Kinabukasan, yung mga tao parang tinatamad kumilos, dahil siguro sa hangover. Dami kaseng ininom kagabi. Yung iba tulog pa. Nakita ko si Kuya Clinston na naghahanda ng almusal.
"Sakit ng ulo ko." Sabi niya. Nilingon ko naman sya.
"Ako nalang po muna dyan. Pahinga ka muna. Inom ka nalang din po ng gamot" sabi ko sa kanya.
Tumango naman sya at hiniyaan nya kong magluto ng almusal. Lumabas na sya sa kitchen pagkatapos nyang uminom ng gamot. Nagluto ako ng fried rice, hotdog, and omellete. Gumawa din ako ng pancake and hot choco para mahimasmasan sila. Typical food for breakfast.
Nagarrange ako ng mga plates ng pumasok si Lance. Tumingin sya sakin at nilihis nya bigla yung tingin nya sa mga luto ko. Lumapit sya sa isang cabinet kung saan nilagay ang mga baso at kumuha sya at nilagay sa mesa. Kumuha din sya ng tubig. Tiningnan ko sya at hiniyaan nalang. Nilingon nya ako at tinitigan. Tinititigan ko din sya at napabuntong hininga nalang sya. May sasabihin pa dapat sya pero biglang pumasok si Rain.
"Good morning babe!" Bati nya sakin. Nilingon din naman nya si Lance at binati din. Tumango nalang si Lance at lumabas na. "Ikaw nagluto neto?" Tanong nya sakin. Tumango nalang ako at lumabas na sa kitchen para tawagin yung mga kasama kong gising na para kumain. Ayoko nalang gisingin yung iba. Tulog na tulog pa eh.
Nagtungo naman sila sa dining at umupo na. Tumabi nako kay Rain at nilahad naman nya sakin ang fried rice. Kumuha naman ako ng konti pero nisaway nya ko.
"Ang konti nyan! Nagdadiet ka ba? Wag ka ngang magdiet. Dadagdagin natin yan. Breakfast ang pinakaimportanteng meal kaya kumain ka ng madami." Talak nya habang dinadagdagan nya yung fried rice sa plate ko.
"Tama na nga yan! Kukuha naman ako kung gusto ko pa eh" sabi ko sa kanya. Nilagay naman nya yung plato ng fried rice sa mesa at kinuha nya yung hotdog at nilagyan nya ko ng tatlo. Kumuha na din sya ng omellete at nilagay nya din sa plato ko.
"Ako na nga yan." Sabi ko sa kanya. Andami nyang nilagay. Di ko naman mauubos to.
"Wag ka nga! Dapat pinagsisilbihan ang prinsesa" sabi nya sakin.
"Di ako prinsesa"
"Prinsesa kita" sabi nya sabay kindat sakin.
"Mga banat mong yang talaga Rain eh. Ilan na ba nipikot mo nyan?" Asar ni Adam kay Rain.
"Wag mo nga kong siraan kay babe! Tae to." Sabi naman ni Rain kay Adam.
Nilingon ko naman si Lance at nakatingin na pala sya sakin. Tumingin sya sa plato ko at umirap nalang bigla. Ano bang problema ng isang to? Kahapon pa to ah. Umismid nalang ako at kumain na. Bahala sya dyan.
Wala sina Amber, Hailey, Aejohn at Althea kaya tulog pa siguro sila. Si Jade naman tahimik lang na kumakain, wala ata sa mood.
Tapos ng kumain ang lahat at inutusan ni Kuya Clinston sina Adam at Patrick na maghugas. Marunong din pala silang manghugas. Hahaha. Nagpunta naman ako sa sala at umupo sa sofa. Nagbasa nalang ako ng magazine para malibang naman. Biglang umupo si Rain sa tabi ko at sumandal sya sa balikat ko.
"Ulan! Ang bigat mo. Wag ka nga." Reklamo sa kanya.
"Wag kang gumalaw. Masakit ulo ko." Sabi nya. Hindi nalang ako gumalaw pero nagrereklamo pa din ako. Ang bigat ng ulo nya.
"Punta ka nalang sa kwarto nyo. Dun ka nalang matulog." Sabi ko pa.
"Dito ako kumportable" sabi nya. Hinaayan ko nalang at nagbasa nalang ulit ng magazine. Nakita kong bumaba si Aejohn at nasa likoran nya si Althea na humihikab pa. Kinablit naman nya si Althea at tinuro kami. Nilingon naman kami ni Althea at parang nabigla sya sa posisyon ni Rain sakin. Parang tarsier naman tong makalingkis si Ulan sakin, kanina lang nakasandal lang sya sakin ngayon naman parang tumanday na sa kakagalaw nya papalapit sakin. Ngumiti naman si Aejohn na parang nang'aassar.
BINABASA MO ANG
Lost Love
FanfictionYou've lost your love in a distance. Will you be able find your love that lost miles away?