13. party

4 0 0
                                    

damit, okay na.
address alam ko na.
gift? yay! wala pa pala akong gift! paano ba naman hindi ko alam kung sino yung may birthday! hayaan mo na nga ililibre ko na lang sya next time.

bumaba na ako sa unit ko at dumiretso ng parking lot. 7:00 pm na din at 8:00 pm ang start ng party nya, medyo malayo din ang Madera Groove dito sa city, gubat na kasi talaga yun.
----

saktong nag sisimula na ang party ng makarating ako, sobrang creepy ng dinaanan ko kanina pero pag dating ko sa bahay na to, no mansion pala! sobrang laki at ang ganda mg design ng bahay nya! kanino kaya to?

"invitation ma'am?" tanong sakin ng guard, inabot ko naman ang invitation sakanya at pinapasok na ako.

"woooooooohh!" puro sigawan! nakaka bingi!

*splash*

"hahaha!" tawanan ng mga kaibigan ko, itulak daw ba ako sa pool?

"bastos talaga kayo!" sigaw ko sakanila at sinabuyan ng tubig kaya wala din silang nagawabat tumalon na din.

"ang laki ng bahay na to," manghang mangha naman si Harvey at tinitignang mabuti amg bahay, tama naman ang sinabi nya napaka ganda ng labas nito lalo na siguro sa loob.

"enjoy the party ha!" sabi ni Cresa at umalis. so? iwanan daw ba ko kasama ang pinsan ko at ang bugok na Harvey na to!?

"tss, boring!" umahon na si Henry at naki pag sayaw na lang sa mga babae.

"hehe naku Brena pupuntahan ko muna si Cresa" umalis na din si Harvey. grabe! sige iwan nyo na ko! mga bwisit!

umahon na din ako at pumunta sa isang pool na walang tao, siguro ay malalim ito.

umupo ako sa hagdan at nag floating, ang ulo ko ay naka patong sa isang hagdan at ang kamay ko ay naka hawak sa mas malalim na hagdan, mahirap na baka tangayin ako.

"wow.. this is so relaxing.." nasabi ko na lang bigla, paano ba naman sa ibang bansa pa ako huling naka pag swimming, oo nga pala! malapit ng mag new year! malapit na rin ang sem break namin! yes! makakapag enjoy na din ako!

grabe ang lonely ko dito, samantalang sila naririnig ko na nag sasaya, meron pa nga akong narinig na mag habulan daw sila sa pool, mga bata lang haha.

saglit kong pinikit ang mata ko at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako..

-----

"geez naka tulog ako!" kyaa! anong oras na ba?

napatingin ako sa relo ko at 12:40  am na pala!

naririnig ko pa din ang malakas na tugtog at hiyawan ng mga tao, oo nga pala siguradong aabutin ng umaga ang party na to.

tumayo na ako sa huling hagdan ng pool, kapag umapak kasi ko sa flooring lulubog ako, hindi pa naman ako sanay lumangoy!

hay.. makauwi na nga lang wala naman din akong magagawa dito, plus hindi ko alam kung sino ang nag p-party nito! oo nga pala si Harry ang nag bigay ng invitation pero hindi sya ang may birthday alam ko sa February pa sya!

"teka na saan nga pala si Harry?" lumingon ako sa kabilang pool kung saan nandun ang iba kong mga ka schoolmate ngunit napaatras ako sa gulat ng makita ang isang lalaki na nasa harapan ko.

"h-help!" pag mamakaawa ko dahil in reality nalulunod na talaga ako.

"ayoko nga! haha" argh! dahil sa boses nya alam kong si Glenn ang lalaki na to.

"G-Glenn h-help...... me..." itanaas ko na amg dalawa kong kamay para umabot sa gilid ng pool pero hindi ko talaga maabot.

"sus Brena! ilang beses na kong naloko sa lunod lunod na yan! baka gusto mo lang ding chumansing sakin haha!" kaasar? kahit kailan napaka yabang pa rin ng lalaki na to.

"Brena!" nakita ko naman si Harry na tumatakbo.

kasabay ng pag talon nya ay ang pag pikit din ng mata ko... hindi ko na kaya... mamamatay na ba ako..?
----

"she's fine now mag si alis nga kayo! hindi ako maka hinga sa dami nyo!" napa dilat naman ang mata ko dahil sa narinig kong sigaw at pag sara ng pinto.

"finally you're awake!" napa bangon naman ako ng makita ko ang babae na to, t-teka? nananaginip ba ko?

"M-Ms. Nathalie.." nanginginig na tawag ko sa pangalan nya.

"hoy! wag ka nga mag react ng ganyan! hindi ako aswang nu!" sabi nya at inayos ang isang maliit na box na sa tingin ko ay mga gamot ang laman.

"anong nangyari?" tanong ko.

"malamang nalunod ka at syempre may sumagip sayo!" sabi nya at lumabas na ng kwarto.

oo nga! at yung Glenn na yun hindi ako tinulungan! si Harry ang tumulong sakin.

"thanks god you are safe" napa tingin naman ako sa lalaking kapapasok lang. si Harry.

"thank you Harry kundi dahil sayo..." napa luha naman ako ng maisip ko na mamamatay na ko.

"shhh.. okay na Brena.. ligtas kana.." bakit ba ganto? tuwing nasa trouble ako si Harry ay tumutulong sakin.. samantalang si Glenn naman lagi ang dahilan..

"paano kung hindi ka dumating?" tanong ko sakanya at agad syang niyakap.. niyakap din naman nya ako.

"nandun naman si Glenn siguradong ililigtas ka nya.." naitulak ko naman sya sa sinabi nya.

"no way! hindi nga nya ako tinulungan kahit nag mamakaawa na ako sakanya! tinatawanan nya lang ako at akala nya ay niloloko ko lang sya! bakit ba kasi pinapunta mo pa ako dito! wala namang kwenta ang party na to!" sigaw ko sakanya.

"Brena calm down baka marinig ka ng celebrant!" sabi nya sakin at pilit tinatakpan ang bibig ko pero inaalia ko din naman agad.

"baka! sino ba sya ha! bakit ba kasi ininvite nya pa ko! ito tuloy ang nangyari!" nagpakawala naman si Harry ng isang malalim na hininga,

"Glenn was celebrating his 21st birthday today.. he asked me kung pwede kita i-invite at itong pasa ko?" itunuro nya pasa sa bandang gilid ng labi nya.

"sya ang may dahilan nyan ng sabihin kong hindi kita i-invite, he wants to celebrate with you at sinabi nyang pilitin din kita till morning kasi 3:00 am na, ngayon talaga ang birthday nya." napaka dami nyang sinabi pero wala naman akong naintindihan, what did he mean? si Glenn ang celebrant at gusto nitong mag celebrate with me?

"I don't care I will not celebrate his birthday with him! wala naman syang kwentang tao! dapat nga hindi na sya nag c-celebrate!" hindi ko alam pero sa sobrang inis ko ay kung ano ano na lang ang lumalabas sa bibig ko.

"wow, so great!" nagulat naman ako ng may biglang pumalakpak sa may pintuan, si Glenn at ang sama ng tingin nya saming dalawa ni Harry.

"ang ganda naman ng present mo para sa isang celebrant na katulad ko pero anyway thanks for those sweets message" sabi nito at malakas na sinara ang pinto. hinabol naman sya agad ni Harry, gosh! what have you done Brena! nakokonsensya tuloy ako! argh!

Same Man with a same loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon