5: Storm

3.1K 85 2
                                    

"Sa O! 69," sigaw ni Irene kasabay ng pag bukas ng pinto. Lahat kami lumingon doon at sabay sabay din silang nagsi iwas.

Nanatili akong naka titig sa kanya dahil napansin ko ang lipstick stain sa uniform nya. Napa tingin ako sa wall clock, and it's already 8PM.

"Bingo! Yeah! Bingo ko na pala kanina pa." Hindi ko nilingon kung sino iyong sumigaw, hindi ko din naman kilala. Mga kaibigan ni Irene ang mga kalaro namin.

"Ano ba yan, Cupid! Kanina ka pa sinuswerte, ha?!" Singhal ni Louise. Tumawa lamang iyong Cupid saka kinuha ang perang premyo.

"Anong ulam?" Sumulyap sa akin si James. Kumunot pa ang noo nya ng mapansin nyang kanina pa ako naka titig sa kanya.

Nag iwas ako ng tingin, "Edi tignan mo." Umirap pa ako. Ilang beses na syang ganyan umuwi. Kung hindi naman lipstick stain, amoy babae naman.

"O taya, taya!" Nasa harap ko na ngayon iyong paglalagyan namin ng taya para sa bingo.

Umiling ako. "Ayako na."

Sabay sabay naman nila ako nilingon. "Oy huwag madaya, Ronnie! Ikaw ang nananalo, babawiin ko ang pera ko... aray!" Binatukan ni Louise ang katabi nyang lalaki.

"Jigger, a. Tumitigil-tigil ka sa ka-unggoyan mo! Nandyan na asawa nya, kaya matutulog na sila." Nginisian pa nya ako na parang alam nya ang gagawin namin ni Hayme sa kwarto.

Nagpaalam na ako sa kanila para umakyat. Nababanas ako kay Hayme.

Hindi ko pa nga nakakalimutan yung ginawa nya sa akin kagabi at hanggang ngayon ay kumikirot pa din ang putok sa labi ko dahil sa sampal nya.

Nagising ako ng maramdaman ko ang mga halik sa batok ko. Naamoy ko ang pambabaeng pabango galing kay James. Kumunot ang noo ko.

"ANO BA!" Sigaw ko. Tinulak ko sya.

Bahala na kung saktan ulit nya ako. Hinding hindi ko na sya papayagan na may gawin pa syang iba sa akin.

Humalakhak sya. "Shhhh... kadarating lang nila Mommy, baka marinig ka," aniya saka ulit ako hinalikan. Lumakas ang tibok ng puso ko at nagsimula na akong kabahan.

Hinarap ko sya, "Matutulog na ako!"

Tumaas ang isang kilay nya. "Whoa! What's with the attitude, baby?"

Hindi ko sya pinansin dahil sa totoo lang ay nanginginig na ako sa takot. The way na hawakan nya ako ay parang nawawala ako sa sarili ko.

Punong puno ng takot ang puso ko na baka gawin nanaman nya sa akin iyon.

"Ronnie..." Hinalikan nya ang leeg ko.

Para akong mamatay sa sobrang takot. Umiyak ako ng umiyak.

"H-huwag..." Nauutal kong sabi. Hindi sya sumagot. Nilagay nya sa may ulo ko ang aking dalawang kamay.

Nanginig ako sa takot.

"N-no... N-not again..."

Tumili ako sa takot kaya tumigil sya sa kanyang ginagawa at tinakpan ang bibig ko.

"Shhh! Manggising ka pa ng ibang tao, e."

"H-huwag, James..."

Marahas nya akong binitawan. Niyakap ko ang sarili ko at hinayaang lumabas lahat ng luha sa aking mata.

Hindi ko na kaya.

Humarap sya sa akin kaya nanginig nanaman ako sa takot. Lumayo ako ng lumapit sya.

"A-ayako sayo!" Tumayo ako para sa couch nalang matulog.

"Tss..." tumayo sya at kinuha ang unan at kumot. Naka tayo na sya sa harap ko, "Dun ka na sa kama, ako nalang dyan."

My Maid (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon