Riona's POV
"Riona look at this." Sabi ni Mitch sabay pakita sakin ng school
'School Newspaper'
There will be Educational Trip on November 21-23 at Batangas Whatever Resort with Senior students and teachers'
Eh? Seriously?? Ang corny naman.
"Wag mong sabihing sasama ka dyan?"
"Why not? Kasama kaya si Red kaya sasama talaga ako no!
Kasama si Jared? Parang gusto ko na ding sumama. Teka! Hindi ko siya gusto! Gusto ko lang siyang makasama no!
"Ay Riona kasama din pala si Kier. Ano hindi ka pa sasama?"
"Sige sasama na ako." gusto ko siyang makasama
"Haha! Sabi na si pag si Kier talaga eh.. Sige gotta go na Riona! Mamimili ako ng things ko. Sa 21 na yan oh? 19 na ngayon."
Oo nga pala, may two days pa ako para makapagprepare.
"Sige bye Mitch! Ingat ka.."
"Ikaw din. Bye!"
Grabe talaga. May two subjects pa umuwi agad si Mitch. Bitch talaga, hehe. Okay na kami ni Mitch, as in wala na talagang hard feelings. Super bait niya na sakin. Saka sincere na sincere siyang makabawi sakin ngayon, nakakatuwa nga eh. Pero naiinis padin ako pag-nakikita ko sila ni Jared. Ano ba 'to?
"Babe hindi ka ba magrereview?" si kier, nandito pala siya.
"Ha? Bakit?" tanong ko.
Pero imbis na siya ang sumagot...
"May quiz tayo sa physics! Haha for sure zero ka!"
"Hoy Jared! Napakayabang mo! Mapeperfect yan. Easy lang yan no.. Tss!"
"Tignan lang natin." sabi niya sabay basa ulit ng Physics book niya.
Kaasar bakit ko ba sinabi yun? Hindi nga ako nakapagreview eh. Bwisit! Bahala na..
.
.
.
"Good Afternoon class." Syet! Nakatulog ako! Nandito na pala yung Physics teacher namin.
"Good afternoon Ms. Go."
"Get one and pass." tapos binigay sa mga nasa harapan yung quiz paper.
Shit! Shit talaga! Wala akong review! Tinignan ko yung katabi ni jared, wala si Kier?
"Wala si Kier.. Practice ng basketball."
Practice ng basketball? Shit bukas na pala yun! Kaya pala wala yung ibang Varsity Players dito.
"Eh bakit ikaw?"
"Hindi ko na kailangan magpractice, magaling na ako." tss yabang! "Saka isa pa, may quiz sa Physics at ipeperfect ko pa.."
Hindi ko nalang siya pinansin at nagsagot na.
.
.
.
After 30 minutes.
Shit! Wala akong masagot miski isa. Tae! Test na ata to eh. Tinignan ko yung katabi ko. The fck? Tapos na siya at lahat may sagot.
"Tss." nagulat ako ng bigla niyang kinuha yung test paper ko at biglang sinagutan. Anong problema niya?
"Huy amina yan. Baka makita ka ni Ma'am! Huy Jared."
Pero imbes na pansinin niya ako pinagpatuloy niya padin yung ginagawa niya.
"Past your papers." nataranta naman ako ng marinig ko yun. Biglang tumayo si Jared at pinasa yung dalawang test paper. Tae! Patay siya sakin pagpuro mali yun!
.
.
.
zZzzzZZzZzzZzz
"Babe!"
"Hey Riona gising..."
"Babe.. Gising na."
"Hmm!" Tsk! Ano bayan!
"Ang tagal niyo naman. Hoy Rina gumising ka nga dyan! Tsk!"
O___O
Jared? Shit! Bakit sila nandito sa kwarto ko? Napabalikwas tuloy ako ng tayo.
"Anong ginagawa niyo dito??"
"Alas singko na ng gabi Riona.. Malalate na tayo sa ET." -Mitch
Gosh! Ngayon pala yung Educational Trip. Tsk! Nakalimutan kong mag-alarm... Nakatulog kasi ako kaninang tanghali eh.
"Pag tayo naiwan, humanda ka sakin Rina.." -Jared
"Chee!! Lumayas ka nga dito sa kwarto ko! Saka pano kayo nakapasok dito?"
"Talaga! Tss!" -Jared sabay labas ng kwarto ko.
"Nandito na ba si Yumi?" Tanong ko kay Kier.
"Ah yun ba? Bago kasi umalis si Yumi binigay niya sakin yung susi niya dito sa bahay niyo. In case daw.." -Kier
Yumi talaga.
"Eh?? Okay. Maliligo lang ako."
.
.
Nandito na kami sa school hinihintay namin yung van ni Mitch na sasakyan namin, grabe inaantok pa din ako. Matutulog ako mamaya sa sasakyan.
"Guys nandito na yung Van, tara?" tapos pumasok na kami ng van.Uupo na sana ako dun sa may tabi ng bintana...
"Hoy ako dyan!"
"Panong naging ikaw dito eh ako ang nakaupo?"
Arrgh! Nagsisimula na naman siya! Gosh.
"Eh ako dapat ang uupo diyan inunahan mo lang ako eh!"
"First come first serve."
"Che!! Ako nga diyan! Alis."
"Eh di dito ka nalang sa tabi ko, maluwag pa naman eh."
"Eh sa diyan ang gusto ko eh!" naiinis na ako sakanya. Buwisit!
"Dun ka sakabilang side!"
Tinignan ko yung kabila. Nandun na si Micheal at Kier.
"Eh wala na eh! Umalis ka na nga diyan Jared!"
"Ayoko!" sabi niya sabay pikit. Tae aandar na yung van!
"Hey Red dito ka nalang kaya? Nagaaway pa kayo eh." -Mitch.
"Hay nako Mitch, masanay ka nalang sa dalawang yan. Lagi silang ganyan. Haha." -Michael
"CHE!" sabay pa kami ni Jared.
"Pangit!" sabi ko sakanya.
"Aba't! Ang gwapo ko kaya!!"
"Gwapo? Asan? Kapal mo!"
"Uhm Ma'am umupo na po kayo naandar na po." sabi nung driver.
Eh? Saan ako uupo?
No choice ako, ang tumabi sa asungot na to! Hays, apat na oras ko lang naman siyang makakatabi =_=
Kier's POV
Tulog silang lahat. Ako lang ang gising, panong hindi makakatulog eh may binabantayan ako. Si Riona kasi katabi si Jared. Pero sinabi nasakn ni Riona na walang malisya ang pagkakaibigan nila ngayon, back to normal lang daw sila. Pero hindi ko pa din maiwasang magselos -.-
Katulad ngayon, naka sandal yung ulo ni Riona kay Jared, anak ng! Kalma Kier, tandaan mo yung sinabi ni Riona sayo. Tandaan mo din na ikaw yung pinili niya kaysa kay Jared. Kaya mo yan.
"Nandito na po tayo." -Driver
Nakatulog na din pala ako. Hindi ko tuloy nabantayan si Rina at Jared.
Bwisit! Si Riona nakasandal padin sa balikat ni Jared tapos si Jared nakasandal yung ulo niya sa ulo ni Riona. Nagseselos na talaga ako!
Hays! Bahala nga sila dyan! Tumayo na ako, tinignan ko naman si Mitch.. Tulog tapos may earphone na nakasaksak sa tenga. Lumabas na ako ng van.
Ang ganda dito sa Resort pag gabi, alam ko resort nila Jared to eh. Madaming mga foreigners dito, mga blondie at brunette. Todo naman makatingin sakin na para bang rereypin na ako. Tch, taken na ako.
Pumunta sa may kubo sa tabi ng dagat, tss. Naiinis pa din ako.
Ang lakas ng hangn dito, ang dilim pa. Gabi na din kasi eh.
"Kier!"
Si Riona yun ah? Hindi ko siya nilingon, bahala siya. May karapatan naman akong magselos diba?
"Uyy Kier.."
Naramdaman kong nasa tabi ko na siya. Hindi pa din ako nalingon sakanya.
"Kier pansinin mo naman ako."
Bahala ka diyan! Dun ka kay Jared! Ay hindi wag pala.
"Kier naman eh." sabay hawak sa kamay ko. Tinanggal ko naman yung kamay ko
Akala mo ha? Hindi mo ko makukuha sa ganyan mo.
"Babe naman.."
Babe daw Kier!
Nilingon ko siya. Tapos umiwas agad ako ng tingin pero inakbayan ko siya. Wala na, talo na naman ako.
"Ano bang nagawa ko?"
"Wala.."
"Babe!" -siya.
"Wala nga po." niyakap ko siya tapos hinalikan ko yung forehead niya "Akin ka lang babe ha?"
Inaangat niya yung ulo niya tapos tumingin sakin. "Oo naman, iyo lang ako."
"Talaga?"
"Talagang talaga. Iyong iyo lang ako haha."
Ang sarap pakinggan, kuntento na ako ng ganito kahit hindi niya pa ako mahal, at least sakin siya diba?
"I love you babe."
Ngumiti siya sakin tapos niyakap ako. Ayos na yun, hindi ko naman kailangan ng sagot eh.. Basta mahal ko siya.
"Babe nga pala bakit hindi mo ko ginising? Kainis ka."
"Eh ang sarap ata ng tulog mo sa BALIKAT ni Jared eh. Kaya hindi na kita ginising."
"Ehh nakatulog ako eh-- Uyyy! Nagseselos ka no?!" sigaw niya
"Hindi ah! Wag ka ngang sumigaw dyan mamaya may makarinig eh."
"Yiieeee! Nagseselos si Kierren! Haha. Mahal ako ni Kier!!" sigaw niya pa din.
"Oo na. Wag mo na ngang ipagsigawan."
"Bakit? Nahihiya ka? Kinahihiya mo ba ako? Ha?" hala? Ano ba tong si Riona. Hirap intindihin.
"Hindi ah. Bakit naman kita ikahihiya? Eh mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal nga kita?"
Ngumiti siya tapos kinurot niya yung magkabilaang pisngi ko.. Mahal na mahal ko talga 'tong babaeng to..