14: Mommy

2.8K 76 1
                                    

"A-ano ulit sabi mo?" Tulala akong naka-tingin sa kanya.

Tumayo sya at umiwas ng tingin. "Damn it! Don't make me say it, again tss!"

"Hindi ka pa tapos kumain..."

Nilingon nya ako saglit. Napa-tawa ako ng makita kong namumula ang kanyang pisngi. Sinamaan nya lalo ako ng tingin.

"Nakaka-walang gana kang kasabay kumain." Seryoso nyang sabi saka umirap pa.

Imbes na magdrama ako sa sinabi nya ay lalo pa akong natawa.

Ang cute ni Hayme!

Nagkibit balikat nalang ako habang patuloy na kumakain. Bahala sya. Basta ako, gutom.

Nakangiti ako habang nililigpit ang pinagkainan. Pakiramdam ko ay bumabalik na yung dating James na kilala ko.

"Tapos ka na ba dyan?" Rinig kong sigaw nya habang nasa sala.

"Patapos na!"

Dali-dali akong nagpunas ng kamay nang matapos ako. Naabutan ko siyang nanunuod ng TV habang nakahiga sa kanyang dibdib si Wind at tulog.

Gusto ko sana siyang asarin ng bagito dahil sa nakauniform pa siya kaso baka pagalitan pa ako.

"Kumain ka na dun..." Nilapitan ko siya saka kinuha si Wind para mailagay na sa kanyang crib.

"Talagang kakain ako. Pagod na nga ako sa school, tapos tatawanan mo pa ako dito?" Inis na sabi nya.

Kinagat ko ang lower lip ko para mapigilan ang nagbabadyang tawa.

Ilang minuto ang tinagal nya sa pagkain. Nanuod lamang ako habang binabantayan si Wind.

Tumayo agad ako ng makita kong tapos na syang kumain.

"Bantayan mo nalang si Wind..."

Akmang kukunin ko ang plato nang mabilis nya iyong iniwas.

"Ako na dito." Halos hindi ko marinig ang sinabi nya sa sobrang hina.

Nahihiya sa akin si James?

"Ako na..."

Sinamaan nya ako ng tingin. "I can do it!"

"Huwag ka ngang sumigaw."

Bumuntong hininga sya saka tinabig yung plato na nasa sink. Halos mapatalon ako sa gulat.

"Sige, ikaw na! Tutal yan naman ang gusto mo. Kapag nabinat ka, wala na akong pakielam sa'yo..."

Iniwan nya akong tulala doon. Alam ko naman ang point nya. Hindi naman siguro ako mabibinat kapag naghugas ako ng pinggan diba? Hindi naman to mabigat na trabaho.

Pumunta ako sa sala pagka-tapos kong maghugas ng pinggan.

Naka-kunot ang noo ni James habang nanunuod ng TV. Tumabi ako sa kanya at tinignan si Wind, na ngayon ay mahimbing pa ding natutulog.

Ilang minuto kaming ganoon. Ang awkward nga e.

"Mag-ayos ka na ng requirements mo..." Siya din ang bumasag ng katahimikan.

Nilingon ko sya, "You mean, pwede na akong pumasok?"

Binaling nya sa akin ang mata nya. Ni-hindi manlang lumingon ang kanyang ulo, "Obvious ba?"

Napangiti ako. Papasok nanaman ako! Magiging classmate ko syaㅡ

Hindi nga pala. Nagstop pala ako. Baka ilang subject lang ang parehas kami.

"Magfu-full ka para kahit papaano ay classmate mo ako sa ibang subject."

"M-mas mahal kapag full..." Nakayuko kong sabi.

Wala naman akong dalang pera nung pumunta ako dito sa bahay nila. Simula nun ay sila na ang nagbibigay sa akin ng mga kailangan ko.

"Ayos lang. Para makahabol ka sa akin."

"Pero wala akong pera..."

"Bakit ako? Wala ba akong pera?" Sarcastic nyang sabi saka umirap sa akin.

Aalma pa sana ako ng magsalita ulit sya.

"Pwede ba, Ronnie, huwag ka muna mag-inarte ngayon... para naman sa'yo to,"

Hindi nalang ako nagsalita. Bandang 1:30 ng umalis sya sa bahay dahil alas dos ang sunod na klase nya.

Naiwan nanaman kaming dalawa ni Wind. Well, it's not that hindi ako sanay na magisa tuwing ganitong oras. Bigla nalang akong naging emotional.

Tumunog ang telephone kaya tumayo ako para sagutin.

"Hello?"

Hindi sumagot ang kabilang linya kaya kumunot ang noo ko. Ano to? Prank call?

Akmang ibaba ko na sana ng biglang magsalita ito.

"Ronnie..."

Tumigil bigla ang tibok ng puso ko. Nanlamig ako at parang gusto ko ng mag tago ngayon.

Shit!

Sa sobrang gulat ko ay naibaba ko ang telepono. Napaupo ako sa couch habang habol ang aking hininga.

Paano nya nalaman?

Bakit sya tumawag?

Kukunin nya ba ako?

Natatakot ako. Ayakong mahiwalay kay James lalo na ngayon at nanganak na ako. Ayakong iwan ang Mommy at Daddy ni James, ayakong iwan tong bahay!

Bigla ulit tumunog ang telepono. Tinitigan ko lang iyon habang sa namatay.

Anong balak ni Mommy at bakit sya tumatawag ngayon? May namumuong idea sa utak ko pero ayaw iprocess ng utak ko. Ayaw tanggapin ng puso.

Baka kunin nila ako.

Hanggang hapon ay nawala na ako sa sarili ko. Buti nga at hindi umiyak si Wind. Mababaliw na ata ako.

"Hi Ronnie! Sorry ngayon lang ako naka-uwi." Nag beso sa akin si Irene. Tumango lamang ako.

"Okay ka lang? Namumutla ka..."

"Okay lang ako." Ngumiti ako para hindi na sya mag-alala.

"Umuwi na ba si James?" Tanong nya saka binuhat si Wind. Umiling lang ako.

Ilang minuto lang din ay dumating si James. May dala dala syang pakwan.

"Kainan mo mamaya..." Sabi lang nya saka pinunta sa kusina.

Siguro kung nasa katinuan ako ngayon ay naiyak na ako sa sobrag tuwa dahil favorite ko yun at si James pa ang nagbigay sa akin.

Umakyat sya para magpalit habang si Irene ay nilalaro pa din si Wind.

"Aw!" Nilingon ko si Irene.

"Kinagat ako ni Wind!" Natatawang sabi nya. Ngumiti lang ako. "Napa-dede mo ba sya Ronnie?"

Nanlaki ang mata ko. Hindi pa! Simula umaga. Pero bakit hindi sya umiyak?

Kinuha ko sya saka binreastfeed. Saktong bumaba naman si James sa hagdan habang inaayos ang buhok nya.

Napatingin agad sya sa dibdib ko. "Doon ka sa kwarto magpa-dede, baka may makakakita sa'yo dito..."

Hindi ko naman sya pinansin. Bumuntong hininga lang sya saka kumuha ng bimpo. Tinakpan nya iyon at hinawakan ang dulo para maka-langhap pa din ng hangin si Wind.

Napatingin ako sa kanya. Seryoso lamang syang nakatingin kay Wind.

Sumisikip na agad ang dibdib ko kapag iniisip kong magkakahiwalay kami. Hindi ko kaya.

"Bakit?" Tanong nya. Nagtama ang mata namin.

Ngumiti lang ako at umiling. Dati, natatakot ako sa kanya, ngayon natatakot akong kunin ako ni Mommy.

My Maid (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon