21: Ikaw pa rin

2.8K 74 5
                                    

Tawa ni Theo ang umalingawngaw pagkatapos ng mahabang katahimikan. Tinuro-turo pa nya si James.

"Bakit sa kanya mo kina-kamusta iyong anak mo?" Humagalpak sa tawa ang lahat.

Nanatili ang blanko at malamig na titig sa akin mi James. Hindi manlang natawa sa biro nila.

Sino ba namang tatawa kung alam naming dalawa kung ano ang totoo?

Tumayo ako, "Uuwi na ako..."

Agad na nilingon ako ni Emma. Lalo syang namula dahil sa kakatawa, "La? Wala pa ngang 10, e. Eto, atat umuwi!"

Pumunta ako sa kusina para tawagan si Jacob. Sumandal ako sa sink saka dinial ang numero nya. Ilang ring lang ay agad naman nya etong sinagot.

Tawa agad nya ang bumugad kaya lalo akong umirap.

"Huwag kang tumawa-tawa dyan'g hayop ka." Mahinahon pa ako.

"What? Inaano ka ba?" Patay malisya nyang sabi.

"Bakit nandito si James?"

Matagal bago sya nakasagot. Sabi na nga ba may kinalaman to, e! Bros before hoes nga sila, diba? Kaya mas loyal sya kay James.

"Nandyan sya?"

Tumawa ako pero walang humor, "Hoy Hacob! Wala akong panahon sa mga biro mo."

"Seryoso, hindi ko talaga alam! Naikwento lang ni Bryle na lumipat sila ng bahay..."

Natahimik ako. Mukha namang nagsasabi sya ng totoo. Bakit pa nga ba ako magaassume? E mukhang okay na si James. Hindi na sya tulad ng dati na sobrang desperado'ng makalapit sa amin ni Wind.

Halos maging bahay na nya ang harap ng bahay namin noon dahil doon na sya natutulog at kung minsan ay hindi na kumakain, huwag lang umalis sa pwesto nya.

Mga isang linggo'ng ganoon ang nangyari, bago nagtawag si Daddy ng pulis para dakipin sya. Hindi naman sya pumalag at pagkatapos noon ay hindi ko na sya nakita.

Binuksan ko ang ref nila Jack para kumuha ng tubig. Nagsalin ako saka mabilis na nilagok. Halos maibuga ko pa iyon nang magpakita si James sa kusina.

"Nica, huh?" Sarcastic nyang sabi.

Nilapag ko ang baso sa sink. Lalagpasan ko sana sya pero hinigit nya ang braso ko. Marahas ko iyong tinabig.

"Malakas nanaman ang loob mo dahil lasing ka... ano? Sasaktan mo nanaman ako? Hindi na ako yung dating Veronica na kilala mo!" Matapang kong sabi. Hindi na ako ang Ronnie na kilala mo, James. Kayang kaya na kitang labanan.

Umigting ang panga nya sa sinabi ko. Binitawan nya ako saka sya sumandal sa table.

"Ikaw pa rin ang Ronnie ko..." Bulong na sabi nya saka bumuntong hininga.

Sinalubong nya ako ng tingin. Kitang kita ko ang sakit sa mga mata nya pero hindi na ako nadadala ng mga iyon.

Bakit? Noong ganyan ang mga mata ko, naawa ba sya sa akin? Noong halos magmakaawa ako, tinigilan nya ba ako? Hindi. Patuloy nya akong sinasaktan.

"Hindi na ako iyon, James. Hinding hindi na..." Mabilis akong umalis.

Kinuha ko ang bag ko sa sala saka nagpaalam sa kanila. Kahit na umalma sila ay wala ng makakapigil sa akin.

"Uy Nica, ihatid na kaya kita?" Sinundan ako ni Cameron hanggang gate.

"Kaya ko ang sarili ko..."

Agad akong sumakay sa taxi. Hindi ako iiyak. Hindi ko iiyakan ang mga ganoong pangyayari. Walang wala iyon sa hirap na dinanas ko sa mga kamay nya noon.

My Maid (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon