CHAPTER 1

50 3 3
                                    

"Kuya Clinston naman ehh! Ba't ba kase kailangan pa sa Pampanga? Eh pwede naman dito sa Cebu." Pambungad ko na tanong kay Kuya Clinston, instructor at handler namin sa sayaw.

"Di ka naman ata nakikinig ng meeting nung isang araw eh! Diba sabi ko it's a big event?" Sagot nya sa tanong ko. Ang di ko lang magets, bakit dun pa? Pwede naman dito. Tss.

"Kaya nga, bakit kailangan pa dun? Pwede naman dito. Atsaka, paniguradong di ako papayagan. Malayo yun. Nasa Luzon." pangangatwiran ko kay kuya.

"Kase nga icocollide ang organization ng drama at sayaw. Yung kaibigan ko ang organizer ng event na yun at yung organization natin yung napili niya. Teka nga! Ba't ba ako nageexplain sayo eh naexplain ko na to sa meeting."

"Tas kailangan tayo pa ang pupunta dun? Eh bakit di nalang sila ang pupunta dito? Total sila naman ang nag organize."

"Ewan ko sayo! Kung ayaw mong sumama edi wag" sabi ni kuya sakin. Naiinis na ata. Eh kase naman diba, malayo atsaka paniguradong di ako papayagan kahit na gusto kong sumama.

"Pabebe ka talaga Cimafranca" sabi ni Althea sakin sabay bato ng crumpled paper.

"Aray!" Sa mukha talaga ang puntirya. Taeng to! Psh.

"Opportunity mo na yang pagpunta mo dun. May hinahanap ka dun diba? Atsaka big event nga to, edi masaya! Kase madaming dadalo at para naman makilala na yung organization natin di lang sa Visayas kundi sa Luzon na din. It's a big opportunity for all. Atsaka ikaw inaasahan namin dito, star dancer ka! Pambato ka namin." Sabi pa ni Aejohn

"Wag nga kayo! Okay lang naman sakin ehh pero alam nyo namang di ako papayagan diba? Nagpapasalamat na nga ako kase okay na kay daddy na sumasali ako ngayon. Dati naman ayaw nyang sumasali ako." Sabi ko sa kanila. Passion ko talaga ang pagsayaw. It's my talent. Mahal na mahal ko to. Kahit ayaw ni daddy dati, ipinaglaban ko talaga. Boyfriend ko na nga ata to eh.

"Try mo kayang itanong sa daddy mo yung about dito, baka sakaling payagan ka." Sabi ni Althea. Nilingon ko sya at napaisip. Oo nga naman! Pero kailangan ko ng support nila.

"Samahan nyo ko! Baka maconvince si daddy atsaka kailangan ko ng tulong mo Kuya Clinston." Sabay lingon ko kay Kuya na tahimik lang sa gilid na para bang may iniisip. "Ikaw lang pag'asa ko. Baka sa convincing powers mo madadaan si daddy at payagan ako."

"Kaya nga naisip kong magset ng meeting sa parents nyo. Alam kong maiintindihan nila yun." Napaisip ako sa sinabi ni Kuya. Tama naman pero sana talaga payagan ako.

"Umalis na nga kayo! Nangugulo lang kayo dito sa studio eh" taboy ni Kuya samin. Pinaalis pa kami. Langya! Salbahe talaga hayys.

"Asus! Alam kong pinapapunta mo dito yung girlfriend mo. Ikaw ah! Hahaha" sabi at sabay tawa ni Aejohn. Baliw talaga! Kahilig asarin si Kuya.

"Wala! Aalis ako. Magkikita kami ni Tristan. Sya yung kaibigan kong organizer ng event natin sa Pampanga. May paguusapan lang" sabi ni Kuya sabay kuha ng mga gamit nya. Aalis na talaga sya. Sarap pa sanang tumambay dito. Kainis kase! Ayaw kaming bigyan ng spare key. Tae talaga!

"Paiwan nalang kami dito Kuya! Bigay mo samin yung susi, kami nalang maglolock dito." Sabi ni Althea kay Kuya.

"Ayoko! Mangugulo lang kayo"

"Wala ka talagang tiwala samin eh. Kasakit ka ahh" sabi ni Aejohn.

"Psh! Bahala kayo. Basta ako aalis na din. Bye." Sabi ko sa kanila at tumayo na. Paalis na ko ng narinig ko yung sigaw ng mga bobita.

"Sabay na kami sayo oy."

"OA kase ni kuya! May sekreto ata yun" maktol ni Aejohn.

"Hayaan mo na nga yun" sabi ni Althea kay Aejohn na parang naiinis na din.

"Oyy Christine! Libre mo kami ahh!" Kalabit at sabay sabi ni Aejohn sakin.

"Ayoko! Uwi nako. Matutulog ako."

"KJ mo talaga hayys! Kami na nga lang ni Althea." Sabi ni Aejohn at lumingon kay Althea. "Tara? Starbucks tayo tas timezone."

"Gala ka ng gala! Buti sana kung ikaw manlibre, ako lage pinabayad mo. Psh" sabi ni Althea kay Aejohn. Gulo talaga ng dalawang to haha. Silang dalawa yung pinakaclose ko sa sayaw though si Althea bestfriend ko since High School. Magsesecond year college na kami sa USC. Architecture si Althea tas si Aejohn ay Accountancy yung kinuha nyang course. Entrepreneurship naman yung akin.

"Una nako sa inyo. Text'2 nalang." Sabi ko sa kanila.

"Hmp! As if namang magtetext ka" sabi sakin ni Aejohn.

"Oo nga! Himala nalang pag nagtetext ka" sabi naman ni Althea. Pinagkaisahan pa ako.

"Tss! Ge. Alis nako. Bye" paalam ko sa kanila.

"Bye Tine! Ingat ka" sabi nila at pumara nako ng jeep.

Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon