Lily
****
~lingon agad pag may fafang dumaan,lalo na kung nakaluwa ang katawan...atsaka may abs na katakam-takam..~
Nakapangalumbaba ako ngayon habang pinagmamasdan ang mga kalahi ni Adonis na isa isang ibinabalandra ang mga katawan sa harapan ko.Tanghaling tapat pero parang fiesta kung magpass n' show yung mga ulam!Buffet tapos eat all you can pa!Kanina pa quota ang mga mata ko sa tanawin kahit na nilalangaw na ang paninda namin sa dami ng kakompetensya sa paligid.
Paano kaya ako makakabenta ng mga souvenir na t-shirts neto kung wala naman masyadong lumalapit sa shop ko?Kailangan makaisip nang magandang stratery para sa araw na ito. Ipinatong ko ang aking baba sa magkasalukap kong mga kamay.Parang nagdadasal lang.
Matagal ako sa ganoong pwesto pero wala pa ring nangyayari.Hindi to maari!Never!Hindi ako papayag na walang benta today. For the record? Matatanggal na ako sa trabaho mamaya kapag 'di pa ako nakabenta.Lugi na daw si boss chief sa pagpapasahod sa'kin kasi puro lang out ng money pero walang pumapasok.Panglimang trabaho ko na to this month.Grabe lang ang kamalasan ko.
Maybe it's not meant to be.Baka hindi ito ang nararapat na trabaho para sa akin.Tama, I just need more motivation.Shet! I need to motivate myself pa.
"AY PAKINGSHET!" Kapag nagugulat talaga ako nakakapagmura ako.'Di tulad ng iba na kabayo, palaka, o kung anu anong hayop ang nasasabi.Talaga naman, bigla na lang kasing sumusulpot.
Tiningnan ko siya from head to foot...este half lang pala, 'di umabot sa foot kasi nakaharang sa harapan ko eh.So basically, half body lang ang nainspeksyon ko.Well not bad, I mean, pwedeng idisplay sa buong beach resort.Kahit sa baranggay madaming mapapalingon o sa mall kapag nakasama mo, artistahin at nagkakasala ang aking mga mata.
Nasilaw pa ako nang tumama ang liwanag sa kanyang kwintas na krus at magreflect sa mga mata ko. Krus? Tiningnan ko siya ulit, all white...from his polo shirt to his walking shorts, tapos may bracelet siya na parang gawa sa mga beads na white din. Syempre medyo hinilig ko ang aking ulo para maabot ng tingin ko yung white din niyang sandals. Hindi halatang paborito ang puti ah, angel ba ito o pari?
Sana angel. Pero may something sa aura niya na magaan sa pakiramdam.There is really something in the air. I mean, nakakaamoy ako ng maaliwalas na aroma e. Parang yung--
Anak ng tokwa! Paglingon ko sa gilid ko nakatayo si Badong. Yung may unrequited love sa'kin since birth yata.May dala dalang mga bulaklak,puting lily, ayun doon nagmumula ang amoy.
"Hi bhabhes.." sabay kindat niya sakin na halos ikaduwal ko.
Technically speaking tao si Badong.Wag niyo na lang ipadescribe sa'kin kasi nagmumukha siyang tikbalang. Hindi siya nagising nung nagsabog ng kagwapuhan ang diyos at kahit latak ay wala siyang nahagilap.At nasusuka ako kapag nagsasalita 'yan. Literal...alam niyo na 'yun. Kung hindi niyo pa alam...nakadaan na ba kayo ng imburnal? So ayun...alam niyo na.
BINABASA MO ANG
Quick Reads
RandomCollection of SHORT STORIES/ One Shot's/Flash Fictions All Rights Reserved® ©searchandrescue®