CHAPTER 9: Dark Secrets

24 4 0
                                    

"Tanya, do you feel better now?" Malumanay na wika ni Mommy. Nakahilig ang kanyang ulo sa aking noo. Pagdilat ko ng mga mata ay nasa kwarto na ako at katabi ko na si Mommy habang hawak nya ang mga kamay ko.
"Iyong pamangkin ni Aling Precy ang nagdala sayo rito. Kinarga ka nya just to get you inside your room. Gian is his name kung di ako nagkakamali. He already called a doctor to check you. Thank God, okay naman ang vital signs mo. You just experienced fear and anxiety because of what had happened." Dagdag pa nito.
Biglang nag-flashback sa akin ang mga huling nangyari bago ako mawalan ng malay. Mga nagbabagsakang malalaking kahoy, maiingay na yero, at mabibigat na bakal habang nagsisigawan ang mga tao. Ngunit bukod doon ay nakita ko rin sa aking isipan kung paano rumesponde si Gian para sa akin. Narinig ko ang boses nya habang ako ay nakapikit. Ramdam ko ang pagkabalisa at pagkataranta nya upang maisakay lang ako sa van at mabigyan ng paunang lunas. Naputol ang aking pag-iisip nang bigla kong makita ang mga kamay ni Mommy habang nakahawak sa akin. Bahagya akong bumangon upang tingnan itong mabuti. Nagulat ako sa napagtanto ko. Tinitigan ko nang maigi si Mommy. Nakita ko ang malamlam nyang mga mata. Bakas dito ang maghapong kakaiyak. Maputla rin ang kanyang mga malabi na nagbibitak ang balat. Niyakap ko sya nang mahigpit. "Mommy, do not hurt yourself. If they leave you, ako, I will be with you no matter what. Mahal na mahal po kita!" Gumanti naman ng yakap si Mommy pero pagkatapos noon ay hindi nya na muling ipinakita sa akin ang kanyang mga kamay. Pasimple nya itong ikinubli. "I am fine, Tanya. Just promise me that you will take care of yourself. Ayoko ng may mangyayaring ganito sayo ulit because I won't forgive myself if ever. Mas mahal kita!" Tugon niya. "Pero bakit po may mga sugat at hiwa ang mga kamay ninyo? Sabi ninyo sa akin, masama saktan ang sarili sa kahit anong paraan? Kayo rin po ang nagsabi sa akin na tayo ay sinusubok lang ng kapalaran kaya walang bagay na hindi tayo kayang malagpasan, tama po ba?" Tanong ko habang unti unti nang lumalabo ang mga mata dahil sa nalalapit na pagtulo ng mga luha.
"Wala ito." Isang pilit na ngiti ang isinukli niya. "Bumangon ka na riyan at nagluto ako ng hapunan. Naririnig ko ng tumutunog ang tiyan mo." Pagbibiro nya ngunit halata naman ang kagustuhang nyang mailayo ang pag-uusap sa kung ano ang tinutumbok ko. Sa halip na sumagot ay niyakap ko na lang siya ng mahigpit habang nagwiwikang, "Hindi ko pa man po maintindihan sa ngayon ang lahat, pero alam ko pong malakas ka at wala ka pong bagay na hindi kayang ilaban para sa akin." Hinarap nya ako at tinitigan. Pinunasan nya rin ang pisngi kong basa na ng luha. "Mas malakas at mas matibay ka kaysa sa akin. Pero huwag kang mag-alala, di kita pababayaan. Lagi akong nasa saiyo to protect you and to assure that you will always be fine." May malamig na hangin na dumampi sa mga mata ko na naging dahilan kaya napapikit ako. Ngunit pagdilat ng mga mata ko...
"Buti gising ka na, Tanya. Kanina pa kita hinihintay na magising. Alam ko na may emotional shock ka pa sa mga nangyari saiyo, hija.. Pero kailangan mo itong malaman." Natatarantang wika ni Aling Precy habang mahigpit na hinahawakan ang mga kamay ko. Dagli akong bumangon at nagpakawala ng buntong hininga. Parang nakukutuban ko na kung ano ang balita. Lalo na at alam ko na hindi naging maganda ang panaginip ko kanina lang. Sana mali ako nang iniisip. Sana maayos lang ang lahat. "Aling Precy, ano po iyon? Sabihin nyo po sa akin." Ramdam sa tinig ko ang pag-aatubili. Nararamdaman kong bumibilis rin ang tibok ng puso ko.
"Masaya ako na nakaligtas ka sa kapahamakan. Si Gian mismo ang nagdala sayo rito at nagkwento ng mga nangyari. Pero...."
"Pero, ano po? May nangyari po bang masama kay Gian? Nasaan po siya? Tsaka bakit po nandito ako? Bakit po hindi ninyo ako dinala sa bahay? Aling Precy, ano po bang nangyayari?" Halos sunod-sunod kong tanong. Ramdam na rin ang panginginig ko sa di ko maintindihang dahilan. Impit na hikbi ang isinagot sa akin ni Aling Precy nang iabot nya sa akin ang isang sulat. Agad ko itong binasa ngunit ako ay nanghina habang binabasa ko ang bawat salita... "Tanya, you have grown beautiful and smart. Nung isilang ka ang masasabi kong regalong araw sa akin ng nasa itaas. Masaya rin akong masubaybayan ang paglaki mo, and I realize that you are stronger and braver than me. You are more flexible than what I expect you to be. Sorry if I will end things as this, but I promise to stay with you forever to protect you. I assure that you will always be fine. Huwag kang magalit sa akin, ah?Patawarin mo ako kung naging mahina si mommy. But I am now your angel, and I will secure you in every way. I love you so much, my baby!"
Hindi ko na halos mabasa ng buo ang sulat dahil sa aking labis na pag-iyak. Hindi pa man sinasabi sa akin ni Aling Precy ang nangyari ay malinaw na sa akin kung ano ang bangungot na kinakaharap ko.
"Nasaan po si Mommy? Pupuntahan ko po siya. Salamat, Aling Precy, pero kailangan ko ng umalis." Pagmamadali kong pahayag. "Pero maraming pulis sa inyo, Tanya, at wala na ang katawan ng mommy mo doon. Mas maii-stress ka lang doon lalo na at hihingan ka nila ng pahayag pag nakita ka." Pilit akong pinigilan ni Aling Precy dahil alam nyang mahina pa ako ngunit hindi ko sya pinansin. Akma na kong lalabas ng kwarto ngunit pagbukas ko ng pinto ay isang mahigpit na yakap ang sumalubong sa akin. "G-Gi-Gian?" Nauutal at paos kong sambit habang umaagos ang luha sa mga mata.
"Dito ka na lang muna. Pakinggan mo ko kahit ngayon lang. Maaayos din itong lahat. Sa ngayon, gusto ko dumito ka. Ayaw kong mag-isip ka ng kung anuman. Tandaan mo, hanggang nandito ako, di kita hahayaang mag-isa." Ramdam ko ang init sa mga yakap nya ngunit mas dama ko ang init ng pag-aalala nya para akin. Dahil dito ay tuloy-tuloy na akong umiyak sa mga balikat nya.
"Naging masamang tao ba ako? Ano ba ang nagawa ko para maranasan ko ito? Sa dinami-dami ng pamilya sa mundo, bakit pamilya ko pa?" Pagpapahayag ko ng mga tanong na umuukilkil din sa akin. Tuloy-tuloy ang pag-agos ng aking mga luha kasabay ng impit na paghikbi.
"Tanya, wala kang kasalanan. May mga bagay lang talagang nakatakdang mangyari na even us cannot explain. But things will be fine, soon. Lalo na at alam kong palaban ka. We can go over this, and I will help you." Sagot ni Gian habang patuloy pa ring nakayakap sa akin. Nasa ganoon kaming posisyon ng may pamilyar na boses ang tumawag sa akin. "Tanya!" Sabay kaming lumingon ni Gian ngunit sabay rin naming ibinulalas ang mga katagang "Dad?". Nagtinginan kami ni Gian at parehong nalito sa bagay na lalong nagpabigat pa sa aking magulong mundo. "Gian, you call him your dad as I do?" Gulat na gulat na tanong ko. Tinitigan ako ni Gian ng husto at sinabing... "Yes, Tanya! Because he is my father."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"ISAW na nga ang BBQ!"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon