Chapter 3

54 6 0
                                        

Nasapo ko ang aking ulo.

Kadiliman lamang ang tanging bumabalot sa aking paningin.

Nasaan na ba ako?

Nangapa ngapa ako sa dilim ngunit pagkaraan ay napatakip ako ng aking mga mata.

"Location.Reached"

Bumaha sa kapaligiran ang nakakasilaw na liwanag nang magbukas ang isang pintuan na yari sa bakal.Dinala ako ng aking mga paa palabas.Hindi ko masyadong maaninag ang lugar na tinatapakan ko ngayon ngunit may narinig akong isang pamilyar na boses.

"Alice! Glad you made it!"

Habang nag aadjust ang paningin ko sa liwanag ay may naaninagan ko ang hubog ng isang babaeng papalapit sa akin.Yinuyog niya ako sa magkabilang balikat ko at nang luminaw ay mas nakita ko siya.Mala chocolate ang kulay ng kanyang mahaba at kulot na buhok.Makapal na antipara at masayang ngiti at pumorma sa mapula niyang labi.

"So ikaw na nga ito!"

Hinawak hawakan niya pisngi ko at ang mga daliri ko.Parang sinisigurado talaga na buhay ako.

"Alice!"muling sigaw niya sa tuwa.

"M-miss Williams?"

Napuno ng galak ang mga mata niya at niyakap yakap ako.Nagtatalon pa siya at nag sisigaw sa tuwa.

"N-natatandaan mo ako!? Oh my Alice!"

"By the way! Wag mo akong tawagaing 'Miss Williams'! Feel free na tawagin mo akong Ahri lang no!" dagdag niya.

Tumango tango ako ngunit nangunot ang aking noo.Teka nasaan na ba talaga ako? Anong lugar ba 'to?

"A-ahri asaan na ako?" nagtatakang tanong ko.

"Ay! Pasensya wait ito na!"

Ngumiti ulit siya at hinawakan ang magkabilang kamay ko"Ready ka na ba Alice?".Huminga siya nang malalim at pagkatapos ay iniharap ako sa isang lugar na hindi ko inaasahan.Tanging paglaki ng mga mata ko at kasabay ay pagkamangha sa nakikita ko ngayon

"Please welcome! Our Research Grounds!"

"Wow"tanging sambit ko.

A wide field full of high tech computers and a big screen that contains data and research about Diablos.Holographic images that deals with unknown and strange specimens.May mga nakita din akong mga naka pile up na research documents.Mas ikinamangha ko pa ang mga ibang kakaibang gadgets na nakikita ko.Wow...so bale ito ang kanilang research lab? Napaka high tech naman,paano nila niya nagagawa lahat ng 'to?

"K-kaninong lugar 'to?"

"So this place is used to be my father's research lab.My mother is a chemical engineer and my father is a biological scientist! Halos lahat ng mga gamit at equipments for scrutinizing ay matatagpuan mo dito.This place use to be my haven!All the research and inventions! Just simply heaven!"paliwanag niya.

Natatandaan ko nga! Minsan ay nakita ko sa isang akda sa libro ang mga magulang niya.Hindi mapagkakaila na kilala talaga ang magulang niya sa larangan ng siyensya.

"So dito kami nagdidiscuss ng plans at nagreresearch about sa Diablos.Maraming mga equipment dito na pwedeng magamit for research purposes.Sa totoo nga niyan eh kasalukuyan akong gumagawa ng bagong inventions and utility items!" dadag niya.

Sa pagsasalita niya palang ay pakiramdam ko ay sobrang talino niya at madaming siyang nalalaman .

"L-lahat ng mga high tech gadgets ay ikaw ang may gawa?" tanong ko.

My Name is AliceWhere stories live. Discover now