Chapter 7

30 3 0
                                    

Third Person's POV

Hindi na inintindi ni Alice ang pagod na nadadama niya ngayon.Kahit hinihingal at nanakit na ang paa niya ay tuloy parin ang pagtakbo nito. Ang tanging nasa isip niya lang ang makauwi at masigurado kung nasaan si Teacher Yuna.

Mabilis na natahak niya ang kanilang tahanan.

Puno ng pangamba at takot ang puso niya sa pagbukas ng pintuan.

Napatakip siya ng bibig sa kanyang nasaksihan.

Mga basag at wasak na kagamitan at may marka ng dugo sa sahig.Hindi na niya makilala ang bahay na naging malaking bangungot na tumambad sa kanyang harapan.

"Teacher Yuna!"maiyak iyak na kanyang sambit sa kawalan.

Hindi niya alam kung ano na ang nangyari sa taong siya nalang ang mayroon.Isang mahinang ungol ang kanyang narinig.

Agad niyang sinundan kung saan nanggagaling ang munting tinig na iyon.

Sa kanyang pagtuklas ay ganoon na din ang tuluyang pagbagsak ng kanyang luha.

Alice's POV

"B-bakit?"

Nakahandusay at puno ng galos ang katawan niya.Nanakit ang dibdib ko sa nakikita ko.

"T-teacher Y-yuna"

Papalapit na ako sa kanya ngunit may kung anong pwersang pumigil sa akin.Parang may mali dito.

"T-tulungan m-mo ako A-alice..."

Agad kong pinunasan ang mga luha ko.Tinitigan ko siya ng mabuti.

"A-alice l-lumapit ka at tulungan mo ako."

Nakaramdam ako ng guhit na dumaloy sa aking mga mata.

Hindi maari at hindi pwede.

Hindi siya si Teacher Yuna.

Hindi tao ang kaharap ko ngayon.

Bumilis ang pintig ng puso ko.Malalamig na pawis ang namuo sa aking noo.Hindi ko alam kung anong sunod na gagawin ko.Kusang umaatras mag isa ang paa ko sa takot.

"T-tulungan m-mo ako."

"HINDI KA SI TEACHER YUNA! S-SINO KA!?"

Tinignan niya ako ng blangko ngunit tagos sa kaluluwa ko ang titig niya.Pumorma ang malapad na ngiting nakakakilabot sa mukha niya.

"Natatakot ka bang lapitan ako?"

Tumayo siya na parang walang nangyari.Hindi pa rin niya pinuputol ang titig niya sa akin.

"Bakit? May mali ka bang nakikita sa akin?"

"Lumayo ka!"

Sa isang iglap ay nagitim ang kulay ng buong mata niya kasabay nito ay may itim na usok na pumalibot sa kanyang katawan at bawat nadadaanan nito ay naiiba ang anyo niya.

Third Person's POV

Napalunok sa takot si Alice, tama ang kaniyang hinala. Hindi si Teacher Yuno ang kaharap niya kundi isang Diablo.

Itim na triangulong maskara na kanyang suot na labi lang ang naipapakita. Itim na eleganteng gown na nagpapakita ng magandang hubog ng kanyang katawan. Makikinang na kwintas na yari sa ginto at pilak na pumapalibot sa kanyang leeg. Binigyan niya ng isang nakakalokong ngiti ang takot na dalaga.

My Name is AliceWhere stories live. Discover now