7: James' Maid

2.8K 85 5
                                    

"Akala namin natulog na kayo..." Ngumisi sa amin si Bryle habang pababa kami ng hangdan ni James.

Uminit naman ang pisngi ko.

"Fuck you, bro!" Nagulat ako ng hawakan ni James ang kamay 'ko at hinila ako paupo sa couch.

"Iniwan mo na si Lilet, James. Umuwi tuloy..." Ani Clyde. Tig-iisa sila ng babae.

"Ano ngayon?" Tamad na sagot ni James saka lumagok ng isang shot.

"Katulong mo yan, diba? Pwede pakuha ako ng yelo?" Inabot pa sa akin nung babae ni Jacob iyong lalagyan ng yelo.

Inagaw iyon ni James, "Ako lang may karapatang utusan sya."

Yumuko ako. Bakit ba ako nandito? Katulong ang pakilala nya sa akin, hindi asawa, girlfriend, ina ng anak nya or what.

"Dude!" Sigaw ni James. Nilingon nya ako at hinigpitan ang hawak sa aking kamay.

"Ano nanaman?" Tinignan ako ni Bryle. Isa sa mga classmate namin na kilala bilang best friend ni James. "Bagong babae mo?"

"Tang ina mo! Girlfriend 'ko 'to. Babae ka dyan! Seryoso ako sa kanya." May bahid ng galit ang boses ni James at tinitigan ng madilim si Bryle.

"Oh! Akala 'ko flavor or the week mo lang si Ronnie, e. Hi, Vernonica!" Inilahad nya sa akin ang kanyang kamay.

Aabutin 'ko sana iyon ng tapikin ni James ang kanyang kamay.

"She's mine. Huwag kang magkaka mali..." Banta nya.

Tumawa si Bryle. "Okay okay! Niloloko lang kita."

"By the way, where's Jacob and Clyde?"

"No way! Seryoso ka talaga kay Ronnie? As in? Ipapakilala mo?" Sunod sunod na tanong ni Bryle na akala mo ay wala ako dito sa tabi ni James. Inirapan 'ko sya kaya tumawa sya.

Pagka tapos nya akong ipakilala ay may rules pala silang magkakaibigan na kung sino ang ipapakilala sa tropa ay ibig sabihin seryoso sya at kailangang magtagal or sya na ang pakakasalan kaya off limits na rin.

"Daig nyo pa ang babae kung makapag ganito kayo..." Umirap ako sa kanila.

"Bagay iyon sa amin, Ronnie. Para naman mapilitan kaming maghanap ng seseryosohin. Tapak ego iyon kapag nagka taon!"

"Mukhang may gusto sayo iyong si Lilet. Gusto kang sundan kanina sa taas, e." Ani Bryle habang pinag lalaruan ang kanyang shot.

"Tang ina, pre! Big time ka doon kapag nagka taon. 32 B iyon!" Tumaas baba pa ang kilay ni Jacob.

Ngumisi si James. "Sa monday, papasok ba sya?" Tanong nya sa babae ni Clyde.

"Oo, malamang! Araw araw na atang papasok iyon dahil sayo. Nahalikan mo kanina, e..."

Nanikip ang dibdib 'ko. Para akong nanlamig sa narinig 'ko. Ano bang ginagawa 'ko ngayon dito sa harap nila? Para makinig sa kabulastugan nila?

"Tsk..." Naka ngiting umiiling si James.

"Bakit? Si ano na ba. Si-" Hindi natuloy ni Clyde ang kanyang sasabihin ng takpan ni Tres ang kanyang bibig.

Umiwas ako ng tingin. Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam 'ko ay hindi ako maka hinga.

Nilingon ako ni James, "You okay?"

Tingin mo okay ako? Sayo 'ko kaya parinig mga ganyan 'ko. Tignan 'ko lang kung okay ka pa!

Pero wala ka nga palang pakielam sa akin.

Tumango ako. "Oo..."

Magaling na din ako magsinungaling. Congratulations, Veronica!

Kinuha 'ko iyong lalagyan nila ng yelo, "Kuha lang ako ng yelo,"

Tumayo ako at dumiretso sa kusina.

Sarap lang sumigaw. Nakaka inis! Wala naman akong karapatang magalit o magselos dahil isusumbat nanaman nya sa akin na niloko 'ko sya. In what way 'ko sya niloko?

Sa lahat ng naging desisyon 'ko, kasama sya doon. Iniisip 'ko kung ano mararamdaman nya. Kung okay lang ba sa kanya. Kung magiging masaya ba sya, malulungkot pero tang ina! Nasasaktan na ako.

"Ang tagal naman ng yelo, Ronnie!" Sigaw ni James mula sa sala.

Pinunasan 'ko ang mga luhang lumandas sa aking pisngi. Dinala 'ko sa sala iyong yelo.

"Akyat na ako..." Paalam 'ko.

"Huh? Mamay na."

"Late na. May baby ako." Malamig 'kong sabi. Oo, baby 'ko. Baby 'ko lang 'to!

Una palang, inayawan na nya ang bata edi ituloy tuloy na natin. Hindi 'ko na ipapakita sa kanya ang anak namin, ayaw nya diba?

"Iwan nyo nalang sa kusina iyan. Kapag maaga ako magising bukas, ako na ang magliligpit." Kumunot ang noo ni James at matalim akong tinignan. Umirap sya sa akin nang hindi ako sumuko sa titig nya.

Tinignan nya ako ng blanko ang kanyang expression, "Kuha mo muna kami ng beer!"

Napalunok ako at tinahak ko ang kusina. Right, Maid. Isa ka lang katulong, Ronnie! Huwag kang ambisyosa.

Dala-dala ko ang mga beer saka nilapag sa harap nila. Binitawan ni James ang isang beer at natapon ang laman doon sa sahig.

Tinignan nya ako habang nakataas ang isang sulok ng kanyang labi. "Linisin mo..."

Nakatingin ako sa kanya. Hindi ako makapaniwala. Napaka isip bata nya!

"Gusto mo to, diba? Yung ginagawa kang katulong... para magmukha kang kawawa. Edi yan! Binibigay ko sa'yo,"

Natahimik ang mga barkada nya. Napalunok ako at kinuha ang pamunas sa likod ng bahay.

"Ay!" Tili ko nang medyo nabasa pa ako ng ulan.

Bumalik ako doon at yumuko para punasan iyong beer na tinapon nya.

"Cool pala ng katulong mo... sexy pa," Rinig kong sabi ng isang babae nila.

Rinig kong tumawa si James. Naginit ang buong katawan ko sa inis dahil mukhang nageenjoy din sya.

"Pwede palang magkalat dito, e..." Ani Clyde tapos ay nagkalat na silang lahat.

Pinapanuod ko lamang sila habang nagkakalat. Biglang sumakit ang tyan ko kaya napapikit ako.

Baby, huwag dito. Huwag sa harap nila.

Hindi ako gumalaw at inantay kong maging okay ang kalagayan ko.

"Ano pang hinihintay mo?" Ngisi nila sa akin.

Huminga ako ng malalim at hinawakan ang tyan ko. Nagpasalamat ako dahil nawala na ang sakit.

Naglinis lamang ako doon habang naguusap sila. Syempre, hindi mawawala na mag kalat pa sila kaya kahit gusto ko ng umalis doon ay hindi ko nagawa. Pinunasan ko ng aking braso ang noo ko.

"Wala ka bang balak gawing laruan to?" Natigilan ako sa tanong.

Hindi ko alam kung sino ang nagtanong pero alam ko kung ano ang ibig nyang sabihin.

Tumawa si James, "Tingin nyo hindi ko naisip yun?"

"Whoa dude!"

Tumulo ang luha ko. Hindi iyon pansin dahil sa dami ng pawis sa buong mukha at katawan ko.

Hindi ako pinalaki nila Mommy para maging ganito lang. Hindi ako pwedeng maliitin ng kahit na sinong tao. Ako si Veronica fucking Samonte!

Ang tinitingala sa bayan ng San Isidro. Hindi pwede ito!

Pero wala na akong magagawa... Nangyayari na. Mula sa kagagalang galang na mahinhing Veronica to hindi dapat nirerespetong babae real quick.

My Maid (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon