what a boring life -.-
medyo maraming tao dito ngayon sa mall, siguro dahil sunday.
tinignan ko naman ang buong paligid ko, merong family na nag b-bonding, may magkapatid na namamasyal, may mag syota na nag d-date, merong nagliligawan, ako lang ata yung alone? tss.
"s-sorry po" sa sobrang pag iisip ko ay may nabangga tuloy ako.
"look on your way next time. tss"malamig na sabi nito sabay tanggal nya sa shades nya.
holy cow! ang gwapo!!
" Luke, tara na." nakita ko naman ang isang babae na kasing tangkad ko lang, pero mas maganda ako sakanya.
"Janine babe let's have lunch first" sabi nung lalaki at hinalikan sa noo yung babae. waaaaahhh! taken na ba sya!? sayang naman.
umalis na lang ako dahil mas naf-feel ko lang lalo ang pag ka alone ko. kaasar naman kasi eh! bakit ba ko pumunta ng mall!?
naupo muna ako sa isang bench sa loob ng mall at nakita ko ang isang flower shop, naalala ko na naman ang hindi ko dapat maalala.
-FLASHBACK-
"uy Brena look! may flowers dyan sa desk mo! kanina pa yan dyan!" kinikilig na sabi ni Kristine, kaklase ko.
tinignan ko naman yung card kung kanino galing, pero wala pangalan ang taning na kasulat lang eh,
for my love Brena..
oh diba nakakaloka? sino nama kaya ang mag bibigay nito sakin?
tinignan ko yung flowers at inabot kay Kristine,
"oh? bakit?" tanong nya.
"ayoko ng rose" sabi ko at naupo na ulit sa upuan ko. isang klase lang kasi ng bulaklak ang gusto ko.
"o sige sayang naman to, at mukhang fresh pa ang flowers n to" hindi ko na lang sya pinansin at nag basa na lang ng notes ko.
-END-
simula nun laging may nag dadala sakin ng flower every week, iba't ibang flowers pero lahat ng yun ay binibigay ko lang sa classmates ko dahil hindi yun ang gusto kong bulaklak.
pumasok na lang ako sa loob ng flower shop at bigla kong naalala si lola sa condo. ibibili ko sya, may nakita kasi akong vase dun at tuyot na ang bulaklak doon.
"Hi ma'am what kind of flower po?" tanong sakin nung isang assistant dun sa shop.
"tulips po" agad naman syang umalis at ipinakita sakin ang isang boquet ng tulips, sinabi ko na bibilhin ko yun kaya naman nag simula na syang ilagay iyon sa lalagyan.
"300 po ma'am" sabi sakin dun sa cashier, agad ko namang binayaran para maka alis na ko.
---*ding dong*
nag doorbell ako dito sa unit ni lola pero ang tagal nyamg lumabas!
"oh hija? ikaw pala! pasok ka" sabi nya at nag bigay daan para maka pasok ako.
"ito po lola bumili po ako ng bulaklak." napangiti naman sya.
"alam mo bang paborito ko iyan?" napangiti din ako dahil paborito ko rin ang tulips.
"ilalagay ko na po ito sa vase nyo lola," sabi ko at ibinaba ang ilang gamit ko.
nag kwentuhan lang kami ni lola hanggang hindi ko napansin na 3:00 na pala ng hapon.
"naku lola! alas tres na pala, lilipat na po ako sa unit ko. paalam ko kay lola.
"sige hija, maraming salamar ulit sa bulaklak." nginitian ko lang si lola bago lumabas.
nakita ko naman ang unit ni Glenn sa hindi ko alam na dahilan ay napa door bell na lang ako, teka? ano nga bang sasabihin ko!? hala!
"bakit!?" nagulat naman ako ng biglang nasa harap ko na sya.
"ah.. eh.. uhm.. pwede ko bang mahingi yung number ni Harry?" wuuh! oo tama yang palusot mo! saktong hindi pa pala ko nag l-lunch.
"bakit?" seryosong tanong nya. ang dami namang tanong ng lalaki na to.
"tatanungin ko lang sana kung free sya, wala kasi kong kasama na mag l-lunch" inirapan naman nya ko.
"hindi pa din ako nag l-lunch ako na lang sasama sayo, busy si Harry" sabi nya at pumasok sa unit nya pero iniwan nyang bukas yung pinto.
"hindi kaba papasok? matatagalan pa ko" pumasok na lang ako sa loob at sinara ang pinto.
infairness malinis ang unit nya pero mas malinis pa din ang unit ko.
may na pansin naman akong isang lapis.. its really seems familiar.. teka? bakit naka kahon pa ang lapis na to? mechanical pencil ito. pero bakit nga ba naka kahon sayang naman mukha pa namang matibay ang isa na to namiss ko tuloy gumamit ng mechanical pencil. nawala kasi ko nung high school yung ganto ko. hahawakan ko sana yung lapis ng biglang nag salita si Glenn.
"tara na, ako na ang magdadala ng sasakyan" tumango na rin ako at nag lakad palabas.
BINABASA MO ANG
Same Man with a same love
RomanceA girl who fell Inlove before and fall Inlove again with the same man.