Chapter 21 - Choosing him.

364 6 0
                                    

Jared's POV


"Excellent Mr. Horrison, Good job! Ipagpatuloy mo yan." My teacher compliment.


"Tch. Just shut up."


It's been three weeks since I've recovered. Three weeks na din akong busy sa pag-aaral. Tss! Oo na hindi kapanipaniwala. Pero wala pa din ehh.


Naalala ko yung pag-uusap nila ni Yumi nung nakalabas na ako ng ospital.


*Flashback*



"Pwede na siyang lumabas mamaya, ito yung reseta para sa mga gamot niya." sabi nung doktor kay Kier

Bakit ba si Kier ang nandito? Kaasar eh. Dapat si Rina. Tsk.


"Hoy Jared! Dyan ka lang huh. Babyaran ko lang yung bill mo.. Bwisit ka, may date dapat kami ni Riona eh! Ayan tuloy sa ospital ang bagsak namin kaasar!" sigaw niya.


Ano daw? May date dapat sila ni Rina? Atsaka nandito si Rina? Asan siya?


"Nandito si Rina?"


"Oo nasa labas! Kasama si Yumi. Dyan ka lang bababa lang ako."


"Akala mo sakin bata?"


"Gago!" lumabas na siya.


Namura pa ako? Bwisit na yun! Aish. Agawin ko sayo si Rina eh! Kung hindi lang talaga kita kaibigan at kung hindi ka lang talaga tinamaan kay Rina eh. Aish masyado na akong mabait. Di ako sanay! Pwe!

Pero teka, nasa labas si Rina. Gusto ko siyang makita! Namimiss ko na siya.

Sinubukan kong makatayo, successful naman. Pumunta akong pintuan at pinihit yung door knob, hindi pa ako nakalalabas narinig ko na ang boses ni Rina at Yumi.


"Ano??? Riona. I can't believe you! Akala ko totoo. Shit." -Yumi.


Ano naman kaya yun? Bakit parang shock na shock si Yumi? Tsk! Nalate ako ng dating.


"Ako din Yumi.. Hindi ko maintindihan yung sarili ko, feeling ko ang sama sama ko Yumi.. Nakukunsensya na ako, Y-Yumi anong gagawin ko?"


Ano bang nangyayari? Medyo malayo sila sakin pero rinig ko sila, nakaupo sila sa mga upuan sa labas pero nakatalikod si Rina at nakaharap si Yumi, pero hindi ako kita. Teka? Hindi kaya alam na ni Yumi yung tungkol sakanila ni Kier? Akala ko alam ni Yumi yun. So ako lang pala ang nakakaalam..


"Hindi ko din alam bessy, pero hindi maganda yang ginawa mo.. Kaibigan ko din si Kier. At hindi ko gusto ang ginawa mo."


Kahit pala mga basagulera tong dalawang to may ganyan pala silang side =_=


"I'm sorry Yumi, hindi ko talaga sinasadya.. Nadala lang ako kay Mitch at Chad noon. P-Pero hindi ko alam na ganon pala kaseryoso si Kier. Yumi hindi ko siya mahal, nasasaktan lang ako kapag nagsisinungaling ako sakanya."


"Riona matututunan mo din siyang mahalin. Wag kang maging makasarili Riona. Kung nasasaktan ka sa sitwasyon niyo, mas nasasaktan siya. Kaya pala madalas siya sa Bar nila Michael, lagi nalang siyang lasing.."

Pansin ko din si Kier madalas sa Bar nila Michael eh. Tch, ganon ba kalakas ang tama ni Rina sakanya? Sabagay, sakin nga eh. Tsk. Bwisit na babae!

"Yumi sinubukan ko siyang kausapin, tungkol samin.. Pero lagi niyang iniiba yung usapan, naawa ako sakanya Yumi.. Ang sama sama ko."

Umiiyak na si Rina, rinig ko yung hikbi niya eh. Bwisit kang babae ka wag ka ngang umiyak dyan! Aish!


"Hindi mahirap mahalin si Kier, bessy. Subukan mo lang. Wala naman mawawala kung susubukan mo diba?"

Tumango si Rina. Shit Rina may mawawala sayo pag nangyari yun. At ako yun, baka hindi ko kayanin yung time na mahal mo na siya.. Ayoko. Ayoko Rina.


"And bessy, make it up to him okay? Gotta go, nagtext si Michael eh." Umalis na si Yumi.


Nagpunas ng luha si Rina at tumayo. Tumakbo ako papunta sakanya at hinila siya. Ayokong mahalin mo siya Rina. Ayoko.


Riona's POV


Pagkaalis ni Yumi nag-ayos na ako ng sarili ko. Hays sobrang depressed ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ayoko talagang saktan si Kier eh, sa lahat ng ginawa niya saking kabutihan. Ang sama ko talaga.

Tumayo na ako, pupuntahan ko nalang si Kier sa baba. Oo tama, I'll make it up to him. Babawi ako sakanya b-- Shit, biglang may humila sakin.


Ang bilis niyang maglakad, ang lakas ng tibok ng puso ko. Napatingin ako sa likod niya, kilala ko tong taong to. Napatingin naman ako sa kamay namin, biglang mas lalong bumilis yung tibok ng puso ko.


"Jared! San mo ko dadalhin? Saka bakit ka umalis sa kwarto mo? Magaling ka na ba? Bakit mo ko hinihila? Huy sagutin mo nga ako!"


"Manahimik ka pwede?"


Tumahimik nalang ako. Hingal na hingal na ako, sumakay kami sa elevator, at dahil madaming tao sa elevator hindi ko siya kinulit sa tanong.

Hinila niya ulit ako palabas ng ospital. Nandito kami ngayon sa Parking lot.


"Bakit mo ba ako hinila dyan ha? Grabe ka parang hindi ka naaksidente ah?" bulyaw ko sakanya. Bwisit kasi eh.


"Wala.."


Jusko! Hinila niya ako ng napagkalayo layo tapos wala lang ang sagot niya? Bwisit talaga!!! Arrrgghh!


"ANONG WALA? ANG LAYO LAYO NG PAGHILA MO SAKIN TAPOS WALA? Aish! Kaasar ka talaga! Hinahanap na ako ni Kier eh!"



"Rina let's go out on a date." out of the blue niyang sinabi habang nakatingin sa malayo.


Seriously? Ano ulit? Paki-ulit? Let's go out on a date? Shit ang init ng buong mukha ko.


"Ha??"


"I'm serious Rina. Why don't we date-"


"What the? Nasisiraan ka na ba?"


Ano bang pinagsasabi nitong lalaking to? Pinagttripan niya na naman ba ako? Well bad joke! Ayoko ng ganyan.


Tumingin siya sakin. "No Rina. I'm serious. I'm dead serious." tinignan ko siya. Syet! Seryoso yung mukha niya. Punyeta naman. Napaiwas ako ng tingin.


"Jared I'm in relationship okay? Hin-"



He cut my words.


"But you don't love him right? Just answer Rina."

Bwisit naman ano ba tong puso ko? May sakit na ata ako sa puso eh. Kanina pa kabog ng kabog eh.


"Jared, why are you doing this?" Hindi ko alam kung bakit o para saan o anong kalokohan na naman to pero gusto ko malaman eh.


"Manhid talaga..." sabi niya sabay ngiti. "Okay ganito nalang..Let's go out behind his back."


Damn! Ano bang problema mo Jared? Bakit ka ba ganyan? Naguguluhan na ako eh, let's go out behind his back?


"Jared.. Wala akong time sa mga jokes mo okay? Bumalik ka na sa room mo. Kakalimutan ko tong nangyari, sige na."


"Rina. I Lo--"


"Stop! Don't say it please." Ayokong umasa ako "Tama na tong kalokohan na to Jared, sobra na to. Talo na ako okay? Ayokong makipagtalo pa sayo. Panalo kana."

This is the first time na papayag akong matalo niya. I know hindi siya seryoso, this is one of the games that he wants to win.


"Anong kalokohan? Rina hindi ako nagbibiro.. Seryoso ako."


"TAMA NA JARED!" nabigla siya sa sigaw ko, hindi ko na kaya ang nga trip niya hindi ko na kaya yung mga kalokohan niya, iba na to. "Tama na please..."


Matagal bago siya sumagot, nakayuko lang ako habang siya ay nakatingin sa langit. Tinitigan ko siya, ang lungkot ng mga mata niya. Bakit ang galing niyang magpanggap? Napaiwas ako ng tingin ng tumingin siya sakin.


"Riona... Mahal kita."


W-What? Is he serious? No. Hindi! Hindi siya seryoso.


Pero...



Masasabi ko bang hindi siya seryoso kahit na naiyak siya?


Hindi ko pa siya nakitang umiyak.


Hindi pa..


Bakit Jared? Ano bang meron sakin?


Mahal mo ba talaga ako?


Pero bakit hindi ko maiwasang malungkot?


Bakit naiyak din ako?


Bakit ako nasasaktan ng ganito?


Gusto ko din ba si Jared?


Pero...


"Jared please don't you ever do this again. I want to love Kier.. He deserve to be loved. Please don't make things complicated Jared. Please let me inlove with Kier.."

--

A/N: At Dahil Almost 3 months akong hindi nakapag-UD. (Hala ang tagal pala! Mianhe, dun sa mga naghintay.) 4 UDs po ngayon. :D 

Ms. Bitch VS Mr. GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon