Third Person's POV
Magkahalong lito at takot ang nananalantay sa sistema ni Alice.Ngayon lang siya nakaranas ng ganito sa buhay niya.
Itinutok ni Grey ang katana niya sa direksyon kung nasaan ang Diablo. Iwinasiwas niya sa ere ang gamit niyang talim.
Gumuhit siya sa hangin ng krus at panandaliang pumikit.
Pagkadilat ay matalim niyang tinitigan ito. Sa isip niya ay kamatayan na ng kalaban niya.Tanging nasa utak lang niya ay kung paano ito pababagsakin.
Nangunot ang noo ng binata nang tumawa ito ng malakas.Humulma ang nakakaloko na ngiti sa labi nito na labis na kinaasar ni Grey.
"You can't kill me easily, foolish child."
Huminga ng malalim si Grey, inihanda na niya ang kanyang katana at tinitigan niya ng matalim ang kalaban.Wala nang kawala ito ayon sa paniniwala niya.
Parang isang guhit ng liwanag sa bilis ang pag atake na pinakawalan ni Grey sa kalaban.Sa ilang segundo lang ay nasa likuran na siya ng Diablo.
"Tapos ka na."
Ngunit tanging isang ilusyon lamang ng Diablo ang kanyang naatake.
"G-grey! N-nasa ta----"
May narinig siyang halakhak.Nangagaling ito sa itaas.
"KUKUNIN KO ANG KALULUWA MO!"
Tumingin siya sa ceiling at lumantad sa kanya ang Diablo.
Rinig ang paglagatok ng buto nito sa panga dala ng paglaki nito ng lubos. Napunit ang balat sa magkabilang dulo ng labi at umabot ito hanggang sa pisngi.Lumitaw ang mahaba nitong dila.Nakakilabot na paglabas ng matutulis na ngipin at nagkaroon naman ng matatalim na kuko ang bawat daliri na kayang humiwa ng kahit anong madaplisan nito.
Habang pasunggab ang kalaban ay tumingala siya na parang hindi man lang natatakot.Walang kaba at pangambang dumaplis sa kaluluwa niya, alam na alam niya ang gagawin niya.
Buong lakas niyang itinarak sa lapag ang pinakatalim ng sandata niya.May kung anong kakaibang pwersang bumalot sa katawan niya.
Halos ayaw paniwalaan ng mga mata ni Alice ang mga pangyayari.Mas ikinagulat niya ang sumunod pang ganap.
Tila ba na may nagliwanag na bughaw na linya sa gitnang bahagi ng blade ni Grey at para bang kumonekta ito sa lupa.
Parang bubuwag na ang lupang kinatatayuan nila nang gumawa ito ng pagyanig.
May pumormang bilog na at sa gilid nito ay may mga simbolo at mga letra na lumitaw at nagmumula dito ang liwanag.
Pinalilibutan at sakop nito kung saan si Grey nakatapak.
In just a blink of an eye,he returned to his exact location just like a glitch.
Bumaligtad ang ikot ng oras sa kanyang ipinamalas.
Bumagsak ang halimaw na tila ba napahiya sa nangyari.Gustong gusto nitong kitilan ng buhay si Grey.
Tumawa lang ng buong lakas si Grey.Mukhang mas ginalit niya ang mabangis na demonyong ito.
"PAPATAYIN KITA!"
Tila isang mabangis na hayop kung tumalon ito patungo sa kinatatayuan ni Grey.
Habang nasa ere ito ay kapansin pansin muli ang paglitaw ng bilog na nasa kinatatapakan ni Grey kanina.
Lumaki ang sakop ng bilog na ito at gumawa ito ng blue force field na pumalibot sa kinatatayuan nila.
Tumigil ang oras sa loob nito.Kahit ang nahuhulog na maliliit na debris ng kisame ay nanatili sa ere.