Kier's POV
Kakagising ko lang. Grabe ang sakit padin ng ulo ko. Chineck ko yung cellphone ko kung nagtext na ba sakin si Riona. Nagulat ako kasi nakailang missed call na siya at text. Mas lalo akong nagulat nung nabasa ko yung text niya.
From: Babe
Kier naaksidente si Jared..
Si Jared Naaksidente? You must to be kidding me.. Tinawagan ko agad siya.
["Kier."]
"Hello babe, nasan ka? Anong nangyari kay Jared?"
["Nandito kami sa ospital, Kier... Naakaidente siya."]
"Shit ano bang pinaggagagawa niyang lalaking yan! Papunta na ako."
["Mag-ingat ka kier."]
"Okay babe."
I'm on my way sa sinabing ospital ni Riona, mabilis na yung takbo ko pero hindi padin sapat saakin. Nag-aalala padin ako kay Jared, bestfriend ko siya. Kahit alam kong may gusto siya kay Riona, hindi ako ganon kasamang tao para gustuhing mawala nalang siya para masolo ang taong mahal ko.
Mahalaga din sakin si Jared. Iniligtas niya na ang buhay ko, kaya dahil sakanya naging matatag ako sa buhay.
*flashback*
Two years ago I was always bullied by my classmates.
"Mga dude nandito na yung baklang nerd!"
"Hahaha wtf men? Baklang nerd? Haha"
Simula pagpasok ko, pagkain, paguwi, araw araw akong inaasar ng mga classmate ko beause of my appearance and because i'm a top notcher of the school.
Nakakaya ko pa ang verbal bully non. Pero lumala sila. Napunta sa physical bullying yun. Uwian naglalakad ako pauwi ng biglang may limang lalaking humarang sakin.
"Hoy bakla! Bakit hindi mo kami pinakopya? Gago ka bagsak kami dahil sayo."guy1
"Kung nag-aaral kayo edi hindi kayo babagsak."
"Tangna mo pala eh"guy4
"Aba't gago ka pala eh! nasagot ka na ngayon huh?"Guy1
"Eh tinatanong mo ko diba?"
"Pilosopo!" guy2
"Upakan na yan!" guy5
"Dalhin niyo yan sa tambayan!" guy3
Kinaladkad nila ako sa abandond building, at pinagsusuntok, hinang hina ako. Basag basag ang makapal kong salamin. Pati mga gamit ko sira.
Nakita ko naman yung isang lalaking may hawak na kutsilyo. Balak niya ba akong patayin? Kung ganon ang ganda naman ng headline sa dwaryo bukas niyan. 'Lalaki sinaksak dahil hindi pinakopya ang kaklase.'
Hindi nalang ako pumalag sa pagkakahawak nila sakin, pumikit na lanag ako at naghihintay na mamatay.
Pero pagmulat ko..
Nagulat ako ng biglang may lalaking matangkad na pinagsususuntok lahat yung limang lalaki. Tumba lahat sila.
"Ayos ka lang?"
Umiling ako, nanlalabo paningin ko.
"Tsk, bakit kasi nagpapaapi ka sa mga yon? Alam mo bang mga alipin ko lang yun? Mga duwag yang mga yan."
Kaya pala hindi naganti yung limang lalaki dahil takot sakanya.
"S-Salamat..."
Medyo luminaw na yung mata ko, kakasuntok kasi nila mas lalong lumabo yung mata ko eh, kaklase ko pala siya.
"Tumayo ka na jan, wag ka ng magpapaapi sakanila. Gawin mo ang gusto mo! Kung anong gusto mo dapat makuha mo, gantihan mo sila. Tutulungan kita."
Tumayo na ako. "H-Hindi k-ko... kaya.."
"Kaya nga nandito ako diba? Sus! Edi tutulungan kita! Tutulungan kitang maging matatag boy!"
"T-Thank y-y-you."
"Pero... Basta pakokopyahin mo ako ng assignments?"
"O-Oo, s-sige..."
"Ayos ka naman pala eh.. Jared pre!"
"Kierren..."
"Tara pagamot natin yang sugat mo!"
*end of the flashback*
Kaya ako naging matatag, kaya lahat ng gusto ko, gusto ko! Ikaw mismo ang nagturo sakin niyan Jared, gusto ko si Riona.
Jared's POV
-_____-
"Hahaha, oo nakakatuwa nga siya eh."
"Haha! Pero tignan mo ngayon, ang amo amo ng mukha. Hayst kailan kaya siya magigising?"
"Hintayin lang natin bessy, magigising din si Jared."
"Sana nga, ayokong nakikita ko siyang ganyan. Jared, miss ko na yung kasungitan mo."
Si Rina yun, boses ni Rina at ni Yumi. Pero bakit puro puti ang nakikita ko?
"Jared, gumising ka na kaya. Madami pa akong gustong ikwento sayo eh."
Wala akong makita, ang usok pero ang lamig, nansan ba ako?
"Alam mo Jared, mag tatatlong araw ka nang natutulog jan, hindi ka ba napapagod? Haha."
Tatlong araw? What the? Ano bang nangyari sakin? Rina, sagutin mo naman ako..
"Ay Jared, bumili akong pizza oh, diba gusto mo nito? Kaya gumising ka na dyan! Uubusin na namin to ni Yumi sige ka!"
Rina.... Nasan ka ba?
"Jared kakantahan nalang kita baka sakaling magising ka sa pangit kong boses. Haha."
Para sakin Rina ikaw ang may pinakamagandang boses.
"Hey you, come over and let me embrace you I know that I'm causing you pain too. But remember if you need to cry, i'm here to wipe your eyes."
Ang ganda ng boses niya, feeling ko nasa langit na ko.
"Tonight before you fall asleep I Run my thumb across your cheek, cry' cause I'm here to wipe your eyes. *sniff*"
T-teka umiiyak siya? Bakit?
"Haha, ano ba yan! Baliktad naman ata, ako yung nakanta ng wipe your eyes pero ako yung naiyak. Haha, nababaliw na ata ako."
Rina, bakit ka ba naiyak?
"T-teka lang Jared ah? Yumi, lalabas lang muna ako."
Teka lang hindi ko pa nasasabing..
Mahal kita.
