"Shade?" halos takasan ako ng lahat ng kaluluwang nasa katawan ko maging ng dugong dumadaloy sa aking mga ugat ng marinig kong may tumawag ng aking pangalan.
Dahan dahan akong nagtaas ng tingin at dahan dahan ko ding pinagmasdan ang may edad ng lalaki na nakatayo sa aking harapan. Mataman siyang nakatingin sa akin habang masusing pinagmamasdan ang aking kabuuan.
Ang nararamdaman kong pagkaasiwa sa kanyang pagtingin kanina ay unti unting napapalitan ng kaba..kabang unti unting lumalakas at parang nagtatambol sa aking puso.Nakakabingi. Nakakapanghina. Nakakatakot.
"Paanong.." narinig ko pang bulong nya na may halong frustration, pagtataka at..pagkamangha? Puno ng katanungan ang kanyang mga matang nakatingin sa aking mga mata.
Nagtama ang aming mga mata.
Parang nag-uunahang tumakas ang aking ulirat...magulo, nakakapanlumo.
Marahan akong huminga sapagkat ayaw ng pumasok ng hangin sa aking katawan.
Ultimong hangin, nahihirapan din magdesisyon kung ano ang gagawin.
Isang marahang buntong hininga pa..at isa pa.Mahabang katahimikan..Sobrang haba na parang wala ng katapusan.
Nakakabingi. Ito na ba yung sinasabi nilang pagtigil ng mundo mo?Literal?
Sa bawat pagpintig ng aking puso ay parang isang taon ang katumbas ng mga heartbeats na ito.
*****
"Kulang po ba?" kamot ang batok na sabi ng lalaking nagdeliver ng mga stocks sa may warehouse ngayon.Isa ako sa mga quality controller at kapag ganitong may mga kulang ay naiinis ako.
Masakit sa ulo ang magbilang ulit ng lahat ng mga delivery pero kapag ganitong hindi tally ay kailangang ulitin mo simula kung hindi ay magkakaroon ng malaking problema.
"Tsk..ano ba yan.." bulong ko at nagsimulang maglakad papunta sa unahang supply at ipatigil ang pag-a-unload ng mga ito sa loob mismo ng stockroom.
"Sorry po talaga.." narinig ko pang habol nya pero di ko na lang pinansin.Nakakainis kasi. Nakakainis lang.
*****
"Kulang na naman?!" hindi ko na naiwasang mainis at mapataas ang tono ng aking boses. Sino ba naman ang matutuwa? Ang tagal ko ng QC at ngayon lang yata nagkakaproblema sa mga deliveries, given na isa sa mga pioneer na kompanya ang nagdedeliver samin since natayo ang kumpanyang ito.
Nasaan ang pinagmamalaki nilang serbisyo kung kulang kulang naman lahat ng products na idedeliver nila sa amin? O di kaya ay mali-mali?
Seryoso sila jan? At ang nagdedeliver na team na 'to? Bakit ganito? Mas dumarami ang trabaho ko kapag palpak naman sila.Tsk.
Hindi ko talaga maiwasang hindi maiinis sa kanila. Ako yung tipo ng tao na sobrang haba ng pasenxa pero ngayon ewan ko ba.
"Sorry po talaga Ma'am.." alanganing paumanhin nung isa sa kanila.Nilapitan nya pala ako sabay abot ng mga receit na pipirmahan ko. Hindi pa siya makatingin sakin ng diretso.
"Basta 'wag na lang ulit mauulit ito ah?" natatawa ako kasi parang iiyak na yung ekspresyon ng mukha nya.
Ngayon ko lang napagtantong..ang kapal at haba ng pilik-mata nya? I mean..yung mata nya..ang sexy.
Sexy?Saan galing yun?Ipinilig ko ang aking isip sa kung anu anong idea.
Napakurap-kurap ako sabay kuha nung papel para pirmahan ng matapos na ito baka maexamine ko pa yung buong features ng mukha nya na makinis, tsaka ngayon ko lang napansin na hawig din sila ni Bruno Mars minus the hair.Moreno, matangkad at gwapo..In short pwedeng i-display.
BINABASA MO ANG
Quick Reads
AcakCollection of SHORT STORIES/ One Shot's/Flash Fictions All Rights Reserved® ©searchandrescue®