Nasa may gate nako samin. Naglakad lang ako from entrance ng subdivison namin. Malapit lang naman kaya nilakad ko nalang. Binuksan ko na yung gate namin at nakita ako ni Godwin kaya dumiretso sya sakin.
"Ate! Nakauwi ka na." Sabay hug at kiss nya sakin sa cheeks. "May ibibigay po ako sa inyo."
Naglakad na kami papuntang loob at nakita ko si Mommy na abala sa Kitchen. Lumapit naman ako sa kanya at nagmano.
"Hihintayin nalang natin si Daddy para sabay na tayo magdinner. Pauwi na rin naman sya eh" sabi ni Mommy sakin.
"Okay po." Umalis nako sa kitchen at bumalik sa sala. Nakita ko si Jane na busy sa kanyang laptop at si Joy naman ay nasa study table, may ginagawa.
"Bakasyon nyo na?" Tanong ko sa kanila. Hinarap naman ako ni Jane at tumango sya.
"Ate! Patulong naman neto" sabi nya sakin. Lumapit naman ako sa kanya at tumabi. Tiningnan ko yung pinagkaabalahan nya. Nagapply sya online for modeling. Nuxx naman tong kapatid ko hahaha.
"Ano gagawin ko?" Tanong ko sa kanya.
"Magfifill up sana ako ng form tas itatype ko nalang sana dyan. Kaso ayaw gumana. Ayaw nyang magtype."
"Patingin" binigay nya naman sakin yung laptop nya. Tiningnan ko kung ano yung problema at inayos ko naman.
"Itype mo nalang yan. Kailangan mo pa bang iprint yan? Tawagan mo nalang ako. Tuturuan kita. Di kase sya wordpad or microsoft na maprint sya agad." Sabi ko sa kanya.
"Hindi. Okay na to ate. Isesend ko naman to agad. Salamat"
"Sige. Bihis lang muna ako ah" Tumayo nako at pumanhik na papuntang taas. Nagbihis na agad ako at kinuha yung phone ko. Lumabas na ko at bumababa na. Pagbaba ko, kakarating lang ni Daddy. Lumapit agad ako sa kanya at nagmano.
"Bihis ka muna love tas baba ka agad. Sabay tayong kumain ng dinner" sabi ni Mommy kay Daddy at nikiss ni Daddy si Mommy sa lips. Sweet!
Pumanhik na si Daddy sa taas at hinintay namin sya dito sa baba. Lumapit naman si Godwin sa akin at may binigay syang cupcake.
"Ate! Ginawa namin yan ni Mommy kanina. Para sayo yan." Sabi ni Godwin at nihug ako agad.
"Thanks God! Kiss mo nga ako" nipout ko agad yung lips ko tas nikiss nya ko sa lips.
Nakababa na si Daddy at sabay kaming pumunta sa dining. Si Daddy nasa gitna at nasa left side naman si Mommy. Magkaharap kami ni Mommy at tabi nya naman si Joy. Nasa Right side ako ni Daddy at pinaggitnaan namin ni Jane si Godwin.
Nagpray muna kami before kumain ng Dinner. Masarap ulam namin kase si Mommy ang nagluto. Habang kumakain, naguusap kami randomly.
"Kailan alis mo nak?" Tanong ni Daddy sakin.
"Sa Monday na po dy. First batch kami eh. Kumpleto kaming Exporters na magkasama kasama si Kuya Clinston."
"Do you need money? Diba bibigyan kayo ng allowance?" Tanong naman ni Mommy.
"Opo! May extra money pa naman po ako. Kaya okay lang"
"Dalhin mo yung ATM mo, huhulugan ko. Sakto na ba yang 50K?" Sabi ni Daddy. Sobra naman ata yung 50K.
"By week nyo nalang po ako bigyan ng pera. Sobra na po ata kase ang 50K"
"Okay na yan nak! 2 months ka dun. Atsaka kailangan mong pasobrahan yung pera mo for emergency purposes." Sabi naman ni Mommy.
"Bibigyan naman po kami ng allowance eh. Kaya okay lang. Sobra na po talaga yung 50K dy." sabi ko kay daddy at bumuntong hininga naman sya.
Tapos na kaming kumain at dumiretso na si Daddy sa office. Si Mommy naman dumiretso sa kwarto nila. Si Jane nasa sala nanuod ng TV. Si Joy naman bumalik sa study table, nagdodrawing. Si Godwin naman umupo lang sa sofa at naglaro ng PSP. Pumunta nako sa taas at pumasok na sa kwarto ko. Kinuha ko yung lagtop at phone ko at lumabas papuntang terrace. Nilagay ko sa table yung mga dala ko at ni'on ko yung laptop. Niopen ko yung facebook account ko at nagstatus.
"See you soon Pampanga"
May naglike naman agad at maraming nagcocomment.
Aejohn: Excited na rin ako. Yeheyy!
John: Libre na yan agad si Christine pag nakarating na tayo dun.
Althea: Gala tayo dun guys.
Mae: Asus! Baka hanapin mo lang yung ka till 71 mo dun bwahahaha xD
Yung comment ni Mae yung napansin ko. Di ko yun hahanapin hahaha maghihintay lang ako kung may chance bang magkita kami.
May biglang nagpop out at message agad ni Mae yung nakita ko.
Mae: Excited ka na?
Ako: Medyo haha
Mae: Asus! Small world na kayo ni bebu mo pag naka'apak ka na Pampanga. Baka magkita kayo.
Ako: Impossible naman. Ang laki ng Pampanga.
Mae: Malay natin baka magtagpo kayo.
Ako: We don't know. If fate wants us to give us a chance to see each other, why not diba?
Mae: Bakit kailangan pang idamay si fate? si destiny? Kung hanapin mo nalang kaya?
Ako: Ayokong hanapin yung taong bumitaw na sakin.
Mae: So aasa ka nalang talaga sa fate fate na yan?
Ako: Hindi! Atsaka wala na namang atang dahilan para magkita o magusap kami. Atsaka never pa naming nakita yung isa't isa sa personal. Alam mo namang sa facebook lang kaming nagkakilala diba?
Mae: Oo nga! Pero di mo naman maiwasan yung katotohanan na naging espesyal ninyo ang isa't isa na kahit sa facebook lang kayo nagkakilala.
Ako: It's been a year na Mae. Nakamove on nako.
Mae: Nakamove on na, pero di ka pa nakakarecover. Halata sayo Christine! Alam kong minahal ka nun at minahal ninyo ang isa't isa. Saksi ako sa inyong dalawa. At wala kayong magandang closure.
Ako: Makaclosure to! Di naging kami, baka nakalimutan mo?
Mae: Tss! Pareho na din yun.
Nagusap pa kami ni Mae ng kung anu ano at nagpaalam na din sya kalaunan. Ni search ko ulit yung name nya sa facebook, baka may other account sya pero wala akong mahanap. Walang Terrence Lance Villafuerte ang lumabas.
Terrence Lance Villafuerte. A KathNiel fanboy from Pampanga. Naging friend ko sya at sa pagiging close namin nagiging special namin ang isa't isa. He's a total stranger pero naging comfortable ako sa kanya. He showed me his flaws kahit na malayo yung distance namin. Hindi nya ko tinrato na iba kahit na never pa namin nakita ang isa't isa. He cared and loved me despite of my negativities. Pero sabi nga nila, walang forever. Iiwan ka rin sa taong nagpapahalaga sayo. And that's what he did to me. He broke his promises. Pinaasa nya ko sa mga pangako nyang di ako iiwan at pupuntahan pa nya ko dito sa Cebu. He broke his promise na mamahalin nya ko at di nya iiwan kahit anong mangyari. I know na sa situation namin, walang kasiguradohan o baka walang patutunguhan. Pero umasa ako kase sabi nya mahal nya ko. Ipinaramdam nya sakin kung gano ako ka special. Wala akong nararamdamang duda na baka pinaglalaruan nya lang ako. Pero nangyari na ang nangyari. He left me with his words that stabbed my heart so deep. He left me with his broken promise that broke my heart into pieces.
And it's been a year, but I still feel the hurt and I'm still not healed.
BINABASA MO ANG
Lost Love
FanfictionYou've lost your love in a distance. Will you be able find your love that lost miles away?