Notes & Equations

66 11 35
                                    


Happy Birthday Lee!

****

Notes and Equations

*****

"Congratulations.." nakangiting bati sa akin ni Warren, nakalahad ang kanyang kamay at hinihintay na tanggapin ko iyon, ang lapit pero parang ang layo pa rin,

Magkasalo na kami sa hangin, ang oxygen na nilalanghap ko at ang oxygen na pumapasok sa sistema niya ay nagmumula sa mga punong nakapalibot sa'min. Parehas na lamang kami ng lupang inaapakan.

Mahigit tatlumpu't walong sentimetro lamang ang layo niya sa akin ngayon, pero nagawa pa rin niyang paliitin ang distansya nun. Limang pulgada na lamang ang layo ng kamay niya sa kamay ko, kung tutuusin mahigit kumulang labindalawa't pitong sentimetro na lang talaga at mahahawakan ko na siya.

Ang lapit lang hindi ba?Pero hindi ko magawang tawirin ang distanyang iyon, hindi ko makagalaw ang aking kamay na kung tutuusin ay napakagaan lamang at wala pang isang kilo ng kabuuang bigat ng katawan ko.

Pero bakit hindi ako makakilos?Napakurap pa ako ng ilang beses matapos niyang bawiin ang kanyang kamay.Ibinulsa niya ito pero nakangiti pa rin siya sa akin.

Bumalik sa dating tatlumpu't walong sentimetro ang layo namin.Nakatingin lamang sa isa't isa habang walang pakialam sa mga tao sa paligid namin.

Napakagat ako sa aking labi ng maalala ang hawak kong bagay na nakatago rin sa aking bulsa.

Gagawin ko ba?


Bahala na siguro,kung hindi ko susubukan ngayon baka maging anim na talampakan na ang layo ko sa kanya sa oras na parehas naming igalaw ang aming mga paa palayo sa isa't isa.Magiging mahigit isang daan at walumpu't dalawang sentimetro na iyon sa dalawang hakbang ko palayo sa kanya at siya palayo sa akin.

***

-June-

"Hoy Simang!Pambihira magkaklase na naman tayo?" naiirita ba ang lalakeng ito o natutuwa?Nagrereklamo siya pero nakangiti naman ang mga mata.

"Tss..ang malas malas ko naman talaga oh!" sagot ko sa kanya habang naghahanap ng bakanteng upuan.Gusto ko yung malapit sa may bintana.Pero nagulat na lang ako ng bigla na lang akong itulak ng hinayupak na Warren na ito.

Ang 'gentleman' talaga, babae kaya ako?Nakakainis.

"Kung malas ka?Ano pa kaya ako?Tapos alphabetical order na naman ang seating arrangent!Malas ko talaga." reklamo pa niya ng maupo sa tabi ko.

Since 'alphabetically arrange' pa kami.At sa sinaklap saklap ng pagkakataon ay wala akong choice kundi ang magtiyaga na naman ng isang taon na katabi ang lalakeng ito.

" 'Di papalit mo sa NSO mamaya yang apelyido mo!" asar talo kami palage niyang si Warren, sanay na din naman ang mga kaklase namin since graduating na kami this year, and yes,apat na taon ko ng kaklase si Warren.Tatlong taon ko ng katabi at pinagtya-tiyagaan ang pagmumukha niya.

"Palitan natin ng apelyido ko yang apleyido mo ng matuwa kana." sabay wink niya sakin, hinampas ko nga ng notes ko.Ang kapal ng mukha!

"Tse!" sabay pout ko.Tumawa lang siya ng tumawa.So nakakatawa na talaga ang mukha ko ganun?Bastusan lang?

"Alam mo Simang..bagay sa'yo naka'smile' kaya kung ako sa'yo..ngingiti ako.Baka sakaling may magkamaling manligaw," sabay hampas din niya sa balikat ko.Aray!Masakit yun!

Quick ReadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon