Click

15 2 2
                                    


'Mga matang may nangingilid na luha.'

○●○

Isang tipikal na araw para sa lahat ng tao.Papasok sa opisina o paaralan, may exam,may interview, pero sa isang lugar malapit sa may entrance ng isang kilalang paaralan, nagtipun tipon ngayong araw ang mga magulang ng bawat estudyante.

Swimming Gala.

Lahat ng mga magulang ay dumalo para suportahan ang kanilang mga anak, lahat, maliban sa isa. Isang nanay ang hindi makakarating ngayon dahil na din sa kanyang trabaho ay hindi nya maipagpapaliban.

Masakit pero kailangan, gustuhin man nya pero hindi pwede.Siya lang at wala ng iba ang bubuhay sa kanila ng kanhang walang taong gulang na anak.

Hindi siya pinayagan ng kanyang 'boss' na malate ngayon, karaniwang pasok ng mga empleyado ay alas otso ng umaga, alas otso y medya ang swimming gala.

Komplikado ang oras.

~ ○ ~

Isa isang nagsisilabasan ang mga bata patungo sa upuang nakalaan para sa kanilang klase.

May kanya kanyang team para sa bawat kulay na nagrerepresenta ng kanilang grupo. Pula, asul, dilaw at berde.

Kaninong team kaya ang mananalo?

Nakaupo lamang sa itaas na bahagi ng bleachers ang isang babae, may hawak na camera at isang itim na bag ang nasa tabi , may tubig at prutas sa loob, panyo at reserbang baterya kung sakaling malowbat at dalang camera.

Unti unting napupuno ang buong bleachers ng mga magulang ng bawat bata, kasama ang ibang miyembro ng pamilya --lolo, lola, tito, tita-- at nakasuot din ng damit na kakulay ng sa mga anak nila.

Napangiti ang babaeng may hawak ng camera, 'moral support' ika nga nila.Yan ang kailangan ng anak mo kapag makikipagkompetensiya siya.

Nagkumustahan na ang mga ginang na laging nagkikita sa mga school events, mga active sa lahat ng school activities, PFTA, charity works, volunteer kapag kailangan.

Bonding ng mga magulang, parang sa mga playdates na nasiset para sa mga anak nila.

Napuno na ang gilid ng swimming pool ng mga batang nakapwesto sa kanilang designated tents.

Limang minuto, magsisimula na ang gala.

Kumakaway ang mga bata sa kanilang mga magulang, ganoon din ang mga magulang sa mga anak, may flash ng mga camera sa paligid.

Kanya kanya ng kuha ng letrato para di mamiss ang okasyong ito.

~ ○ ~

Abala na din sa pag-aayos ng mga gamit sa opisina ang ginang na hindi nakadalo sa event nang kanyang anak.

Minabuti na lamang nyang 'wag isipin iyo dahil tiyak siyang maa malulungkot lamang siya pag nagkataon.

Wala siyang choice dahil kailangan siya sa trabaho.May meeting ngayon ang buong board of directors ng kumpanya at walang tatao sa pwesto nya.

Walang malilinis ng koridor, ng banyo sa palapag na iyon, at mag aayos ng mga gamit sa opisina dahil nakaleave ang kasamahan nya.

Umiwi ng probinsya dahil nagkasakit ang magulang nito ay kailangan siya sa kanila.

~ ○ ~

"Ladies and gentlemen.." napukaw amg atensyon ng mga magulang nang magsalita na ang babae,isang faculty member, na magsisimula na nga ang event.

Quick ReadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon