Chapter 22.2 - She's back

321 5 0
                                    

Riona's POV


My body is trembling. I don't know what reaction would I do now. Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako.. Bakit? Hindi ko naman siya mahal.. Hindi..


Nakatingin lang ako sakanila. Magkayakap..


Bakit hindi ako makagalaw? Please Lord save me here... Ayoko ng nakikita ko pero hindi ko maalis yung tingin ko sakanila. Bakit ba ako nagkakaganito?


Lumapit si Mitch sakin.



"Riona ang totoo niyan hindi talaga ako bumalik dito para makipag-away o makipag-agawan sayo eh.. Tanggap ko na na ikaw ang mahal ni Kier at hindi ako. Matagal ko ng tanggap yun. Hindi din kami tumagal ni Richard kasi ang totoo niyan hindi ko talaga siya mahal. Sorry Riona.. Hindi ko talaga intensiyon na saktan ka. Nung nalaman ko kasing gusto ka ng ex boyfriend ko nagalit talaga ako eh. Mahal na mahal ko kasi si Kier nun eh. Pero ngayon Riona, si Red.. Tinulungan niya akong makalimutan si Kier. Tinulungan niya din akong mawala yung galit sa puso ko. Kaya sana Riona, patawarin mo ko. Sa lahat ng nagawa ko sayo."


Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi sakin ngayon ni Micth. Sincere na sincere siya sa paghingi ng tawad sakin, naiyak pa siya. Tapos hindi ako makapaniwalang hindi niya sakin aagawin si Kier. Pero si Jared.. Bakit sa lahat ng lalaki siya pa? Handa akong magpatawad.. Pero bakit siya? Bakit ako nasasaktan? Saka tinulungan ni Jared si Mitch makamove on kay Kier. Oh gahd bakit naiinis ako? Bakit gusto ko magalit sakanila? Pakiramdam ko niloko ako ni Jared. Ano bang nangyayari sakin. Bakit ako naiiyak?


Pumikit ako ng madaming beses para hindi tumulo ang luha ko at bumuntong hininga.

Pero nagulat ako ng lumuhod si Mitch "R-Riona kung kinakailangang gawin ko to para mapatawad mo ko.."


"Shit! Tumayo ka nga diyan!" sigaw ko sakanya. Ayoko ng may lumuluhod sakin. tumayo naman siya at pinunasan yung luha niya. "Oo na! Napatawad na kita. Matagal na yun at nakalimutan ko na din yun."


"Talaga? Salamat Riona, salamat." tapos niyakap niya ako.


"Tss.." si Jared tapos naglakad palabas ng Gym. Anong problema nun?


"Haha, sungit ng boyfriend ko no?" Agad naman natawa si Mitch kahit may luha pa..


Boyfriend niya, arrrrgghh! Bakit ba ako naiinis? Kaasar!


"Ganon talaga yun. Tara nasa labas na ata sila Kier.."


Pumunta kaming lima sa canteen halos lahat ng studyante nakatingin samin ni Mitch. Haha, nagtataka sila kung bakit kami magkasama. Hello? Mortal enemy kaya kami dati.

Lumipat na pala ulit dito si Mitch, si Chad daw wala na siyang balita simula nung nagbreak sila. 


Habang nakain kami hindi ko maiwasang mailang. Kasi naman sa tapat ko pa nagsusubuan ng pagkain tong si Mitch at Jared eh. Ewan ko ba naiinis talaga ako.


"Babe kawawa naman yang porkchop oh? Gutay gutay na. Haha." -Kier


Napatingin naman ako sa ulam ko. O_O what the? Sa sobrang inis ko sa ulam ko nailabas.


"Nawalan na ako ng gana. CR lang ako." sabi ko habang nakatingin kila Jared. Gusto kong lumayo muna kay Mitch. Although masaya ako kasi ayos na kami. Pero naiinis talaga ako pag nakikita ko sila ni Jared. GRRR!


"Samahan na kita Riona."-Mitch


BWISIT! SABI KONG GUSTO KONG MAPAG-ISA MUNA EH! HINDI KA BA NAKAKAINTINDI?!



"Sige ^___^" Tss! Bwisit.

Ms. Bitch VS Mr. GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon