43: Kidnapper

2K 58 1
                                    

Tumulo lang luha ko 'nang talikuran nya ako. Ganun nalang kabilis? Gusto ko lang naman sana lambingin nya ako.

"Bawal na pala mag-alala ngayon?" Hindi mapigilang sabi ko. Umupo sya sa kabilang side 'nang kama at sapo ang kanyang noo.

"Ano ba talagang gusto mo?" Pagod ang kanyang mata 'nang tumingin sa akin. Humikbi ako. Hindi naman ako iyakin noon, simula 'nung nabuntis ako, kahit mababaw ang iniiyakan ko nalang bigla.

Bumuntong hininga sya at tumayo muli para lapitan ako. Lumuhod sya sa harap ko para magpantay ang aming mukha at sya na ang nagpunas ng luha sa mata ko.

"Shhh... Sorry na..." Bulong nya sa aking tenga.

Sinimangutan ko sya, "Ano ba talagang ginawa mo? 'Yung totoo." Tanong ko.

"Project nga, promise!"

Hindi talaga sya umaamin. Alam ko namang hindi lang 'yun ang ginawa nya, baka may kinita syang babae. Sa inisip kong iyon, lalong bumuhos ang luha sa mata ko. Napaawang ang labi nya at natanranta.

"May babae ka siguro?" Kumunot ang noo nya sa sinabi ko.

"Babae? Aanhin ko pa ang madaming babae dyan kung hindi naman ikaw?" Seryoso nyang sabi. Hindi ko talaga alam kung paano ko pinaniwalaan ang mga reasons nya pero in the end, nagkaayos na din kami.

Sa loob ng isang linggo ay natapos namin lahat ng requirements. Kaya ngayon, problema nalang namin ay ang kasal. Maaga kaming pumunta sa boutique para doon sukatin.

"James, gusto ko beach wedding..." Biglang sambit ko. Nakaupo kami ngayon sa couch habang hinihintay ang designer na susukat sa akin.

Nilingon nya ako, "Simbahan ay plano ng magulang mo..."

"Gusto ko talaga beach!" Simula bata palang ako ay yun na talaga ang plano ko. Once ka lang ikakasal kaya nakakapanlumo kung hindi mangyayari ang gusto mo.

Hindi sya nagsalita. Nilabas nya ang kanyang cellphone at nagdial doon saka nilagay sa kanyang tenga.

"Ma, beach wedding daw po..." Hindi ko alam kung sinong Mama ang tinatawag nya. Mama nya o mama ko?

"Kahit yun nalang pang gastos namin, Ma... Opo! Kaya namang mabawi, e... Sige po..." Binaba nya iyon.

"Sinong Mama yun?" Tanong ko. Nagtitipa pa sya sa kanyang cellphone saka nilagay ulit sa kanyang tenga. This time ay nilapit ko na ang aking tenga sa kanyang phone para makirinig din.

"Mommy ko..." Sagot nya.

Rinig ko ang tatlong ring sa kabilang linya bago sagutin.

"Hmm?" Husky ang boses at mukhang kagigising lang.

"Sky, natatandaan mo yung alok mo sa akin nung isang araw?" Tanong ni James.

"Uh yeah?" Kumunot ang noo ko. Si Sky ba talaga to? Bakit iba ang boses nya sa cellphone? O baka dahil kagigising nya lang. Ang lalim at... Okay, ang hot.

Ngumisi si James, "Okay..." Sagot nya saka pinatay.

"Anong usapan nyo?" Tanong ko. Nakangiti si James nang tumingin sya sa akin. Hinalikan nya muna ang aking pisngi bago sinagot ang tanong ko.

"White House..."

Ah okay. So sa White House ang beach wedding namin ni James! Iniisip ko palang ay kinikilig na ako.

Dumating ang designer at sinukatan ako. Tinanong nya pa kung ano ang gusto ko para sa aking dress. Since beach wedding iyon ay hindi ganun kahaba ang sinabi ko.

My Maid (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon