CHAPTER 7: Uncovering Truth

73 7 4
                                    

"So, tell me something about your relationship?" Pang-uusisa ni Caroline habang busy sa paghigop ng sabaw ng Bulalo. Sasagot sana ko pero naunahan ako ni Gian.
"We're doing great! Actually ito ang first date namin?" Nakangising sagot ni Gian habang pilyong nakatitig sa akin. Magkatabi sila ni Caroline at nakaharap sila sa akin. Di ko sya pinansin. Minabuti kong abalahin ang sarili ko sa pagkain.
"Where did you meet?" Usisa ulit ni Caroline.
"She went to our house." Agad na sagot nito.
"I see. How was it at first?" Dagdag pa ni Caroline. Sila na lang nagkakaintindihan at minabuti kong wag na lang silang pakialaman dahil di rin ako komportable na nandyan si Gian.
"She's a goon!" Sabay halakhak na akala mo sya lang ang tao sa cafeteria na iyon. "But I realized, she's one of a kind." Kahit abala ko sa pagkain, sa gilid ng mga mata ko, alam kong maigi nya kong tinitigan pagkasabi nya ng mga huling salita na iyon.
"Mabait yan si Tanya. She can't even kill a cockroach." Pagtatanggol sakin ni Caroline. "Well, tutal nag-uumpisa pa lang naman kayo. May time pa kayo para pakibagayan ang isa't-isa." Ani Caroline. Parang bigla akong naguluhan sa sinabi nya.
"I guess so. Sana talaga masanay sya sakin." Medyo parang may laman yata ang sagot ni Gian, ah. Teka, parang may hindi yata tama.
"How long you've been together na ba?" Follow-up ni Caroline.
"Siguro mga one week na rin." Walang patumpik tumpik na sagot ni Gian. Sa puntong ito, kahit busy ako kumain ay nagsalita na ako dahil mukhang may kailangan akong ayusin.
"Excuse me lang, mawalang galang! Caroline, bakit ganyan mga tanungan mo?"
"Day, gusto ko lang makilala boyfriend mo ng maayos."
"Whaaaat? Hindi ko boyfriend yan! I told you that a while ago." Sabi ko na. May iba sa mga tanungan nito.
"Pero, sabi ni Gian, hawak mo wallet at pera nya? Tsaka niyaya ka pa nya maglunch? That indicates a sweet relationship, right?" Pagtatakang sabi nito na mukhang ang hinihintay lang na sagot ay umamin kami na 'KAMI'.
"Hindi nga kami! And that will never happen!" May gusto pa sana kong sabihin pero biglang sumagot si Gian.
"I thought all about friendship ang tinatanong mo, Caroline. So, I answered you well. Tama si Tanya. There is nothing between the two of us. Magkapit-bahay kami, and I want to be so close to her kasi may atraso rin ako sa kanya." Nakangiting sagot ni Gian na animo'y parang hindi affected. Sabagay, ako lang naman itong OA.
Nakahinga ako ng maluwag. Buti na lang at naayos agad kasi baka di ako matunawan pag nagkataon.
"Ay, ganun ba? So available ka pala? What a great news!" Umariba na naman ang friend ko. Mapapabuntong-hininga ka na lang talaga.
"Hindi eh! I have my girlfriend. Two years na kami. She is in the province where I came from. LDR kami kasi nagtatrabaho ko kay Tita. Kailangan eh. I have to work hard para mas maging bagay ako sa kanya at mas magustuhan ako ng parents nya. Because if I did not become successful, hindi nila ko matatanggap completely. I won't let that happen."
Sa sobrang gulat ko sa narinig ko, di ko namalayan na baso na pala ni Caroline ang iniinuman ko. Grabe! Anong pakiramdam to? Bakit bigla akong nabahala, and at the same time, nahiya? Pwede ba mag walk-out, Lord? Pero ang hindi ko maintindihan, bakit parang nanghihinayang ako? Pero hayaan mo na! Balik ko na lang wallet nito, baka guilty lang ako sa mga pinagagagawa ko sa kanya. Basta, wala akong pakialam sa buhay nya! WALA AKONG PAKIALAM!
"Tanya, are you sweating?" Medyo nabigla ako sa tanong ni Caroline. Agad ko namang pinunasan ang mga namumuong pawis sa noo at sa mukha ko.

"ISAW na nga ang BBQ!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon