Kahapon lang nang tanggapin ko ang alok ni Ahri na maging kaisa ako sa isang sikretong organisasyon.Nakakagaan ng pakiramdam na hindi lang ako nag iisa na naniniwala at nakakakita sa mga nilalang na hindi nakikita ng ordinaryong mga mata.Kahit na ganoon ay madaming pumapasok parin sa isip ko.Hindi pa masyadong nagsisink in sa utak ko ang mga nangyayari.Kahit si Teacher Yuna ay walang kaalam alam dito.
Nakaupo ako ngayon sa pinakasulok ng library.May binabasa akong libro for our semi finals exams this week.Kailangan kong maipasa yon.
Tutok na tutok ako sa nirereview ko.Kailangan kong maisulat 'to sa notebook ko.Akmang kukunin ko na sana sa bag ang aking notebook ay biglang nag ring ang phone ko.
Kinuha ko 'to agad ay unknown number na tumatawag.
"S-sino kaya 'to?"
Agad ko naman itong ibinaba.
Ngunit nagulat ako sa pagtunog ulit ng phone ko.
New Message Recieved!
Pinindot ko 'to agad at biglang bumilis ang pintig ng pulso ko.
/ Hi Alice wag mo akong binababaan, after all you did sa kamay ko?! You weird psycho.I'll get even bitch. /
Mabilis kong kinuha ang mga gamit ko at inilagay sa loob ng bag ko.Kailangan ko nang makaalis dito, may nararamdaman akong masama dito.
Eksaktong pagtayo ko ay namatay ang mga ilaw.
Mas lalong lumago ang takot na namumuo sa akin.
May naramdaman akong mainit na paghinga sa leeg ko.
"I'll make you pay for this"
Sisigaw sana ako ngunit mabilis niyang natakpan nang bimpo ang ilong ko.May naamoy akong nakakahilo at mayamaya ay tinangay na ako ng kadiliman."
****
Nakadama ako ng isang malakas na sampal sa kaliwang pisngi ko.
Agad akong nabuhayan ng diwa.
"A-asaan ako!? P-pakawalan niyo ako dito!"
Nagpupumiglas ako sa kinauupuan ko ngayon.Naramdaman ko mahigpit na pagkakatali sa aking kamay at paa.
Tinakpan ng panyo ang mga mata ko kaya pawang itim lang ang nakikita ko ngayon.
May naririnig akong tawanan sa kabilang banda ko.
"Tanggalin niyo na ang piring sa babeng yan."
Sa boses palang ay kinabahan na ako.
Pagkatanggal ng piring sa akin ay tama nga hula ko.Si Anya ang nasa harapan ko ngayon.May puting benda ang kanang kamay niya at nangigilaiti siya sa galit.
"See what you did to my hands!"
Ipinakita niya sa akin ang malaking paso sa bandang palad niya.Nagingitim iyon at may mga parteng natuyuan ng dugo.
"Dahil diyan sa ka weirdohan mo kaya ko 'to natamo!"
Galit na galit ang mukha niya ngayon.Parang kahit anong segundo ay gagawan niya ako nang hindi magandang bagay.
"T-tama na Anya! Wag mo nang ituloy ang balak mo!"pagsusumamo ko.
Tumingin lang siya sa akin kumurba sa mga labi niya ang isang ngiting nakakaloko.
" No, hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakaganti sayo."
"Tulong! Tulungan niyo ako!"
Humalakhak lang siya at itinuon ulit ang mga mata sa akin.
