Chapter 1

86 6 0
                                    



NAGLALAKAD lakad ako sa isang gubat.Matataas na puno at luntiang damo.Mga lumilipad na ibon at ang mga huni nilang napakapayapa.Hindi ko alam kung paano ako dito napadpad ngunit hindi ko maikakaila na napakaganda nitong lugar na ito.May sapa na ubod ng ganda dahil sa mga nagniningning na bato.Tahimik at payapa iyan ang nadarama ko ngayon katulad ng gusto kong mangyari sa buhay ko.


Nagpatuloy akong maglibot.Napukaw ang tingin ko sa isang pulang rosas.Bukod tangi siya sa iba, nangingibabaw siya.Busilak at namumukod tangi sa kagandahan....


Pinitas ko ito...


Kamangha mangha ang taglay na kariktan nito...


Sa dala ng pagkamangha ay nasugatan ako sa tinik nito...


Pumatak sa kinatatayuan ko ang dugo ko...


Isang hindi inaasahan ang nangyari...


Biglang naging kulay dugo ang kalangitan.


Ang mga puno at halaman ay natuyot at nalanta.


Isang malalim na boses ang bumalot sa buong kapaligiran



"ANG NAKATAKDA ALICE"


.....

NAGISING akong pinagpapawisan ng malamig.Tagktak ang pawis sa noo ko.Isang masamang panaginip na naman.Pinagdaop ko ang palad ko at kinalma ang sarili ko.May kung anong humapdi sa daliri ko.Napansin ko ang sugat sa dulo ng aking daliri, nagdudugo ito.Hindi ko alam kung bakit,baka kung saan ko lang 'to nakukuha habang natutulog ako.Tinignan ko ang orasan sa dingding.

5:03 am

Bumangon na ako sa pagkakahiga at nagsimula na akong mag-ayos. Sinipat sipat ko ang sarili ko sa salamin,sinuklay kong mabuti ang buhok ko.Namana ko raw ang kulay ng buhok at mata ng aking ina.Kasing kulay daw ng buwan ang hibla ng buhok ko at kulay lila naman ang aking mga mata.

Isinuot ko ang necklace na may pendant na ruby,hinulma ito na parang isang rosas.Sabi ng mga madre sa orphanage ay nang makita ako ay lagay ako sa isang basket at doon ay may nakapatong sa tabi ko na kwintas.Maaring ito daw ang bigay sa akin ng aking magulang.Hawak hawak ko ito at dito bumalik ang alaala ng pagkabata ko....


Namulat ang aking isipan sa loob ng bahay ampunan..Bata palang ay may mga nakikita ako, mga nilalang na hindi nakikita ng mga ordinaryong mata.Madami sila.Nagkalat sa mga lansangan,makikita mo silang nakikihalubilo sa mga tao.Diablo kung tawagin.Normal at mukha silang mga tao kung masisilayan ngunit sa loob nila ay may nagkukubling halimaw.Waiting for it's prey to fall on their hands and devour it's prey.I can see their true form.Nakaktakot man ay wala akong magawa.Hindi ko alam kung bakit ako pa nabibiyaan ng ganitong kondisyon.


Dahil dito walang may balak kupkupin ako.Walang kaibigan at madalas mag-isa.Hindi nila ako naiintindihan,sabi pa nga ng iba ay mabuti na i turn over na ako sa mental hospital.Ayaw nila akong paniwalaan, sinasabi nila na gawa lang ito ng aking imahinasyon sapagkat bata ako.Sa araw-araw na naging buhay ko ay puro sarili ko lang ang naging tunay na kakampi ko.Puro panghuhusga at panglalait...mga masasakit na salitang nabibitawan nila sa harapan ko. Ang mga batang nakasabay ko sa ampunan ay nagkaroon na ng sariling magulang at nakabuo na ng masayang pamilya subalit ako wala.

My Name is AliceWhere stories live. Discover now