Chapter 22 - She's back

336 6 0
                                    

Riona's POV


It's been three weeks since Jared confess to me. At sa loob ng three weeks na yun. Ang daming nagbago.


Si Kier nalaman kong narinig niya yung pagconfess sakin ni Jared at thankful naman siya dahil pinili ko siya. Gusto niya pa sanang kausapin si Jared tungkol dun pero sabi ko hayaan na lang niya. Mas lalo naman siyang naging sweet at caring ngayon. At hindi malabong mainlove ako sakanya


Si Jared naman ay nakakagulat talaga, number one na siya sa room namin ngayon pagdating sa Academics. Yung mahaba niyang buhok at may kulay, ngayon maikli na at kulay itim na. Wala na din siyang piercings. Pati yung mga suits niya ngayon, mas appropriate although appropriate din dati kaso nga lang panggangster look talaga. Hindi na din siya nag-yoyosi. Wala na din siyang binubully at kasuntukan ngayon. Wala na daw siya sa Gang nila. Yup! May gang pala si Jared at nalaman ko lang yun nung sinabi ni Kier na umalis na siya sa Gang.

Nagtataka ako kasi sa mga napapanood kong movies sa mga nababasa kong pocketbooks. Pag ang lalaki ay nagconfess at hindi maganda ang naging sagot ng babae nagbabago sila for bad. Pero si Jared? For good talaga. Masaya ako para sakanya, sana masaya din siya para sakin.


"Babe!"


Yes, I call him 'Babe'. On process ang plano ko ngayon. Ang mainlove kay Kierren Hermosa. Hehe.


"Oh babe! Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang klase ngayon?" tanong niya habang nagpupunas ng pawis

Nagpapractice kasi sila ng basketball dito sa gymnassium nila Michael at Jared.


"Wala pa, namiss lang kasi kita."


Totoo naman, namiss ko talaga siya eh. Haha! Kaloka.


"Yieeee! Ang chessy niyo hoy!" napatingin naman ako sa sumigaw sa likod, si Michael. Katabi niya si Jared.

Ewan ko bigla akong nalungkot nung nakita ko si Jared. Pumayat siya ngayon, siguro sobrang busy sa pag-aaral. Back to normal naman kami no jared ngayon. Magkaaway pa din kami. Ang sabi niya tatalunin niya daw ako sa Academics, at siyempre hindi ako papayag!


"Manahimik ka nga diyan Michael! Porke wala lang si Yumi eh!" sigaw ko.

Wala kasi si Yumi ngayon, Seven days siyang mawawala. May business trip kasi ang parents niya at kasama siya.


"Wag mo na nga yan pansinin." sabi ni kier sabay tawa. "Kumain ka na ba ng lunch?" tanong niya sakin.


Umiling naman ako. Hinihintay ko kasi sila eh. Kasabay ko kasi silang tatlo kumain lagi.


"Oy Jared! Michael! Tara kain na tayo." sigaw ni Kier.

Nagshower muna silang tatlo, habang ako naghihintay dito sa Gym.



"Hi bitch.. Missed me?"


Nagulat ako sa babaeng nagsalita. Oh my God! She's back!


"Mitch?"


"The one and only..."


"Anong kailangan mo?" tumayo ako at naglakad pababa. Nasa bleachers kasi kami. Sumunod naman siya sakin.


"Wala lang." tapos ngumisi siya sakin yung ngising mapangasar.


"Ano na naman bang pinaplano mo? Nakuha mo na sakin si Chad bakit bumalik ka pa?"


"Who's Chad?" WHAT? Who's Chad? Oh! Anong aasahan ko sakanya eh bitch siya? One month one guy. Or should I say Week? "The one that got away?" she said with sarcastic voice.


"The one that you took away from me."


"Haha! Hanggang ngayon ba naman au bitter ka pa din?"


"I ain't bitter bitch!"

.
"Okay! Haha. Wala na kami ni Chad, so pwede mo na siyang balikan. Napagsawaan ko na siya."


"What the hell are you talking about!??"

Ewan ko bigla akong nag-init sa galit sa sinabi niya. Pagkatapos niya sakin agawin si Chad? Tapos ano? Napagsawaan niya na? Fck!! Just fck!!


"Haha. Calm down bitch! Kaya ako bumalik dito kasi nandito ang boyfriend ko."


Ano daw? Wag niyang sabihing si Kier?? Tangna hindi na ako papayag na pati si Kier agawin niya pa sakin! Hindi pa nga ako naiinlove kay Kier eh!


"Bitch! Don't you dare to t---"


"Easy Riona, hindi si Kier ang pinunta ko dito. He's just my ex." nakahinga naman ako nang maluwag dun.


"E-Eh sino?"

Instead ko answering my question she just give me a smile.


"Baby!!" sigaw niya.



Napatingin naman ako sa likod ko.






Hindi...









Bakit siya??












Bakit si Jared?










I don't know why, but my heart is now crashing..

Ms. Bitch VS Mr. GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon