga ganun. Ah, basta! Ano naman kung maputi at kung gwapo nga sya? Aanhin naman natin ang lakas ng dating kung wala namang breeding? Anyway, di pa iyon ang naging huli naming pagkikita kaya meaning to say ay naulit pa ang hate story namin, kung meron mang ganun. And it is very bitter the second time around. Nag third time pa nga. Nag fourth. And so many devastating moments to tell. Tsaka na lang yung iba, pag Halloween na. Hmp!
---
Nagulat ako kasi biglang nag beep yung service van sa tapat ng gate namin samantalang hindi pa ako tapos maghanda ng breakfast. Dahil dun, iyong kay Mommy na lang ang inihanda ko. Medyo natagalan ako kasi naglinis pa ako ng kusina tapos ginising ko pa si Mommy. As usual, anak ako at caregiver na rin. Bumangon naman agad si Mommy. Inalalayan ko sya sa hagdan papuntang dining table at binigyan ko sya ng gatas. Nilagyan ko rin nang hotdog at omelet sandwich ang plate nya. "Mommy, pasok na po ako. Ingat ka po rito. Rest well po. I love you!" Sabay yakap and kiss sa cheeks. Nagulat ako nang gumanti rin ng yakap si Mommy kahit nakaupo sya. Ngayon na lang ulit sya nagreact sa mga yakap ko simula nitong nagdaang mga linggo na sobrang depressed sya. "Tanya, baby. You study well and achieve your dreams. Sorry if I can't be with you soon. But remember this, I'll guide you all the way. Maganda, mabait, at matalino kang bata. I am so proud that you are my mini-me. Sana nga lang, unlike me, may mas mabuti at matinong lalaki ang nakalaan para sayo. Mahal na mahal kita, Tanya! I love you and I'm sorry!" Lalong humigpit ang yakap sa akin ni mommy kasabay nang pag abot nya sa mukha ko para halikan. May naramdaman akong luha kasabay nang pagkarinig ko nang impit na hikbi. Hindi ko maintindihan pero kinukutuban na ako na parang may mali ngunit iwinaksi ko iyon at sinulit na lamang ang pagkakataon na nasa ganoon kaming posisyon. Hanggang sa...
"Hey, Tanya! Can you please make it fast? I have my try-out this early morning. Kung matatagalan ka pa dyan, then you just take a cab! Mauuna na kami! Pa-importante ka!" Nagulat kami ni mommy sa lakas ng sigaw na umalingawngaw nung umagang iyon. Imagine, mula sa gate ay pasok na pasok ang pamilyar na boses hanggang sa loob ng bahay namin. Inayos ko na ang sarili ko at naghanda na para lumabas. Madali kong tinungo ang gate sa akalang baka nagagalit na si Mang Andong, ang driver ng service van, kaya sumigaw na. Pero imposible. Minsan, late rin naman ako pero never naman sumigaw iyon. Tsaka inglesero. Siguro isa sa mga kasabay ko sa service. Kaso for the first time na ganito ah. Wag naman sanang may galit na naman sa akin. Nasa ganito akong pag-iisip ng pagbukas ko ng gate ay bumungad sa akin ang isang "SAWI" ay este lalaking ewan ko ba kung bakit nag-exist. Asar! Sira ang umaga! "Ikaaaw?" Gulat na sambit ko.
"Yes! Ano na? Baka magpaalalay ka pa?" (Napakayabang! Sinira mo na nga moment namin ng mommy ko eh, pati ba naman umaga ko?) Di ko sya inimik. Sumakay ako sa service van at dinedma ko sya to the fifth power. Unang-una, di kami close! Pero dahil sa katabi ko sya sa upuan... Ayun, impyerno! Umaga iyon at may aircon naman sa van pero init na init ako kasi sinisiksik nya ko... o sadyang malaki lang talaga sya? Ewan! Kung alam ko lang na ganito, sana di na lang ako nag-plantsa ng uniform. Sayang lang. Kung bakit ba kasi sa dinami-dami ng may service van ay kay Mang Andong pa sya napunta? Badtrip talaga! Lumipas ang ilang minuto at wala kaming imikan. Minabuti ko na lang na magbukas ng libro at magbasa. Pero ang lintik, naglabas ng cellphone at nagpatugtog ng hard rock music. Sobrang ingay tuloy. Inis na inis ako pero mukhang ako lang ang ganoon dahil napansin ko na si Mang Andong at ang ibang mga kasabay namin sa service ay nakikisabay pa sa trip nya. Kumakanta kanta pa. Gusto ko na magtawag ng mga santo at tanungin sila kung anong dahilan kung bakit may ganitong tao sa mundo. Part ba ito ng book of revelation? Lalong nawalan ng pag-asa ang umaga ko nang kasabay ng pagbukas nya ng bottled coffee ay sakto namang pagdaan sa malaking hump ng sinasakyan namin. Syempre alam na kasunod... "WHAAAT THHEEE--- GIIIIAAAANN!!!"

BINABASA MO ANG
"ISAW na nga ang BBQ!"
RomansaGaano man kakumplikado ang buhay, umiikot pa rin ito sa mga simpleng bagay. Tunghayan kung paanong pinagtagpo ang dalawang tao dahil lamang sa simpleng pagkain sa kanto. Ating ISAW-isahin ang bawat nakakapanabik na detalye sa kwentong magtuturo sa a...