3 'n 1

7 2 0
                                    


My 2nd Flash Fiction, dito ko na lang ipapublished... thank you for reading, actually inspired by a very special someone sa buhay ko... ehe^^

***

Sangkap 3 in 1

"Hintayin mo nang tumila ang ulan bago ka umuwi anak," isang pilit na ngiti ang sinukli ko kay Manang Rose habang tinatanggap ang isang mainit na tasa ng kape, magsasara na dapat ang karinderya niya pero heto ako, nakaupo pa rin sa sulok --dinarasal na sana ay dumating siya-- at iniistorbo pa ang ibang tao.

"Salamat po 'nay, five minutes po uuwi na po ako." sa tingin ko ay hindi na din naman siya sisipot, bakit ba kasi ako umasa?

"Sus, parang 'di ka pa sanay dito sa Pinas, e umulan lang ng kaunti ay lumulubog na ang mga daan, pero sabi nga nila, kapag gusto gagawa ng paraan, darating yun iha, tiwala lang." sabay upo sa harapan ko at parehas naming pinagmasdan ang christmas tree sa may gilid, habang walang kapaguran na patay­sindi ang mga ilaw.

"Jean, alam mo anak, yang pakikipagrelasyon parang 3­in­1 lang iyan," natawa ako sa sinabi ni manang, parang kape lang daw.

"Hindi lang basta mahal mo ang isang tao, dapat may kasamang tiwala at pang­unawa din, hindi porke't mainit hindi mo na iinumin, at hindi pwedeng pabayaan kasi lalamig, kaya 'wag kang basta susuko, malay mo di ba? Hindi lang kayo magkasintahan ni Renz, magkaibigan din kayo..." pakiramdam ko ay gumaan at nawala ang lahat ng agam­agam ko habang sinasabi iyon ni Manang Rose, sa dami ng mga nangyari, ngayon pa ba ako susuko?

Kasabay ng pagtayo ni manang ang pagbukas ng pinto at niluwa doon ang basang basa ng ulan na si Renz,tumutulo pa ang tubig mula sa bungkos ng bulaklak na hawak niya at tipid na ngiting lumapit sa akin.

"Merry Christmas?" nakangiti niyang lapit sa akin.

"Kape tayo?" natatawang sagot ko sa kanya.

"Sagot ko na ang kape ninyo," sabay pa kaming napatingin kay Manang Rose na may dalang isang mainit na tasa ng kape at iniabot kay Renz.

3­in1 para sa lamig ng kapaskuhan.

Quick ReadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon