Yumi's POV
"Uwi na tayo."
"Tara hatid na kita." sabi ni Michael.
Namasyal kasi kami at nagpunta sa Amusement park. Hindi kami parehas pumasok ^^ Nandito na kami sa tapat ng bahay namin ni Rio.
"Pasok ka muna sa loob."
"Okay ^_^"
Pagpasok na pagpasok namin sa bahay nakita ko agad si Riona, kasama si......
O______O???
JARED?
At nagtatawanan pa sila habang nanunuod ng TV na magkatabi? WEH?
"Uy nanjan ka na pala Yumi. Hi michael!" Bati ni Riona na nakangiti.
O___O --> Kami ni Michael.
"Bakit kasama mo si Jared?" -Tanong ni Michael.
"Ah ayon ba? Hehe long story! Eh kung pumapasok na kaya kayo dito sa loob ano?"
Pumasok na kami ni michael, hindi padin ako makapaniwala.
"Why are you staring at me like that ? =_=" tanong sakin ni Jared habang nakapokerface.
"I-I can't believe this." tumayo ako at tumakbo papuntang kwarto. Teka medyo OA ata ako ah? HAHA
---
Riona's POV
Anyare dun sa babaeng yun? Hahaha, nagtataka siguro siya kung bakit kami magkasama ni Jared, ako din eh nagtataka ^_^ Pero ang saya. Ay ewan.
"Pre, napaaway ka nanaman?" Tanong ni Michael.
"Hindi, tanong mo dito sa babaeng to oh =_=" sabay turo sakin,
Ako naman (_ _")
Tumingin lang sakin si Michael, at ngumiti.
"Di ko talaga kayo maintindihan. Makauwi na nga lang. Teka Riona pakisabi dun sa baliw mong kaibigan umalis na ko ha? Jared una na ko!" Sabi niya sabay nag-smirk kay Jared.
Ang tahimik sobra, TV lang ata ang naririnig ko. Maya maya ay nagsalita na din ako, di ko na kinaya ang atmosphere dito eh.
"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong ko sakanya, nagulat naman ako nang bigla siyang tumayo at kinuha yung jacket niya at naglakad palabas.
"Bye." Sabi niya at tuluyan na siyang lumabas. =_=
Okay? What was that?
---
