22,000 Ft

78 8 13
                                    

Calling the attention of all the pasengers of flight EEE1085 B143 Departing from DMIA....going to Doha...

please proceed to gate C7..

******

Mabigat ang kalooban ko habang nakatingin sa malaking screen kung saan makikita ang lahat ng mga available flights kung saan maari ka ng mag check-in para sa flight mo.

Heto na naman ako at hila hila ang aking sarili kasabay ng pagkumbinsi na magiging maayos naman ang lahat.

Hindi pa ba ako nasanay?

Ilang beses na ba akong nakaapak sa lugar na ito.Ilang beses ko na bang nagawa ito?Ilang beses na nga ba?Lima?Walo?Sampu?

Pero bakit mahirap at masakit parin?

Mahirap paring lumingon...at magpaalam.

Isang malalim na buntong-hininga ang ginawa ko kasabay ng paglakad ko papunta sa may customs para mabigay ko na yung check-in luggage ko.

Same old brand new feeling?Not really.

Isang ngiti ang ibinigay sakin ng babaeng nakauniporme ng tulad ng mga flight attendants kung saang airline sila nagtatrabaho.

Dahil gusto kong ipakitang masaya ako at maayos ang lahat at wala ni katiting na agam-agam sa aking damdamin ay nginitian ko din siya.Hindi ko lang alam kung napansin nyang hindi naman talaga iyon umabot sa mga mata ko.

Ngiting puno ng kasinungalingan.

"Thank you Ma'am...Have a lovely trip.." habol nya pa sakin pagkatapos ibigay ang boarding pass ko kung saan nakalakip ito sa aking pasaporte.

Tinanguan ko lang siya.Kasabay ng paglagay ko sa hand bag ng aking mga dokumento.Here we go again.

Papasok na sana ako sa loob ng marinig ko pa ang pangalan kong tinawag pala ng aking mahal na ina.Kumakaway siya sa akin katabi ng aking ama kasabay ang pagpunas ng kanyang maladrum ng luha.

Sabi ng wag nang maghahatid eh..

Napapalatak na lang ako sa isip at muling binaybay ang daan pabalik sa kanilang dalawa.Isang pilit na ngiti ang nakita ko kasabay ng tango ng aking ama.

Samantalang ang aking ina ay pwede mo ng ihalintulad sa mga nanay na nagngangangawa kapag nanalo sa isang contest ang anak na nakabraodcast nationwide.Tsk.

"Nay...sa susunod wag na kasi kayong maghatid kung iiyak ka lang ng iiyak kasi.." isang mahigpit na yakap ang ibinigay ko sa kanya kasabay ng paghalik sa kanyang noo.Oh ang mahal kong ina.

"Napuwing lang kasi ako.." sumisinghot singhot pa nyang palusot.Kuu.napuwing samantalang wala namang alikabok sa dinaanan namin eh.

"Mag-iingat ka doon anak ah?, wag mong pababayaan ang sarili mo..kumain ka sa tamang oras..kapag pagod kana..magpahinga ka.Kapag masama naman pakiramdam mo..sabihin mo sa mga kasamahan mo.Kapag dumating kana wag mong kakalimutang itext ako o magmessage sa facebook sa mga kapatid mo na ayos kana.Tsaka kapag day-off mo..wag mokong kakalimutang iskype.." ...mahaba nyang bilin sakin.

Tumango na lang ako bilang tugon sa lahat ng mga paalala nya.Para akong bata kung bigyan nya ng instructions eh..nakakatuwa lang..

"Tsaka wag kang lalabas masyado kapag umuulan o kaya wag mong kakalimutan yung payong mo.At kapag malamig magjacket ka palage..tandaan mo ah?Wag magpapalamig baka ka sipunin..yung likod mo, baka matuyuan ng pawis yan..Tsaka yung mga paa mo alam mo namang madaling sumakit yang mga yan..magmedyas ka para hindi ka lamigin.." sabay yakap nya sakin..Tapos yayapusin nya ang buhok ko.Ang nanay ko talaga.

Quick ReadsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon