15: Niloko mo ako

2.9K 79 2
                                    

Sumunod na week ay inayos ko ang mga kailangan ko para sa school. Hindi na din tumawag si Mommy sa telephone kaya naka-hinga ako ng maluwag kahit papaano.

Pumunta ako sa canteen para makapag-merienda. Pagtapos neto ay uuwi na ako. Baka hinahanap na ako ni Wind. Buti nalang at gusto nya din kay Irene kaya di na kami mahihirapan ni James kapag parehas kaming nasa school.

"Oreo cheesecake po, isa..." Binilang ko ang baryang natitira sa wallet ko. Okay pa naman, may pamasahe pa ako pauwi.

"Veronica, Ija! Mag-aaral ka na ba ulit?" Kitang kita ko ang gulat sa mukha ni Aleng Mameng habang sinusuklian ako.

"Opo!" Ngumiti lang ako.

"Bakit ka nga ba huminto?" Kunot noo nyang tanong.

"Personal problem po..." Pag dadahilan ko. It's not that ayakong malaman ng lahat na may anak na ako, may tamang panahon pa naman para malaman nila. Hindi lang ngayon.

Binigay sa akin ang order ko. Umupo ako sa dating kong inuupuan dito sa canteen. Bandang dulo at gilid, na kapag pumasok sa pinto ay hindi agad eto mapapansin.

Nagsi-datingan ang mga tao sa loob ng canteen dahil siguro break time nila. Sabagay, 9:30 na din naman na.

Hindi ko na tinext kay James na narito ako sa School dahil saglit lang din naman ako.

Pinanuod ko lang ang mga studyanteng papasok sa pinto habang sinisipsip ang Frappe ko. Napangiti ako dahil hindi talaga nila napapansin ang pwesto ko.

Tatawagin ko sana si Bryle ng makita ko sya kaso may kasama syang babae kaya nag shut-up ako.

Huling pumasok si James. Ngumiti ako.

"Jaㅡ" Natigil ako sa pag-sigaw at napawi ang ngiti ko. Sinabit ni Sab ang kamay nya sa braso ni James.

Bakit nandito ang pinsan ko?

Bakit sila magkasama?

Gusto kong magtanong ngayon kay James pero ayakong ako naman ang tanungin ng pinsan ko.

Tumayo ako saka umalis gamit ang pinto sa likod ng canteen. Naninikip ang dibdib ko habang paalis ng school.

Ganito ba lagi?

Ganito ba nangyayare sa school habang ako, dalawa kami ni Wind sa bahay ay walang kaalam-alam sa nangyayare?

"Oh, Ronnie! Mabuti nandito ka na. Aalis kasi ako ngayon..." Ngumiti ako kay Irene at nagpa-salamat.

"Uuwi akong maaga!" Dati ay okay lang kahit gabihin sya sa labas pero ngayon ay parang ayako na syang umalis.

Ayakong maiwan kasama si James!

Bandang alas dos ng umuwi si James sa bahay. Kinuha nya sa akin si Wind. Walang imik akong nag-ayos ng gamit sa kusina.

Sumunod sya sa akin habang buhat si Wind. Pinanuod nya lang ako habang nag-aayos.

"Kain na..." Ni-hindi ko manlang sya tinapunan ng tingin.

Umupo naman sya sa harap ko. "Tahimik mo?" Puna nya sa akin. Umiling lang ako.

Ayako syang maka-usap!

"Anyway, naayos mo na ba mga requirements sa school?" Tumango ako.

"Ano oras ka pumuntang school?"

"8 am..."

"And? Ano oras ka umuwi?"

"9:30..." Kahit ang totoo naman ay 10 am na.

Tumango sya. "Dapat hinintay mo nalang ako. Alam mo namang break time kapag 9:30..."

Ngumiti nalang ako at hindi na nagsalita. Nagpaalam naman sya na aalis sya mamayang gabi at may gimik daw silang magkakaibigan.

Hindi pa din ako mapakali dahil alam kong malaki ang posibilidad na kasama nya ngayon ang pinsan ko.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung ano ang meron sa kanilang dalawa.

Hinatid ko sa labas si James dahil magtatapon din ako ng basura. Nauna syang umalis.

Akmang papasok na ako sa gate nang biglang may humatak sa braso ko.

"J-jacob?" Gulat na sambit ko. "Kaaalis lang ni James, a? Hindi mo nakasalubong?"

Hindi nya ako pinansin. Nanatili lamang ang seryosong tingin nya sa akin. Ang creepy na nya.

"Niloloko ka ni James..."

"A-ano bang sinasabi mo?" Ngumiti ako sa kanya pero hindi ko mapigilang kabahan.

"Girlfriend nya si Sabrina Samonte and I know, you know her very well..."

Sabrina nanaman...

"Alam mo, Jacob, wala akong panahon makipag biruan sa'yo. Okay na kaming dalawa..."

Ngumisi sya. "Okay? Yan ba ang sinabi nya sa'yo?"

Kailangan kong magtiwala kay James pero sa tingin sa akin ni Jacob ay parang may something- parang naniniwala ako.

Tinabig ko ang kamay nyang nasa braso ko. Pumasok ako sa loob at huming ng malalim.

Alam kong mahal nya si Wind. Hindi nya kayang lokohin kami.

Hinintay ko hanggang sa makauwi si James sa bahay. Lasing sya kaya inalalayan ko sya. Nagulat ako ng bigla nya akong tinulak.

"J-james... Lasing ka nanaman-" Isang malakas na sampal ang pumutol sa dapat kong sasabihin.

Hinila nya ako buhok ko at diniin sa pader, "Niloloko mo nanaman ako!" Sigaw nya saka ako sinuntok sa tyan.

Halos mapaupo ako sa sobrang sakit pero dahil hawak nya ang buhok ko ay namilipit lamang ako.

"A-ano bang sinasabi mo-"

"Fuck you! Naniwala nanaman ako sa'yo!" Mahigpit nyang hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

Tumulo ang luha ko. Lahat ng takot na nawala ng ilang araw ay bumalik nanaman ngayon, mas malala pa dahil wala ng bata sa tyan ko.

Binitawan nya ang buhok ko at sinampal nanaman ako. Agad akong bumagsak sa sahig at kitang kita ko kung paano naguunahang bumagsak ang dugo mula sa aking bibig.

Tindyakan nya ako, "Hindi ka nadala ng isang beses! Ilang beses mo ba dapat akong lokohin? Huh?"

Bigla kong naalala yung sinabi ni Jacob kanina.

"Anong namamagitan sa inyo ni Sabrina?" Sigaw ko.

Natahimik sya at hindi sumagot. Bigla syang umupo at sinabunutan ako.

"At talagang isusumbat mo pa sa akin yan, ha?"

Tumili ako. Sumigaw ako hanggang sa mawalan ako ng boses, makahingi lang ng tulong.

Sabay kaming napalingon sa pinto nang biglang may kumatok doon.

"Ronnie?" Boses ni Irene.

"Irene!" Umiyak ako ng umiyak.

Tumalikod si James at pumasok sa CR. Patuloy lamang ako sa pag tawaga kay Irene hanggang sa mabuksan na nya ang pinto.

"Oh my God! What happened, Ronnie?" Nanlaki ang mata nya.

"Oh my..." Niyakap nya ako.

Wala naman akong ibang nagawa kundi umiyak ng umiyak.

Bumalik nanaman sya...

My Maid (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon