33: Reason

2K 57 3
                                    

"Anong sabi ng Daddy mo?" Inayos nya ang aking buhok na hinahangin.

Ngumiti ako, "Ayos na kami..."

"That's good! Sabihin mo lang kung kelan ka ready, kakausapin ko na sila."

Natahimik ako. It's not that hindi ako sang-ayon sa gusto nya, kakaayos lang namin ni Daddy and I don't think that's a good idea.

"Huwag na muna siguro, James,"

Napawi ang ngiti nya. He's hurt. Kumurap-kurap sya saka dahan dahang tumango.

"It's okay..." Hinila nya ako para yakapin.

It's not okay. Hindi 'ko kayang magalit ulit sa akin si Daddy dahil baka this time, hindi na talaga nya ako mapatawad. Pero hindi 'ko din kaya na mahiwalay ulit sa kanya.

"Sabihin mo lang kapag ready ka na, pakakasalan agad kita, Ronnie..." Bulong nya saka hinalikan ang buhok 'ko.

Napapikit ako. It feels good. Kahit ilang araw, ilang buwan, ilang taon kaming magkayakap ay hindi ako magsasawa.

"Oy!" Napahiwalay ako sa kanya nang may maalala ako. Kumunot ang noo nya.

"Ano 'yun?"

"Si Sab! Hindi mo naikwento kagabi," Umayos sya nang pagkaka-upo.

James' POV

Sabrina:

May party sa bahay nila Ronnie mamayang gabi and you're invited.

Tinapik ni Tres ang balikat 'ko nang mabasa nya din ang text ni Sabrina sa akin.

"Baka tanggap ka na ng Daddy ni Ronnie!" Tinaas nya ang isa 'kong kamay para makipag-apir.

"Goodluck, dude!"

Maaga akong nag-ayos dahil ayokong malate sa party. Tinext 'ko si Ronnie kung ano ang suot nyang dress para materno-han 'ko ngunit wala akong natanggap na reply. Huminga ako ng malalim habang nakatingin sa salamin.

"Goodluck!" Tumawa ako sa ginawa 'ko.

Agad na napatingin sa akin si Mommy at Daddy nang bumaba ako. Sumipol sipol ako habang inaayos ang buhok 'ko.

"Saan lakad?" Tanong ng kapatid 'ko.

Lumapit ako sa kanya, "Wala ka na dun!" Binelatan 'ko sya.

"May date kayo ni Veronica?" Nilapitan 'ko si Mommy at niyakap 'ko sya sa sobrang tuwa 'ko.

"Invited ako sa party sa bahay nila..." Hinalikan 'ko pa sya na syang ikinatawa nya.

Kahit anong aga o bilis ang ginawa 'ko ay nalate pa din ako. Sumilip ako sa mataas nilang gate saka tumingin sa aking wrist watch, 10PM na.

Muli akong sumilip. Nagliwanag ang mukha 'ko nang makita 'ko sya na naglalakad sa garden, kung saan dinaraos ngayon ang party. Akmang tatawagin 'ko sya nang may tumapik sa akin.

"You're here!" Malawak syang ngumiti saka ako niyakap ng mahigpit.

Marahas 'kong tinanggal ang kamay nya, "Sabrina..." Sumimangot sya pero agad ding ngumisi.

"Let's go inside?" Isinabit nya ang kanyang kamay sa aking braso na agad 'ko ding tinanggal.

"Si Ronnie?"

Kumunot ang noo 'ko nang makita 'kong umirap sya.

"Nasa loob sya, kasama ang kanyang fiance..."

Napantig ang tenga 'ko, "Wait, what?" Pagalit 'kong tanong. Matagal 'ko nang nararamdaman ang pagka-inggit nya kay Ronnie pero hindi 'ko alam na aabot sa ganito, na sisiraan nya ang kanyang pinsan.

My Maid (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon