11. Gwendelyn

2 0 0
                                    

back to school! tapos na ang weekend at monday na naman -.-

"you're late Ms. Louise" sita sakin ng prof. namin pagkapasok ko, tss. wag syang epal! yung nanay ko nga dito ako pinapagalitan kahit late ako pumasok eh!

"sorry Mrs. Reyes" sabi ko na lang sakanya at pagkatalikod ko ay umirap ako, nakita ko naman ang mga kaklase ko na naka ngiti, siguro nakita nila ang bitch side ko.

umupo na ko sa upuan ko at ito na naman ang boring na History!

"problem?" bulong ko kay Gwen, mukhang hindi kasi nakikinig ang nerd na to, himala to para sakanya nu! wala kaya iyang pinapalagpas na words galing sa profs. namin.

"wala, medyo stress out lang" tinaasan ko na lang sya ng kilay, hindi kasi ko kumbinsado sa sagot nya.

"okay, naintindihan nyo na ang gagawin nyo, galing sa kabilang section ang makakasama nyo. dismiss" gosh! anong sinabi ng prof. namin!?

"Chris!" tawag ko bago sya maka labas, medyo close kami, hehe konti.

"ano yun?" tanong nya sakin kasabay ng pag ayos ng salamin nya, gosh! bakit ba gwapong gwapo ako sa mga nerd na lalaki!? alien ba ko?

"anong sabi ni Mrs. Reyes? di kasi ko nakikinig eh" sabi ko at nginitian sya ng ubod ng tamis, medyo may pag ka masungit din ang isa na to eh! so charm please gumana ka!

"ah, yun ba? partner activity daw, malaki din yung points nun sa grade kaya kailangan talagang gawin, gagawa daw report tungkol sa isang lumang please ay kailangan daw puntahan yun at kumuha ng pictures" paliwanag nya.

"eh? pwede namang kumuha sa internet ng pictures!" reklamo ko.

"sabi ni Mrs. Reyes, picture daw dun sa place na yun na mag kasama kayo ng partner mo. anyway yung makaka partner daw ay nasa kabilang section, sila yung nakaka alam kung sino na ang partner nila sa section natin." at umalis na sya. napaka arte talaga ng Mrs. Reyes na yun! ipakain ko kaya sya sa dinosaur grrr!
-------

"Hi Gwen!" bati ko sakanya, mag isa lang kasi sya dito sa ilalim ng puno at mukhang malalim ang iniisip.

"hello" matamlay na sagot nya.

"so? sasabihin mo na ba ang problema mo? care to share? baka I can help you?" pilit ko sakanya, pakipot pa kasi ang isa na to!

"okay.." sabi nya at huminga nga malalim.

"Brena, what if meron kang lalaking gustong gusto, at nalaman mong gustong gusto ka din nya? what would you feel?" natawa naman ako sakanya, itatanong pa kasi yung tanong na yun! haha

"syempre masaya!" sabi ko at may hampas pa sa braso nya, masaya ko eh bakit ba! haha.

"exactly! yun ang naramdaman ko! BEFORE. hanggang dumating ang isang lalaki na nagugustuhan ako at gumawa sya ng paraan maging kami, at ito pinipilit ako ng magulang na ikasal sakanya, and I fount out na pera lang ang habol nya! paano na kami ng lalaking gusto ko!" niyakap ko naman sya, I feel sorry to her, epal naman pala yung lalaki na isa na yun!

"pero isipin mo Gwen! ang haba ng hair mo kahit nerd ka! dalawang lalaki ang nag kaka gusto sayo! sabihin mo gwapo ba!?" binatukan naman nya agad ako.

"nakuha mo pa talagang mag biro eh nu! pero don't worry may paraan naman daw.. kaso.." hinintay ko ang kasunod ng sasabihin nya..

"kaso..?" naiinip na ko!

"kaso.. masakit sa part ko na makita ang lalaking gusto ko na mamahalin ang iba makuha nya lang ulit ako.. ang mas masakit pa dun baka magustuhan mo din sya!" sigaw nya at tumakbo. hala? magustuhan ko? baliw ba sya? hahaha. hindi baka nag kamali lang si Gwen ng huling word.

"Brena?" napalingon naman ako sa tumawag sakin.

"Hi Harry!" masayang bati ko sakanya, bakit ba kasi everyday ang gwapo ng lalaki na to! haha.

"so? saan mo gustong pumunta?" t-teka? inaaya nya ba kong mag date? no Brena! baka maging feeler ka na naman!

"ha? what do you mean?" tanong ko.

"haha, tayo kasi ang mag partner sa History" tignan mo nga Brena! aasa ka na naman sa date! pero okay lang sya naman pala partner ko sa History! hihi.

"hmm.. ikaw na lang bahala! wala kasi kong masyadong alam na place pag dating sa History." its so true wala talaga akong alam.

"okay, text nila kita sa Saturday, sa Monday pa naman ang pasahan nun."

"ah osige :)" nginitian naman nya ko at feeling ko nag b-blush na ko! ang gwapo kasi talaga ng isa na to! hihi so landi Brena!

"Harry.." natigil naman ang ngitian namin sa nag salita.

"oh? Glenn? bakit?" taning nya sa kaibigan pero naka poker face lang si Glenn kahit ngitian sya ni Harry.

"Can we talk?" seryosong sabi nya.

"wow, Glenn? ikaw ba yan? tinatanong mo ko ngayon? nasaan na yung Glenn na command ang ginagamit at hindi tanong." sabi ni Harry na natatawa pa kaya naningkit pa lalo ang mata ni Glenn.

"is that the correct answer to my question? Harry." diniinan pa talaga nya yung pangalan ni Harry. ano bang problema ng isa na to?

"gotta ko Brena. see you around" sabi nya at kinindatan ako, yieee! siguro crush ako ni Harry! hihi.

"bye!" sabi ko at kumaway sakanya. nakita ko naman na nakatingin sakin ng masama si Glenn, inirapan ko lang sya at nag belat sakanya. epal sya! sinira nya ang kilig moments ko with Harry! lagi talaga syang epal! nakaka curious tuloy sya! epal lagi eh!

"look so happy ha!? tignan lang natin" sabi ni Freilli at nilagpasan na ko, isa pa yun! epal din! nag m-moment ako dito sa pag patay kay Glenn eh! hmp! makapasok na nga lang sa next class ko.

"sorry!/ ouch!" sabay na sabi namin isang lalaki.

"Nico?" oo si Nico yung kabarkada nina Harry.

"uy Brena sorry ha? nagmamadali kasi ko, pinapatawag ako sa faculty. bye!" teka? parang de javu lang? saan ko nga ba narinig ang linya na yun?

teka? hindi kaya sya si....? no way! at malabong sya yung lalaki na yun!

Same Man with a same loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon