28: Inday

2.3K 64 1
                                    

"Umalis ka na nga dito!" Tinulak tulak ko sya pero mabilis nyang hinawakan ang kamay ko saka umupo sa kama.

"Mamaya na... ilang years ko ding hindi nakita anak ko," Binalikan nya si Wind at niyakap-yakap.

Pinanuod ko lamang sya habang ninanamnam nya ang moment nila ni Wind. Maya-maya ko nalang sya paaalisin, siguro sapat na ang 30 minutes.

"Anong ginawa mo kay Kuya Guard?" Tanong ko nang maalala si Kuya Guard na akala ko ay nag tawag na ng pulis.

Nilingon nya ako saka sya ngumisi at alam ko na kung ano ang ibig nyang sabihin.

"May sinuhulan ka nanaman?"

Hindi ko na alam na ganoon ka-useful ng pera sa kanya. Lahat nalang kaya nyang bilhin. Paano kung makulong pa si Kuya Guard dahil sa ginawa nya?

"Pabor din naman sa kanya iyon..." Sabi nya na parang wala lang.

"Pabor man o hindi, hindi mo dapat ginawa yun! Paano kung matanggal sya sa trabaho?" Napasapo ako sa noo ko.

"Bakit? Magsusumbong ka ba?" Seryoso nyang tanong. Akmang magsasalita na sana ako kaso walang boses ang lumalabas kaya nakanganga lang ako habang nakatingin sa kanya.

Bumuntong hininga sya saka binaba sa kama si Wind, "Aalis na ako..." Sinundan ko sya ng tingin.

Magi-guilty na sana ako kaso bigla syang lumingon ulit saka ngumiti ng nakakaloko, "I shall return!" Nagsalute pa sya saka tumalon.

Sinilip ko sya at saktong tumingin naman sya sa taas. Nagflying kiss sya bago umakyat sa kung saan saang puno hanggang sa lumanding sya sa harap ng gate namin.

Napabuntong hininga ako. Hindi sa gusto ko na pumunta sya dito, hinayaan ko lang sya na kahit kaunti ay makasama nya si Wind. Tama si Mommy, hindi ko maitatago sa kanya ang anak nya.

"Good Morning!" Nilapitan ko si Mommy na buhat si Wind. Paggising ko, wala na sya sa tabi ko. Kinuha siguro ni Mommy nung tulog pa ako.

"Ganda ng gising ni Aling Veronica, a?" Kantyaw ni Cole sa akin.

Dahil maaga akong nagising ay maaga din akong nakapasok sa school. Naabutan ko si Fern at Michael na naguusap sa gilid ng hallway.

"Nagugutom at nahihilo na yung kaibigan mo, hindi mo manlang sinabay..." Napatigil ako nang maramdaman kong galit si Michael.

"Inalok ko naman sya pero tumanggi! Hindi naman ako pabayang kaibigan, Kel."

Ano to? Inaakusahan ni Michael si Fern na pinapabayaan nya si Saff?

"Kahit na! Alam mo naman yung kalagayan nung tao,"

Ayako may kampihan pero sa maikling panahon na nakasama ko sila, masasabi kong hindi pinabayaan ni Fern si Saff. As in, never!

Nilapitan ko si Fern nang umalis si Michael. Bakas pa din sa kanya ang pagka-badtrip dahil sinipa nya pa ang isang upuan sa gilid.

"Uy girl, anong nangyari?" Nagulat pa sya pero agad nya din akong niyakap at humagulgol.

"Nasa ospital si Saff..." Nalalag ang panga ko. Kaya siguro ganoon nalang ang galit ni Michael pero hindi naman nya dapat hinusgahan si Fern.

"Hindi ko naman pinabayaan si Saff! Kaibigan ko yung tao! Ang pinakahuli kong gagawin sa buong buhay ko ay ang ipahamak sya..."

Nabasag ang mga yelong bumabalot kay Fern. Ngayon, para na syang tunaw na tunaw dahil kitang kita na ng lahat ang weakness nya.

"Pinaiyak mo?" May malakas na tumapik sa balikat ko. Nilingon ko sya at kusang sumalubong ang magkabilang kilay ko sa sobrang inis.

My Maid (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon