Kakagising ko lang nung may kumatok sa kwarto. Nilingon ko naman yung buong silid at ako nalang mag'isa.
"Christine?" Boses ni Rain ang narinig ko. "Gising ka na? Breakfast na tayo." Tuloy nyang sabi habang kumakatok. Tumayo naman ako at dumiretso sa pintuan para pagbuksan sya.
"Good morning!" Bati nya sakin at nagsmile. Lumabas naman yung dimple nya at pinawiggle wiggle yung kilay nya. Psh! Nagpapacute pa.
"Ligo muna ako" sabi ko at isasarado ko na sana ang pintuan ng pinigilan nya ko.
"Maya ka nalang maligo after nating kumain. Mabango ka naman na eh atsaka ang ganda mo pag bagong gising." Tinaasan ko naman sya ng kilay at tumango nalang.
"Maghihilamos nalang muna ako"
"Sige! Hihintayin nalang kita dito sa labas." Sabi nya.
"Mauna ka nalang. Tss!"
"Eto naman! Ang sungit." Nagpout pa sya. Ambakla! Sinaradohan ko nalang sya ng pinto at dumiretso na sa CR para maghilamos. Bahala syang maghintay dun. Di ko naman sya pinipilit.
Tapos na kong maghilamos at kinuha ko na yung phone ko. Lumabas na ko at naghintay pala talaga sya. Di ko nalang sya pinansin at inunahan ko na syang maglakad. Sabay kaming bumaba ng napansin kami nina Zeus kaya todo kantyaw naman sila. Dumiretso naman ako sa dining at umupo na. Katabi ko si Althea. Nilingon ko naman si Lance at Amber na nasa harap ko nakaupo.
"Althea! Pwede palit tayo?" Sabi ni Rain kay Althea. Biglang lumingon si Lance kay Rain at parang nagtataka sya kung bakit nakipagpalit si Rain kay Althea. Nilingon ko naman si Rain at nagtanong kung bakit sya nakipagpalit.
"Gusto ko lang namang katabi ka" sabi nya sakin.
"Natanong mo din ba sakin kung gustong kong makatabi ka?" Tanong ko sa kanya.
"Boom basag!" Asar naman nina Zeus kay Rain.
"Pakipot ka talaga babe" sabi ni Rain sakin. Inirapan ko nalang sya at kumuha na ng almusal.
"Umupo ka nga lang dyan Rain" utos ni Tristan sa kanya at umupo na din.
Tahimik lang na kumakain si Lance at si Amber naman ay kinakausap si Jade. Nilingon ko naman si Hailey at nakatingin na sakin. Nagsmile naman sya kaya nagsmile back naman ako. Kinalabit naman ako ni Kuya Clinston kaya nilingon ko sya.
"Susunduin namin mamaya yung 2nd batch." Sabi nya. Tinangoan ko nalang sya at tinuloy ko yung pagkain.
Ang ingay kumain nila Rain, puno ng tawanan at kantyawan. Nilingon ko naman yung mga kaibigan ko at ganun din sila. Tumayo na ko at nagpunta sa sink. Hinugusan ko nalang yung pinagkainan ko at diretso na sala. Kinuha ko yung phone ko at nangamusta kina daddy.
Gusto kong gumala pero tinatamad naman ako kaya dito nalang muna ako. Lumabas si Lance galing dining at pumanhik sa taas. Sunod namang lumabas si Amber na parang nagmamadali at napatigil naman nung nakita ako.
"Nakita mo si Lance?" Tanong nya sakin.
"Nagpunta sa taas." Sabi ko sa kanya at nagpunta naman sya dun.
Sabay lumabas yung mga kaibigan ni Rain at nagpunta na dito sa sala. Tumabi naman si Rain sakin at kinuha yung remote para buksan ang tv. Nilipat naman nya star movies at Divergent yung palabas. Di naman nya nilipat kaya pinanoud ko nalang kahit na pang'ilang noud ko na.
"Tahimik mo naman ata?" Sabi nya sakin. As if namang kinakausap ko sya. Di ko nalang sya pinansin at hinayaan ko nalang. Lumapit naman si Hailey sa pwesto namin at nilingon nya sa Rain.
BINABASA MO ANG
Lost Love
FanfictionYou've lost your love in a distance. Will you be able find your love that lost miles away?