Third Person POV
Mula ng nakababa sila ng rooftop ay kita parin ang bahid ng gulat ni Alice.Gusto niyang magpasalamat kay Chanel ngunit parang nauunahan siya ng kaba dito.Nakakaintimidate naman talaga ang makasama ang isang Chanel Rochefortte.Kahit si Ahri na matagal ng kasama nito ay hindi maikakaila na may pagitan sa kanilang dalawa.
"S-salamat pala kanina."
Walang tugon si Chanel sa salita ni Alice kaya't patuloy siya sa paglalakad patungo sa kanilang pupuntahan.Kaya't naglakas loob siya na ulitin ang kaniyang pagpapasalamat.Nilingon naman siya ni Chanel at nginitian siya nito,pagpaparating kay Alice na narinig niya ang sinasabi nito.
"At sa wakas andito na tayo"
Nasa harapan sila ng cafeteria ng eskwelahan dito nila kikitain ang iba nilang kasama.Maraming estudyante ang nagkalat mukhang wala silang mauupuan,ngunit iba talaga si Chanel hindi ang siya ang mag aadjust kung hindi sila.
Natigil ang lahat ng kaganapan sa loob ng silid na iyon nang marinig nila ang paglapat ng high heels ni Chanel sa lapag.Agad nila itong pinagtinginan at isa-isang nagbigay ng daan sa kanya.Mapalalake man o babae ay tinitingala siya, at kahit mga teacher man ay may takot sa kanya.
Mauupo na sana sila ng biglang may naglapag ng tray ng pagkain sa lamesa nila.Isang lalakeng may maliit na pangangatawan, maputlang balat at may kulay berdeng pares ng mga mata.Kulay itim ang buhok niya at may mga ngiting nakapanghihilakbot.
Tinitigan niya si Alice na tagos hanggang kaluluwa nito.
Iniiabot niya ang kanyang malamig na kamay sa kanya.
"Nice to meet you,Alice."
Alice POV
Kinilabutan ako ng nakipagkamay ako sa kanya, hindi ko lubos maisip na kasama rin siya sa samahan namin.Umupo kami at hindi matanggal ang titig niya sa akin,agad naman akong binulungan ni Ahri.
"Wag kang matakot!Ganyan talaga yan,siya si Reine Linus.Isa siya sa nasa offense lane ng team natin.Mabait yan wag mong ipahalata na natatakot ka sa kanya."
Napanatag naman ako sa sinabi ni Ahri.Ngunit andito parin yung kaba ko tuwing tumatama ang tingin niya sa akin at sabay ngingiti siya.
"Oh bakit ikaw lang andito? Where are the others?"Inip na sambit ni Chanel kay Reine.
Parang walang narinig si Reine sa kanya at mukhang nainis si Chanel dito.Binalewala niya si Chanel at tumingin sa akin at nag alok ng strawberry cake na kinakain niya.Hindi ko tinanggap ang alok niya kase kinakabahan ako sa kanya minabuti ko nalang na gawin iyon.
Nagulat naman ako sa pagtayo ni Reine at pagtungtong niya sa lamesa.May parang inaamoy amoy siya na hindi ko malaman.Nagsimula akong magpanic,bumibilis ang pintig ng pulso ko,anong ginagawa niya!?
"A-Alice....."
Itinulak naman ni Chanel siya pabalik sa pagkakaupo nito.Dinuro niya si Reine na parang bata.
"GET YOUR SHIT TOGETHER, REINE!"
Isang malakas na tawa lamang ang lumabas sa bibig niya.Nakakatakot ganyan ba talaga siya?
Makalipas ang ilang sandali ay isang malakas na kalabog ang humampas sa lamesa.
"Sorry late ako,kakagaling ko lang ng training."
Sumalubong sa mga mata ko ang isang babaeng may matikas na pangangatawan at may buhok na kulay lila at nakapixie cut siya.Matapang na mga mata at gayundin ang kanyang presensya.
"Blaire Valentine,ikaw?"
"Alice Lockhart"tipid kong sabi.
"You can call me Blaire pero wag mo ng idagdag ang Valentine kong apelyido nakakasuka eh."tumawa siya ng bahagya matapos niyang magsalita
Pagkaupo niya kinuha niya ang ibang pagkain ni Reine."Akin na muna 'to ah."Wala namang tugon si Reine at ginulo ni Blaire ang buhok nito at nagpasalamat.
Wala namang kaabog abog ay dumating ang isang lalaking maraming bandaid at pasa sa kamao.Nagdudugo ang kanyang labi at kasabay ay ginulo niya ang kanyang buhok.Mapupungay at dilaw na mga mata ang tumama sa tingin ko.Halata sa kilos at galaw niya na lagi siyang nasasangkot sa gulo.
"I'm Darius Rivalles,and who are you?"
Bago pa man magsalita ako ay tumayo si Chanel.Ibinaba niya ang kanyang gold sunglasses at tuluyang nagsalita.
"I've heard that you have more than ten records in our guidance office.Dapat expelled ka na and what's with that bruises and scars?Kung ganito lang naman eh you better leave this school and with our team!"maanghang niyang saad.
"Fine!"sinuntok niya ang lamesa.Bumakat ang kamao niya sa sobrang lakas ng pagkakasuntok niya.Tuluyan na sana siyang aalis ngunit pinigilan siya ni Blaire.
"Hoy!Walang ganunan bro.Bumalik ka nga dito,kakaltukan kita diyan eh."
"Chanel grabe ka rin naman!Mauupo palang yung tao eh mangraratrat ka na diyan?"dagdag niya.
"Am I talking to you Blaire?Learn to shutup when I'm not giving you the spotlight to talk."
"EH SIRA ULO KA RIN EH!"
Kinuyom ni Blaire ang kanyang kamao at tinitigan ng matalim si Chanel.Kita sa mukha niya ang panggigil.
"You wanna fight me?Check your battle stance first.Puro ka lang offense yet you don't know the word defense."pagmamayabang ni Chanel.
Kalmado lang at parang wala lang kay Chanel ang nangyayari nasa mukha niya na kaya niyang pagbagsakin si Blaire.
Mabuti at kakaunti nalang ang tao dito kaya't minabuti na pinaalis ni Ahri ang lahat at sinarado ang pintuan ng cafeteria.
"Hindi ba kayo matitigil sa pinagagawa niyo!?"
Buong lakas na sigaw ni Ahri,mukhang pati siya ay hindi na gusto ang nangyayari.Sa kabilang banda naman ay nakaupo si Reine hawak hawak ang kanyang bunny stufftoy at mukhang nageenjoy siya nakikita niya.
Parang wala silang naririnig kahit ako ay kinakabahan.Hindi ko mawari kung ano ang mangyayari mamaya.Mukhang determinado silang ituloy ang laban nila.Tumayo ako sa aking kinauupuan at pumunta kay Ahri.
Habang nasa cafeteria ako ay idinako ng mga mata ko ang bintana malapit sa aking kinatatayuan.May dumapo na uwak sa may bintana at parang tintitigan ako nito.Nakakapagtaka dahil parang kakaiba ang uwak na ito.Ang kabilang mata nito ay kulay pula.Kahit sa sarili ko ay pinagdudahan ko.Kaya't tinitigan ko ito ng mabuti.Pinagmasdan ko ito hanggang sa lumipad ito muli.
Susugod na sana si Blaire kay Chanel ngunit natigilan sila ng biglang sumigaw ulit si Ahri.
"K-Kailangan tayo nila Grey at Spencer!N-nasa panganib sila!Y-yung mga Diablo sa headquarters n-nakawala!"
~Primajayma