Published under SBC Publishing [Ang Tunay na Diwa ng Kapaskuhan 2015 Flash fiction Collections Volume 1]
========
Skype Test
***
"Aanhin ba ninyo ang kahon na iyan kung wala naman ang kapatid ninyo?" mababanaag ang lungkot, pagtatampo at galit sa boses ni Mang Pablo habang nakatingin sa buong pamilya na masaya at sabik buksan ang kakadeliver lamang na balikbayan box mula sa anak niyang si Stella na nasa Amerika.
Ilang taon na niyang hindi nakakapiling ang anak, ito lamang kasi ang nawalay upang makipagsapalaran sa ibang bansa, at kahit gusto mang pigilan ni Mang Pablo ay hindi niya ginawa, pangarap kasi iyon ng kanyang anak, at tanging magagawa lamang nilang magasawa ay ipagdasal palagi ang kaligtasan nito at sana isang pasko ay makasama naman nila, kahit wala ng mga pasalubong, ay masabing kumpleto sila.
"E 'Tay,'di pa naman po natin pwedeng buksan iyan, sabi ni Ate Stella, magskype daw po muna tayo bago natin buksan para masabi niya kung kanikanino ang laman ng kahon." katwiran ni Eris, na tinanguan naman ng iba pang miyembro ng pamilya.
Napabuntunghininga na lamang si Mang Pablo, mayamaya lamang ay nagring na ang telepono ni Eris, inayos ang laptop sa may lamesa at iniharap sa mga magulang, partikular kay Mang Pablo.
"Ayan na 'Tay, tumatawag na si ate!' masayang pahayag ni Eris sa lahat at nakaabang sa screen ng laptop.
"Tagal naman niyan?' kunwari ay naiinip na pahayag ni Mang Pablo.
"Wala po talagang sasagot diyan kasi under maintenance ang skype kapag Pasko." sabaysabay na napalingon sa likuran ang buong angkan ni Mang Pablo dahil sa 'di inaasahang bisita, nagsitakbo ang lahat upang salubungin ang bagong dating na dalaga.
"Merry Christmas po, 'Tay, 'Nay, mano po," napangiti si Mang Pablo habang tinititigan ang kanyang buong maganak, sa wakas, ngayong pasko ay kumpleto sila.
***
Kunyari di edited...lol
BINABASA MO ANG
Quick Reads
RandomCollection of SHORT STORIES/ One Shot's/Flash Fictions All Rights Reserved® ©searchandrescue®