Nagpunta na ako sa taas pagkatapos naming maglunch. Kanina ko lang pinagmasdan si Lance. Nagtataka lang talaga ako sa mga kinikilos nya. Di ko naman maiwasang macurious kaya pinagmamasdan ko talaga sya.
"Angyare sayo Tine? Lingon ka ng lingon kay Lance kanina ah?" Sabi ni Aejohn. Andito kami sa kwarto kasama si Althea. Nilingon ko sya at ganun din si Althea sa kanya. Napansin pala ni Aejohn yun?
"Wala lang." Sabi ko nalang at tumahimik na.
Niayos ko ang sarili ko sa higaan at kinuha yung phone ko. Niopen ko yung fb ko at saktong nakaonline si Mae.
Ako: Palses!
Mae: Oh? Tagal kitang hinintay. Busy mo ah?
Ako: Hindi naman. Pero alam mo ba. Sobrang weird dito.
Mae: What do you mean weird?
Ako: Si Lance kase.
Mae: Sino si Lance? Omg! Si Kuya Lance?
Ako: Hindi si Terrence! Tae to.
Mae: Sino pala?
Ako: Kasama ko dito. Nasa drama club ata sya eh. Kapatid nya si Tristan na organizer ng event namin at may pinsan syang Rain ang pangalan na pinagtitripan ako. Ang kulit huta!
Mae: Oh? Eh ano naman meron sa kanya? Bakit weird? Atsaka ang weird din. Diba name ng kapatid ni Kuya Lance ay Tristan at may pinsan din syang Rain ang pangalan?
Ako: Oo! Pansin ko nga din yan eh. Pero di naman Villafuerte yung apelyido nila eh. Gutierrez. Kaya impossibleng si Terrence yun.
Mae: Ayy? Sayang naman. Pero bakit nga weird? Tae to! Kanina ko pa yan tinatanong sayo ah!
Ako: Eh kase nga! Nagtataka ako sa mga kilos nya. Para syang galit lage sakin. Minsan okay naman sya pero pag tinatanong nya ko tungkol kay Rain parang galit na naman sya sakin. Wala naman akong ginagawang masama. Taob yung mood swing ko sa mood swing ng lalakeng yun. Kaloka!
Mae: Baka may gusto sayo?
Ako: Impossible! May girlfriend yun. Kasama pa nga namin dito eh.
Mae: Oh? Di naman impossible yan eh. May mga lalaking loyal pero hindi faithful.
Ako: Ano namang pinagkaiba ng dalawa?
Mae: Ang mga taong loyal kase, committed na sila. Yung loyalty nila nasa taong mahal nila kahit may hinahangaan silang iba. Kumbaga, yung taong mahal nila ang pinili nila. Ang mga taong faithful naman, di na naghahanap ng iba kahit sinong taong nagkakandarapa sa kanila, keber na sila. Di na sila titingin sa iba. Di na sila humahanga sa ibang tao. Ganern!
Ako: Ganun ba? So may pinaghuhugutan ka dyan?
Mae: Wala ka talagang kwenta!
Ako: Hahaha jk lang palses! Labyu. Pero alam mo ba kung ano mas nakakaloka? Amber din ang pangalan ng giep ni Lance.
Mae: WHAT? Sa tingin ko si Kuya Lance yan eh. Lakas ng kutob ko nyan.
Ako: Hindi nga!
Mae: Pano mo nasabi aber?
Ako: Yung apelyido nga magkaiba. Villafuerte si Terrence. Gutierrez sila Lance.
Mae: Ah basta! Pil ko talaga si Kuya Lance yan. Impossible din kaseng coincidence yan diba? May kapatid si Lance na Tristan ang pangalan. May pinsan din syang Rain ang pangalan. May girlfriend din syang Amber ang pangalan. Ganun din si Kuya Lance. May girlfriend din syang Amber ang pangalan na naging dahilan kung bakit iniwan ka ni Kuya Lance.
BINABASA MO ANG
Lost Love
FanfictionYou've lost your love in a distance. Will you be able find your love that lost miles away?