"Bakit pawis na pawis ka?" Pagtatakang tanong ni Caroline.
"May nasabi ba kong----" Agad ko nang pinutol ang sasabihin ni Gian na nakatitig na rin nang husto sa akin.
"Pinapawisan ako kasi mainit dito sa pwesto natin. Are you done talking with each other? Uuwi na ko at kailangan ako ni Mommy sa bahay. See you all!" Pagsisinungaling ko. Agad na rin ako tumalima para maikubli ko ang pakiramdam na hindi ko rin maintindihan kung ano.
"Sasabay na ko sa'yo!" Biglang sambit ni Gian na tumayo na rin at hinabol ako.
"Tanya, tatawagan kita, ah?" Pahabol ni Caroline habang papalabas kami ni Gian ng cafeteria. Di ko na sya sinagot at tuloy-tuloy na kong naglakad habang nakasunod sa akin si Gian.
"Hintayin mo naman ako! We are neighbors pero parang ibang tao ako sa'yo."
Sambit ni Gian habang nakasunod sa akin. Tuloy tuloy lang akong naglakad at di ko sya pinansin. "Sandali naman! Pag ganyan ka ng ganyan, I will just think na may gusto ka sa akin!" Medyo nagulat ako sa tinuran ng mokong kaya bahagya akong napahinto. "Dapat ganyan, good girl! Learn to wait. Iksi ng pasensya mo parang biyas mo eh." Nang-asar pa ang loko. Nang maramdaman ko na halos sabay na kami ay tuloy tuloy na ulit akong naglakad. "Maliit lang ako kasi matangkad ka. Do not feel so entitled!" Pa-taray kong tugon.
"Ako pa ngayon ang entitled? Ikaw nga itong nanakit. Di ako makalakad ng maayos ngayon dahil masakit pa rin yung paa ko. Hope you still remember what you have done to me." Medyo ma-otoridad nyang wika.
Bigla ko naalala yung mga paa nya. Oo nga pala, sinaktan ko nga pala ang adik na to.
"Tapos nagmamadali ka maglakad as if wala kang kasalanan sa akin? Galing! Dapat nga magpasalamat ka pa sa akin kasi kahit sinaktan mo ako ay nakapag provide pa rin ako ng uniform for you. Salamat sa teacher kong may gusto sa akin at tinulungan ako."
Di ako umimik. Tuloy lang ako sa paglalakad. Medyo mahaba haba pa kasi ang dapat lakarin bago makarating sa paradahan ng tricycle.
"Si Caroline pala ay kaibigan mo. Classmate ko yun and she sings well. Pambato sya ng mga seniors sa mga contests." Pagsisimula nya ng topic. Bakas sa mukha nya ang kagustuhan nyang makausap ako. Pero di pa rin ako umimik.
"Malayo ba ang house nya? Bakit di sya sumabay sa atin?" Tanong nya ulit pero tahimik pa rin ako.
"Tanya, alam mo, you're beautiful kaso mukhang may bad breath ka." At di talaga titigil ang mokong na asarin ako kaya hinarap ko na.
"Di tayo close, okay? Marami ka pa lang tanong about kay Caroline, sana nag stay ka doon at nagchikahan kayo. Wag ako ang ginugulo mo!" Nakatikim tuloy sa akin ng bars ang loko.
"Sungit mo naman. Pero kanina sa cafeteria, you seemed so kind kaya I thought okay na tayo... O baka naman nagseselos ka?" Pang-aasar nya. Medyo natigilan ako sa huling sinabi nya. Nagseselos nga ba ko? Selos kasi nalaman ko na may gf sya? Selos kasi si Caroline ang topic na gusto nya pag-usapan? Para kang ewan, Tanya! Di mo pa nga gaanong kilala yan! Magtigil ka at di yan makakatulong sa mga pinagdadaanan mo ngayon! Pilit kong pinagsasabihan ang sarili ko nang di sinasadyang mapatingin ako sa kanya. "Ano nga? Are you getting jealous?" Tanong nya ulit na bahagyang inilapit ang mukha sa akin. Nakita ko ng malapitan ang mukha nya. May ibubuga rin naman pala. Makakapal at maiitim ang mga kilay na may bahagyang korte. Bilugan ang mga mata at matangos ang ilong. Bumagay rin ang hugis ng maliit nyang mukha sa gupit nyang nakahati ng kaunti ang buhok sa gitna. Dagdag pa dito ay ang ngiti nyang napakaluwag na animo'y walang hinanakit sa mundo. Gwapo naman pala itong si ISAW boy. Makinis at tisoy rin. Pero uulitin ko, aanhin ko naman ang ganyan kung mabigat naman ang loob ko sa presensya nya? Pinakalma ko ang sarili sa iniisip ko at pinandilatan ko ang loko. "Di ako magseselos dahil unang-una, di ka gwapo!"
"Ouch! Watch your words! Ikaw ba, maganda?"
"Maganda at matalino ako!" Pagmamayabang ko habang naghihintay na ng tricycle. Sa wakas, nakarating din sa paradahan kahit may magulo kong kasama.
"Kung maganda at matalino ka, bakit magta-tricycle tayo? May service tayo, 'diba? Baka kanina pa tayo hinihintay ni Mang Andong doon."
Napangiwi ako sa narinig ko. Oo nga pala! Bakit di ko naalala? Kaasar! Sa inis ko ay nahampas ko siya. "Aww! Nananakit ka na naman, ah!" Sambit nya habang hinihipo at hinihipan ang braso nyang nahampas ko. "Alam mo na pala, bakit di mo pa ko sinabihan? Ang layo ng nilakad natin, oh!
"Eh nagmamadali ka tapos ayaw mo pa ko imikin kanina. Not my fault at all."
"Sumasagot ka pa talaga!" Hinampas ko pa sya ng isa.
"Aray! Sumu-sobra ka na ah!" Nakangusong sagot nya.
"Panira ka talaga ng araw eh. Lumayo ka sa akin at baka di kita matantiya!" Sambit ko habang asar na tumalikod para bumalik sa school. Sumunod naman agad ang loko. "Hintayin mo ko!"
"Wag ka na sumabay sa akin! Mag tricycle ka na lang. Mas masaya sumakay sa service van kung wala ka."
"How can I? Nasa iyo ang wallet ko."
Bigla kong naalala yung wallet nyang nasa akin. Napahinto ako at nag-isip ng malalim... My gulay! Nabayaran ko ba yung Bulalo na kinain namin?
"Wag ka mag-alala sa Bulalo. Treat ni Caroline yun. Wala rin naman syang choice." Agad nyang sagot na wari ay nabasa kung ano ang iniisip ko. Nakangisi pa ang loko.
Urrrgghhh! Bigyan nawa ako ng tamang bait ng langit dahil gusto ko talaga manakit pag kasama ko ang ulupong na 'to.
"At least cute at di ulyanin."
Aba'y sumagot pa talaga. Pati ba naman sa POV ko, nakiki-epal ka?
"Alam mo, laro tayo." Ngiting asong sabi ko.
"Anong laro?" Seryosong sagot nya.
"Oplan Tokhang! Para pag nahuli kita, headline ka bukas! Bwisit ka!"
"If you can catch me." Pang-aasar nya. Dahil asar talo ko, hinabol ko siya. Naghabulan kami at nahila ko ang polo nya, pero sa lakas ng pwersa nyang magpumiglas ay pumutok ang mga butones nito dahilan para unti unting lumitaw ang dibdib at tiyan nya. Napahinto ako sa nakita ko. Para syang perpektong hinulma ng Diyos. Chest at abs pa lang, pwede na mag audition as next Superman. Idagdag pa ang mga buhok sa dibdib at tiyan nya na akala mo ay latinong leading man ni Marimar.
"Tanya, ano yang mga tingin na yan? Ikaw ah, di ko pa tuluyang hinuhubad itong polo ko, ganyan ka na magnasa. I feel molested." Pagputol nya sa page-emote ko.
"Wala namang maganda sa katawan mo. Nothing special." Pagsisinungaling ko.
"Ganun ba? How about this?" Sambit nya sabay hubad ng polo. Tuluyan kong nakita ang katawan nya at napaigtad ako sa mala-Macheteng hubog nito. Walang tapon. Parang isang handa na kumpleto ang sahog, kakain ka na lang. Pero iwinaksi ko ang iniisip ko. Hindi sa ganitong paraan ako makukuha ng unggoy na 'to. Isa pa, napansin kong pinagtitinginan na rin kami. Second year high school student lang ako at senior ko sya. Nakakahiya ang mga eksenang ganito pag nagkataon.
"Magdamit ka nga! We are both minors. Baka kung ano ang isipin nila." Pagkasabi ko nun ay naglakad na ko at iniwan ko na siya. Ngunit di pa man ako nakakalayo ay may mga nagsigawan na. Akala ko kung ano na namang pagbibida ang ginawa ng mokong. Pagtingin ko sa likod ay nakita kong mabilis syang tumatakbo papunta sa akin at bakas sa mukha nya ang labis na pag-aalala. Bigla nya akong niyakap nang mahigpit at sa lakas ng pagyakap nya ay napaatras ako nang husto dahilan upang matumba kami pareho. Nagulat na lang ako na nakahiga sya habang nasa ibabaw nya ako at magkayakap kami. Wala syang suot na polo kaya ramdam ko ang buong katawan nya, ang bilis nang tibok ng puso nya, ang nagpapawis nyang mga braso, at ang paghinga nya. May bahagi sa akin na natuwa sa posisyon namin ng mga oras na yun, pero mas pinili kong magalit sa kung ano na namang kalokohan ang ginawa nya. Pero bago pa man ako magalit ay nakarinig ako ng malakas na pagbagsak mula sa taas. Paglingon ko ay nakita kong nagbabagsakan mula sa ginagawang gusali ang mga bakal, yero, at kahoy. Bigla kong naisip na... Kung hindi nya ko niyakap nang mahigpit at naiatras nang husto, malamang... Oh, Lord! Iniligtas Nyo po ako gamit ang taong ito! Tinitigan ko sya nang husto habang ako ay namumutla dahil sa labis na pagkabigla. "Nasaktan ka ba?" Tanong nya sabay hawi ng buhok ko. Sasagot pa lang sana ko ng biglang may bumusina sa gilid namin. "Tanya, ano ang ginagawa ninyo ni Gian?" Sa ganoon kaming posisyon nakita ni Mang Andong. Nasa ibabaw ako ng nakahubad na lalaki habang kami ay nakasalampak at pinagtitinginan ng mga tao. Agad akong tumayo pero kalauna'y nawalan rin ng malay.
BINABASA MO ANG
"ISAW na nga ang BBQ!"
RomanceGaano man kakumplikado ang buhay, umiikot pa rin ito sa mga simpleng bagay. Tunghayan kung paanong pinagtagpo ang dalawang tao dahil lamang sa simpleng pagkain sa kanto. Ating ISAW-isahin ang bawat nakakapanabik na detalye sa kwentong magtuturo sa a...