"Eh bakit naman kase diba? Mahal mo naman pala eh bakit iiwan mo pa?" Maktol ni Aejohn. Ewan ko ba sa babaeng to. Imbis mamomroblema sa requirements for finals. Iba yung pinoproblema nya. Tss!
"Eh ano ba pinaglalaban mo dyan? Tumahimik ka nga." Sabi ni Althea sa kanya. Naiinis na ata to sa kanya. Pano ba kase, salita ng salita non sense naman minsan. At heto kami ni Althea, gumagawa ng paper works dito sa wrocklage tas sya ayun, patuloy sa pagsasalita. Di ko nga alam kung nakikinig pa ba tong si Althea sa kanya.
"Hmp! Bitter ka lang eh. Wala ka kaseng lovelife" sabi ni Aejohn kay Althea. Tumingin naman si Althea sa kanya.
"Eh ikaw? May lovelife ka ba?" Tanong nya kay Aejohn.
"Wala! Pero di ako bitter"
"Bakit? May sinabi ba kong bitter ka?" Ngumuso si Aejohn sa sinabi ni Althea at tumahimik na din. Buti naman! Wala ng maingay.
Andito kami sa wrocklage. Dito usually tumatambay ang students for study purposes. Gumagawa at pinafinalize namin yung mga requirements for finals. Mahirap din yung kay Althea kase gumagawa sya ng mga plates, architecture kase. Si Aejohn naman, may sinusulat sa isang accounting sheet. Ako naman, nageencode at nireview ko yung study policy for Marketing. Buti nalang talaga at responsible yung mga kagroupmates ko. Di umaasa sa leader tulad nung iba though di naman ako yung leader.
"Alis muna ako ahh! May ipiprint lang." Paalam ko sa kanila at tumayo na. Tinangoan lang naman nila ako dumiretso na sa labas ng campus. Pupunta lang ako ng internet cafe para piso print. Nasa loob nako ng internet shop at buti nalang at walang gaanong students ang pumunta para gumamit or magpaprint ngayon. Pumunta nako sa may table kung saan ako magpaprint. Nagtanong naman agad si Kuyang nagbabantay sakin kung ano kailangan ko. Binigay ko naman sa kanya yung USB ko at nagpaprint ng Study Policy namin ng kagroupmates ko. 15 pages din.
Tapos ng iprint ang lahat na pages at binigay na sakin yung papers ko. Nagbayad ako at lumabas na ng internet shop. Sa may gilid, may tumitinda ng mga school supplies at bumili ako short folder at fastener. Bumalik nako sa loob ng campus at naabotan ko sina Gio at AD sa table namin.
"San ka galing?" Tanong ni Gio sakin.
"Nagpaprint lang sa labas. Kayo?"
"Kakagaling lang namin sa class. Exam namin kanina at magkaklase kami." Sabi naman ni AD. Marketing yung major nila at may mga subject silang magkaklase.
"Alis nako!" Sabi ni Althea at nagfifix ng mga gamit nya. "Babalik lang ako agad pag naipass ko na to. Submission nalang naman to eh, wala na kong class. Pero if kung matatagalan ako. Alis nalang kayo. May class pa kayo diba?" Tanong nya samin.
"May exam ako mamaya sa major ko. Baka siguro aalis na ko maya maya." Sabi ni Aejohn at nilingon ako. "Ikaw Tine?"
"Wala nakong class pero isusubmit ko nalang to mamaya"
"Wala na kaming class ni AD. Hihintayin nalang namin kayo para sabay tayo sa studio?" Sabi ni Gio at tumango naman kaming tatlo. Umalis na si Althea at sumunod naman si Aejohn.
"Si Marvin at Michael asan?" Tanong ko sa kanilang dalawa.
"Si Marvin umuwi na pero babalik din sya kase may exam sya mamayang 3. Si Michael naman nasa studio na ata." Sabi ni AD.
"Wala na bang class si Michael?" Tanong ko ulit.
"Tinapos nya raw lahat nung Monday at Tuesday yung exams nila. Tas nung Wednesday nagsusubmit sya ng mga paper works." Sabi ni Gio. Si Marvin kase Finance Major tas si Michael Operating Management. Kami ni Gio, AD, Marvin at Michael ay mga Business Administration students. Si Aejohn naman, Accountancy. Kaming anim nasa SBE. Si Athea lang talaga naligaw ng landas samin, SAFAD. Si John naman, isang member namin sa Exporters at dati pang student ni Kuya Clinston ay sa ibang school nag'aaral. Sa USJR ata yun kaya minsan di namin sya nakakasama. Tuwing practices at gala ng grupo lang talaga kami nagkikita.
BINABASA MO ANG
Lost Love
FanfictionYou've lost your love in a distance. Will you be able find your love that lost miles away?