"Oh God!G-grey and Spencer!"
Mga taob at wasak na lamesa at silya.Dugo at mga marka ng mga kalmot sa bawat sahig at maging sa dingding.
Naabutan namin si Grey na duguan at sugatan sa sahig,habang nakatungkod sa sahig ang kanyang katana.Si Spencer naman ay paika ika ang lakad hawak hawak ang duguan niyang tagiliran na tila ay kinalmot ng isang mabangis na hayop.
"N-nakatakas ang mga D-diab---"
Muntik na siyang malaglag ngunit mabilis na nakakilos si Darius upang alalayan siya.Dito ay nawalan si Spencer ng malay.Agad niya itong binuhat at inihiga sa lamesa,ganoon din si Grey
Hindi ko alam kung totoo ang nakikita ko ngayon o isang panaginip lang.Papaano nangyari sa kanila ang bagay na ito!?S-sino ang may kagagawan nito?
"La~la~la~"
May narinig akong kumakanta sa aking likuran.Sinilip ko ito at nakita ko si Reine. Nakita kong inaamoy amoy at inuusisa niya ang mga dugong nagkalat sa sahig.Kahit ang mga kalmot at marka galing sa umatake kay Spencer at Grey ay binubusisi niya.Tila kinakausap niya pa ang kanyang dalang bunny stuff toy.
"Alice!Anong itinatayo tayo mo diyan!? T-tulungan mo ako dito!"
Sinigawan ako ni Chanel at agad naman akong lumapit.
Nakita ko ang bugbog at puro sugat na dibdib ni Grey.Malulubha ang bawat tama niya at mukhang napuruhan siya ng masaklap sa pakikipaglaban sa mga Diablo.Pinakamalalim na sugat niya ay nasa bandang braso siya,walang tigil ang pagdaloy ng dugo nito.
"K-kailangan n-nating ma-magamot s-siya!"utal na utal na sambit ni Chanel.
Ngayon ko lang siya nakita na ganito.Na naiiyak siya at pinanghihinaan siya ng loob.Mukhang nawala sandali ang matapang na Chanel ngayon.
"A-anong gagawin natin!?" Iginala ko ang aking mga mata nakita ko ang bag ni Chanel.
"Akin na ang bag mo." Agad naman niyang ibinigay sa akin ang bag niya.Tumingin tingin ako sa loob ng kanyang bag at nakakita ako ng isang perfume.Alcohol diluted naman ito kaya sa tingin ko ay pwede na 'to.
Pinilas ko ang bawat sleeves ng aking damit at pumunit ako ng parte sa aking mahabang palda.
Kinuha ko ang isang tela mula sa aking sleeves at tinapunan ko ito ng perfume agad ko itong idinampi sa bawat sugat niya.Kahit wala siyang malay ay rinig ko ang mga ungol ng pagdaing niya sa sakit.Inilapat ko naman ang mahabang tela sa kanyang braso at naglapat ng pressure para maibsan ang pagdurugo nito.
Nagulat ako ng hawakan ni Grey ang kamay ko.Mahigpit ang pagkakahawak niya na parang ayaw niya akong pakawalan.
Nakapikit siya ngunit may parang gusto siyang sabihin.
"W-wag mo akong i-iwanan.D-dito ka la----"
"Grey wag kang gumalaw,take a rest."sabi ni Chanel.
Tinanggal ko naman agad ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Nakita kong tinignan ako ni Chanel,hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin pero makahulugan ang bawat tingin niya.
Pagkaraan ng ilang minuto ay nailipat sila sa mas maayos na lugar para maagapan ang mga sugat nila ni Ahri.
*****
"Class dismissed."
Nagsitayuan na ang lahat at lumabas.Subalit ako ay naiwang may dinadalang tanong sa isip ko.Gulong gulo ako sa ginawa ni Grey pero baka dulot lang iyon ng matinding pinsalang natamo niya noong araw na iyon.
Nagsimula na akong tumayo at kunin ang gamit ko.
Paalis na sana ako ngunit nakita ko ito muli.Ang uwak na pula ang isang mata.
Para bang inuusisa niya ang buong pagkatao ko.Iba ang pakiramdam ko dito, mukhang kailangan ko nang umalis.
Patakbo kong tinungo ang hagdan ngunit may kung anong pumigil sa akin.Narinig ko ang isang pamilyar na boses.
"Alice...iyan ang mga katagang binabanggit nila,ng mga Diablo.Sino ka ba talaga!?"
Nilingon ko siya at nakita ko si Grey sa aking likuran.Malamig at matalas na titig ang bumaon sa akin.Hindi ko alam ang sinasabi niya,ako kung sino ako?Ano ba ang pinupunto niya?
Pababa na sana ako ng tuluyan ngunit hinugot niya ako ng buong lakas pabalik,naramdaman ko ang pagtama ng likuran ko ng ipwesto niya ako sa pader.
Malakas na pagtama ng kanyang kamao sa pader ang aking narinig.
Natatakot ako.Ano bang sadya niya sa akin at ganito siya.
"Nung panahon na nakatakas ang mga Diablo sa headquarters.Hinahanap ka nila,paulit ulit ka nilang binabanggit.Para bang nagbubunyi sila tuwing ibinubuka nila ang bawat letra ng pangalan mo."
Binalot ako ngayon ng takot at pagkakalito sa mga panahong ito.Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil hindi ko alam ang dahilan kung bakit niya sinasabi niya iyon.
"H-hindi ko al----"
"Now tell me,kung sino ka?Isa ka rin ba sa kanila.Halimaw ka rin ba!?SUMAGOT KA!"
Nakita ko ang paglukot ng kamao niya.
"Itigil mo na yan!"
Malakas na sigaw ang umalingawngaw sa paligid.
"Grey stop it!Your making things worse!Layuan mo si Alice."
"Ano?Pababayaan mo lang na sirain at patayin niyang halimaw na yan tayo!?"
Biglang nakaramdam ng sakit sa dibdib.Para bang paulit ulit akong sinaksak ng mga salitang iyon.Akala ko na sa team na 'to mahahanap ko ang salitang "Pagtanggap" pero mukhang kahit kailan hindi ko iyon mararanasan.
Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Spencer at tumama ito sa bandang panga niya.
Muntikan nang bumagsak siya ngunit agad niyang nakuha ang balanse niya.
"Hindi ko na hahayaang makapaminsala yang halimaw na yan."
Tuluyan ng bumagsak ang mga luha ko.Hindi ko alam kung bakit niya nasasabi ang ganyang bagay.
Sa aking likuran ay naramdaman ko ang paglapat ng kamay ni Spencer sa aking balikat.
"Alice....."
Hindi na ako kumibo,hinayaan kong umagos ang mga luha ko hanggang makababa ako.
Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko at nakita ko ang pagtawag ni Teacher Yuna.
Sinagot ko agad ito.Walang sumasagot ngunit may naririnig ako.
Mga tunog ng nagbabagsakang gamit.Sa pakiwari ko ay parang may mga nagtatapon ng mga mabibigat na bagay.
"T-teacher Yuna!N-nasaan kayo!?"
Kinabahan ako sa aking narinig at mas lalo itong umigting nang marinig ko ang isang malakas na na halakhak akong narinig sa kabilang linya.
"Dapat sinunod mo nalang ang utos ko,isa kang taksil!"nakarinig ako ng hindi pamilyar na boses ng isang babae.
Nanginig ang buo kong pagkatao at agad akong hinatak ng aking mga paa ng marinig sa kabilang linya ang...
"Goodbye Yuna,time's up!"
~PrimaJayma
