"Hello Pampanga!" Sigaw ni Aejohn pagbaba namin sa eroplano dito sa Clark Airbase. May pa sway sway pa sya sa kamay nya pataas. Tss! "Aray" reklamo nya kase binatukan sya ni Althea.
"Mahiya ka naman oyy! Ikaw lang tao dito? Psh" saway ni Althea kay Aejohn.
Bumaba na kami dala dala yung mga gamit namin at pumasok na sa loob ng airport. Naabotan namin sina Tristan na may kasamang babae. Girlfriend nya ata kase magkaholding hands sila.
"Pare!" Bati ni Kuya Clinston sa kanya. Nagbro fist naman sila at dinala na nya kami patungo sa isang van. Bago kami tumuloy sa loob. Pinapakilala muna kami ni Tristan sa babae. Ata tama nga ako, girlfriend nya.
"Babe! This is Clinston, kilala mo naman na sya diba? And this is Michael, Marvin, AD, Gio, John, Aejohn, Althea and Christine. They are the Exporters. The dance group that Im talking about last time." Sabi ni Tristan sa girlfriend nya at paisa isa nya kaming tinuro. She landed her hands to us kaya nishake hands din namin sya.
Pumasok na kami sa loob van at nagdrive na yung driver. They are talking randomly at tahimik lang akong nagmamasid sa paligid. Ang alam ko lang, sa city kami magpipresent pero sa province kami magsstay pansamantala for the rehearsals and such. Medyo mahaba ang byahe kaya yung iba nakaidlip na. Nagstop over muna kami para bumili ng merienda.
"Tine! Pakipasa yung coke in can please." Suyo ni Gio sakin. Nasa gitna ako nakaupo at nasa harapan ko naman sya. Kinuha ko yung coke at di ko alam kung sino ang pagbibigyan ko neto.
"Kanino ko to ibibigay?" Tanong ko kay Gio.
"Kay Lance yan Tine" sagot nya naman sakin. Nagtaka ako sa kanya kase di ko nakuha kung sino yung tinutukoy nya kaya may nginuso sya sa likuran ko. Humarap naman ako sa likod at may lalakeng kaedad ata namin. Ba't di ko man lang sya napansin dyan? Humarap ulit ako kay Gio at nagtanong kung sya ba. Tumango naman sya kaya ibinigay ko sa lalake yung coke.
"Salamat" sabi nung lalake. Naghalf smile nalang ako at inayos ko yung pwesto ko. Kanina pa ko nakaupo dito tas ngayon ko lang napansin na may tao pala sa likoran ko.
Nakarating na kami sa isang ancestral house at pumasok na kami sa loob. Puro mga antique yung mga gamit. Halatang puro mamahalin.
"Nasa taas yung mga rooms. Pwede nyong tingnan. Kayo yung una kong hinatid dito sa ancestral house ni Mayor kase mga bisita kayo. Kayo yung priority namin kase di kayo taga dito. Yung mga drama club naman, bukas ko na sila ihahatid dito." Sabi ni Tristan samin. Nilingon ko naman sya at nakita ko yung lalake kanina na nasa likoran na ni Tristan ngayon. Nakatingin sya sakin kaya tiningnan ko rin sya. Bigla nya namang nilihis yung tingin nya kaya di ko na pinagtuonan ng pansin.
Naglakad ako papunta kay Kuya Clinston at nagtanong kung ano ang arrangement namin sa room.
"Magsama muna kayong tatlo sa isang room at kami namang lima sa isang room" sabi nya sakin at tumango na ako.
Nilapitan ako ni Aejohn at nagtanong sakin kung ano ang sinabi ni Kuya Clinston. Sinabi ko naman sa kanya kung ano yung arrangement namin sa ngayon.Pumanhik ako sa taas at nalula ako sa dami ng pinto dito. Kwarto ba tong lahat? Di ko alam kung ano gagawin ko kaya bababa nalang sana ako pero nakita ko yung lalake na papunta na dito. Humarap sya sakin at may binigay syang susi. Pagkatapos nyang ibigay sakin, bumaba na ulit sya. Pipi ba yun? Hiniyaan ko nalang at tiningnan yung susi. May number 10 na nakalagay. Baka room number? Lumapit ako sa isang pinto at may nakalagay na 1. May number nga. Pumunta nako sa Room number 10 at niopen ko yung room. Sobrang ganda at lawak ng kwartong to. Sakto lang saming tatlo. May tatlong king size bed at may tig iisang side table with lamp. Nilagay ko yung bag ko sa hapag at humiga agad sa kama. I feel fine and free. Sa sobrang haba ba naman ng byahe sinong di mapapagod?
BINABASA MO ANG
Lost Love
FanfictionYou've lost your love in a distance. Will you be able find your love that lost miles away?