CHAPTER 2

30 2 3
                                    

3 pm nako nakauwi sa bahay. Diretso agad sa kwarto at sumamplak agad sa kama. Today's not a productive day for me. Parang lage naman ata eh. Kinuha ko yung phone ko sa bag and check if kung may tumawag or nagtext. Merong limang text. Dalawang text galing kay daddy at tatlong gm galing sa mga kaibigan kong hugotera/hugotero. Psh.

Daddy: Nakauwi ka na?

Daddy: Can you fetch Godwin later? Nasa bahay ng tita mo, binibisita si Carl. Matatagalan ako sa work, may meeting ako mamayang 5 pm onwards.

Nireplyan ko ng "K" si Daddy at bumaba ako papuntang kitchen to get some merienda. Kumuha ako ng bread and tuna spread tapos nihugasan ko yung Lettuce. Gagawa ako ng sandwhich. After kong gumawa, balik agad sa kwarto then open my laptop to watch a movie. She's dating the Gangster ang niplay ko. Nasa gitna nako ng movie ng bigla kong nipause yun. Napaisip lang. Nasa part nako kung saan nag give way si Athena D. kay Athena T. para kay Kenji. Ganun ba dapat yun? Kailangang mang'iwan para sa ikasasaya ng marami. Para sa ikasasaya ng taong nagmamahal din sa taong nagmamagal sayo. Di ba pwedeng hayaan nalang yung dalawang taong nagmamahalan? Di ba pwedeng magpakaselfish ka nalang at ipaglaban yung taong mahal mo na walang ibang taong nasasaktan? Para ganun nalang kadali. Pero everything is unfair. Wala namang madali sa kinalalagyan natin eh.

Niexit ko nalang yung movie and niopen ko yung facebook account ko. It's still the same. Updates about KathNiel and obviously, KN fan ako. Meron akong 26 notifications, 4 messages and 2 friend requests. Niopen ko yung message from my online bestfriend na si Mae.

Mae: Oy! Kamusta ka na? Buhay pa? Magonline ka na oy.

Yan ang bungad nya sakin. Walangyang to.

Ako: Miss mo na naman ako hayys.

Mae: Buhay ka pa nga talaga! Hahaha tagal mong bumalik ahh.

Ako: Busy lang. Alam mo namang may sayaw ako.

Mae: Asus! Yan naman lage yung excuse mo eh.

Ako: Totoo naman kase. Ayy oo nga pala! Sa march, pupunta kaming Pampanga. May malaking event kami dun.

Mae: Sa sayaw nyo? Ang layo naman ata?

Ako: Oo nga ehh! Pero tatanongin ko pa si daddy kung payag ba syang sumama ako.

Mae: Sayang naman kung hindi. Opportunity mo na yan.

Ako: Oo nga eh. Out muna ako ahh! Tulog muna ako. Ingat ka. Bye.

Mae: Sige. Online ka mamaya ah! Pag hindi? Naku! Prenshep obor na hahaha.

Ako: OA mo! Ge. Bye. Hahaha.

Nag out nako at kinuha yung phone ko. May mobile diary ako sa phone ko. Yung saloobin ko, nisesend ko sa inactive na number. Di na mababasa ni kuyang may'ari ng number kase wala na yung number nya. Niopen ko yung celphone number na nagsilbing mobile diary ko. Niclick ko yung "compose a message" and start typing my thoughts.

"Babe, how are you? I hope you're fine there. Nipost ko pala yung story natin sa KN Secret files. Nabasa ni Ate Irel yun. Sa page nya tayo nagsimula diba? Di mo na mababasa yun kase deactivated na facebook account mo. You know what? Habag tinatype ko yun, nagfaflashback lahat sakin yung mga pinagusapan natin through text and chat. Hanggang dyan lang tayo ehh haha Baliw pala talaga natin nu? Ang kokorni natin hahaha sobrang miss ko yung times na yun. Na kahit sa online lang tayo nagkakilala espesyal natin ang isa't isa. Naisip ko nga kung mauulit ba yung dati? I wish meron pa tayong second chance. Btw, punta kami dyan sa Pampanga this March. Sana payagan ako ni Daddy. May big event kami dyan eh. Bye for now. Imissyou. Mwuah. xD - Christine Faith Cimafranca."

After typing, nibasa ko ulit then send na. Ganito ako lage everytime na namimiss ko sya. Well, lage ko naman syang namimiss pero iniiwasan kong isipin sya cause I'm trying to forget and move on though di ko talagang maiwasang isipin sya. Madalas syang nasa isipan ko kaya I kept myself busy para iwasang sumagi sya sa isip ko. Pero may minsan talagang di ko makayanan kaya may mobile diary ako. Para namang mahimasmasan ako. Ayokong magshare sa mga kaibigan ko, lalo na sa bestfriend kong si Bentoy. Andami kong bestfriend, tangina hahaha I have 4 bestfriends. Si Bliss na bestfriend ko since Elementary. Si Althea since High School. Guy bestfriend kong si Bentoy at online bestfriend kong si Mae. Alam nilang okay nako kaya paninindigan ko nalang.

Naghalf bath nako and change para pupunta sa bahay ng tita ko. Susunduin ko si Godwin, bunso kong kapatid. After changing, kinuha ko yung phone and wallet ko sa drawer then punta sa room ng parents ko para kunin yung susi ng car. Ayaw kong magcommute papunta dun kase maarte kapatid ko. Masyadong spoiled. Only boy kase.

Nagdrive ako papunta sa bahay ng tita ko. 15 minutes drive lang at nandito nako. Nagpark ako sa gilid at bumaba na para magdoorbell. Niopen ng yaya yung gate at nakita ko agad si Carl at si Godwin na naglalaro sa terrace.

"Andyan ka na pala. Kain ka muna ng dinner" bungad ni Tita sakin at lumapit ako para magmano sa kanya.

"Wag na po tita. Sinusundo ko lang po si Godwin. Susunduin ko nalang din po sina Jane at Joy sa school para sabay na kaming kumain ng dinner sa labas. May meeting pa kase si Daddy at baka sabay na sila ni Mommy."

"Osige! Godwin, baba ka na. Andito na ate mo." Tawag ni Tita kay Godwin. Bumaba naman agad yung kapatid ko kasama si Carl, pinsan namin at anak ni Tita Jing.

"Hi ate!" Lumapit si Godwin sakin sabay halik sa pisngi. He's very clingy when it comes to me. Alagang alaga ko eh.

"Let's go? Wala ka ng naiwan sa loob? Pupunta tayo ng school nina Ate Jane para sunduin sila." Sabi ko kay Godwin.

"Wala na po. Tara na." Nilingon ni Godwin si Tita at nagmano para umuwi na. "Tita, uwi na po kami. Carl, bukas ulit ah? Bye. Ingat po kayo."

"Bye po tita. Salamat po." Paalam ko kay tita.

Lumabas na kami ng gate at dumiretso na sa sasakyan para sunduin yung dalawang kapatid namin. Nasa school na kami ng nakita ko sina Jane at Joy sa lobby. Nakita nila kami at lumapit na para sumakay.

"San nyo gustong magdinner? Mamaya pa uuwi sina Mommy at Daddy. Matatagalan daw sila." Tanong ko sa kanila pagkapasok nila sa loob ng kotse.

"KFC!" sabay nilang sabi.

Nagdrive na ko papuntang KFC at dun na magdidinner.

Lost LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon