Si Faris, the elf!
*******
"You've gotta be kinding me Mom?" mababakas ang pagkainis at disgusto sa mukha ng labing-isang taong gulang na batang lalake habang masamang tingin ang pinupukol sa babaeng nasa harapan niya ngayon.
"Apparently honey, I'm serious, you've gotta help me aswell, this time you have to behave properly or else you'll really not gonna like what will happen." binulungan siya ng kanyang ina kasabay ng isang mahigpit na yakap at halik sa pisngi ng anak.
Hindi rin naman nagtagal si Mrs.Wade dahil may flight pa siyang hahabulin at wala naman siyang ibang pagpipilian kundi ang iwan ulit pansamantala ang anak, sa ibang tao, dahil na rin sa kanyang trabaho.
Nagbabakasakali lamang siya ngayon na sana ay umasta ng maayos ang anak, alam niyang malaki ang pagkukulang lalong-lalo na sa oras ngunit, bilang single parent at pamamahala ng kanilang mga negosyo ay hindi maaring pagsabayin ang trabaho at pamilya, kung nabubuhay lamang sana ang ama ni Faris ay hindi ganito ang ugali ng anak, hindi isang malaking sakit ng ulo.
"You, what are you waiting for? I'm hungry so cooked something for me."maangas na wika ni Faris sa bago niyang tagapangalaga.
"Excuse me? Don't you know how to say it nicely?" tinaasan ng kilay ni Tessa ang batang prenteng nakaupo sa may sofa habang nakatutok ang mga mata sa ipad na nilalaro.
"You're being paid here to serve me, so just do what I say," walang modong wika ni Faris kay Tessa.
"Yes that's true, but you're not my boss," umupo din si Tessa sa harapang sofa ni Faris at inilabas ang kanyang telepono upang icheck ang kanyang mga emails, nasabihan na din siya ni Mrs.Wade tungkol sa ugali ng anak, at napag-usapan na nila ang mga dapat na gawin upang magtino ito habang wala ang ginang.
Lihim na napangiti si Tessa ng makitang sumimangot si Faris at masamang titig ang pinukol sa kaniya.Kaylangan niya lamang bantayan ang bata at kung hindi lang sa pakiusap ng ina nito ay hinding hindi siya papayag, sadyang malaki lamang talaga ang utang na loob niya sa ginang at ngayon lang talaga ito humingi ng pabor sa kanya.
Kahit na ang kapalit nito ay sasalubungin niya ang pasko kasama ang batang may galit yata sa mundo.Inilibot niya ang buong tingin sa silid kung saan sila nakaupong parehas ni Faris, bukas pa ng hapon ang balik ni Mrs.Wade at umaasa itong magkakaroon ng himala sa kanyang anak.
Ipinagdarasal din iyon ni Tessa, kahit na alam niyang malabong mangyari ay umaasa siyang maliliwanagan din ang bata.
'Hey, you!" nagkunwaring walang naririnig si Tessa sa kabila ng pagtawag sa kanya ni Faris, ngunit maya maya lang ay isang lumilipad na unan ang tumama sa kanya, sapul sa mukha na ikinabigla niya,pinulot ang tumamang unan at walang pasabing binato iyon pabalik kay Faris.
"You stupid girl!" hiyaw ni Faris sa kanya.Ngumiti lamang si Tessa at naglakad papuntang kusina upang kumuha ng maiinom.
"Here," nakaawang ang isang baso ng gatas sa mukha ni Faris habang nakatayo sa harapan niya si Tessa.
"I hate milk," pahayag ni Faris ng 'di tumitingin kay Tessa."Good, so drink this, some kids they can't even have milk even if they wanted to." bumalik ulit sa pagkakaupo si Tessa at masuring tinitigan si Faris.
"Don't you have any friends?" usisa niya kay Faris. "None of your business," walang emosyong wika ni Faris sa babae.
"So you don't have friends, that explains why." tatangu-tangong bulong ni Tessa na umabot naman sa pandinig ng bata.
BINABASA MO ANG
Quick Reads
RandomCollection of SHORT STORIES/ One Shot's/Flash Fictions All Rights Reserved® ©searchandrescue®