"Nasaan ba ako? "
"Anong lugar 'to?"
"Sino kayo?"
Mga tanong na sunod-sunod na pumasok na sa aking isip.Napahilot ako sa sentido ko sa gulo ng mga pangyayari.Teka lang, nasa clinic ba ako?Nilibot-libot ko ang paningin ko.Mga puting kama at kumot, nakita ko rin ang school nurse na si Nurse Emma.Tama nga nandito ako,pero paano?
Sino ba ang dalawang lalaking 'to?Sa aking tantiya ay estudyante rin sila dito.Yung isang lalaki parang may kinakausap siya sa phone,panay tango ito at ngiti.Yung isa naman,tahimik lang na nakatanaw sa bintana,parang may iniisip na malalim.Parang nakita ko na siya.Wait...nakikilala ko siya! Yung lalaking nakabunggo ko papuntang school,teka bakit nandito siya?Hindi ko sila kilala at ang labo pa nang mga nangyayari ngayon.
"Gising ka na pala,Alice Lockhart."
"P-paano mo ako nakilala?Bakit mo alam ang pangalan ko!?"
Nasinagan ng araw ang kanyang kulay kahel na buhok.Inayos niya ang kanyang eyeglasses,at maaliwalas siyang ngumiti.
"Mahabang storya,pero sa ngayon hayaan mo akong magpakilala.Ako si Spencer Smith,Class 4-A"may pagkapormal niyang sabi.
Inabot niya ang kamay niya,para makipagkamay.Ngunit tumanggi ako,imposibleng may magtatangkang kumausap sa akin.Isa ba ito sa pakana ni Anya? Dahil kung oo, ayoko na.
"Kung isa lang 'to sa mga pakana ni Anya,please ayoko na.Tigilan niyo na ako!"
Naramdaman kong tumulo ang luha ko,para bang nagbalik lahat nang nagyari.Ayoko nang maulit iyon,ayoko na.
Hinaplos niya ako sa likuran pinatahan,ngunit agad kong tinanggal ang mga kamay niya.Inayos ko ang mukha ko at pinunasan ang mga luha ko.
"Ano bang ginagawa niyo dito?At bakit ba?Anong pakay niyo?"
"Alam ko ang kung ano kakayahan mo Alice.",naging seryoso bigla ang tono niya.Nangunot ang noo ko sa sinabi niya.
Napanganga ako sa sinabi niya.Kanina pangalan, ngayon naman ang kakayahan ko!?
"T-teka p-pa---"
"Andito kami para magpatulong sayo,kailangan ka namin.We hunt what your eyes can see-The Diablos.They have killed innocent lives,ruined every people they've encountered. Everyone in our city is in danger,no one is safe.Even the police authority can't solve those mysterious happenings occur in our place.Tayo lang ang may alam, ang nakakaalam kung ano talaga ang tunay na nangyayari.Kaya andito ako sa harapan mo para makiusap.Papayag ka bang may mabitikma pa sila?"Umiling ako,at nagpatuloy siya sa kanyang sinasabi.
"You will be our eyes,to navigate them.You have an amazing gift Alice, you can save someone's life from the hands of the Diablo. It will be a great help if you join our team.Iyan ay kung sasama ka samin,kung papayagan mo kami.Nasa iyo ang desisyon,Alice."
