8. his friends

5 0 0
                                    

"hoy ikaw! malantod ka ha!" nagulat naman ako sa sigaw ni Harvey.

"b-bakit?" naguguluhan kasi ko sa lalaki na to..

"nakita kita kahapon! nag d-date kayo ni Glenn! kala mo ha! alam ba to ni Henry!?" tinakpan ko naman ang bibig nya.

"shut up! ano bang pinag sasasabi mo? hindi kami nag date nu! nag kataon lang na hindi pa kami nag l-lunch kaya sinamahan nya ko." paliwanag ko at tinanggal ang kamay ko sa bibig nya, kadiri kasi! may laway! bastos talaga ang lalaki na to.

"bakit hindi ka kay Henry nag pasama?" napa irap na lang ako, ang kulit talaga ng Harvey na to!

"kasi alam kong busy sya! napaka kulit mo talaga!" bwisit na to! sisirain na naman ang araw ko!

"paalala ko lang Brena kay Henry dadaan lahat ng manliligaw mo!" blah blah! whatever!

umalis na ko at pumasok sa classroom iniwan ko na si Harvey dun, abnormal kasi ang isa na yun dapat akong lumayo sakanya baka mahawa lang ako.

si Henry? honestly speaking, pinsan ko sya, that jerk! lagi naman akong inaaway nun. ay? hindi lang! silang mga kaibigan ko lagi akong inaaway!

"mukhang malalim iniisp mo ah?" tanong ng kaklase kong chismosa.

"wala, iniisip ko kang kung tama ba yung sagot ko sa calculus." napa face palm naman sya.

"omigi! oo nga pala! wala pa akong sagot sa assignment!" tumakbo sya agad papunta sa upuan nya at nag simulang hanapin ang notebook nya. terror kasi ang prof. namin sa calculus pag wala kang nasagot sakanya bibigyan ka nya ng mahabang quiz at kapag hindi mo naipasa ang quiz na yun, ewan ko na lang kung maka graduate ka ng college.

"okay class open yung book at blah blah.." yumuko na lang ako, katamad kasi talaga ang subject na to!
-----------

"hey! wake up!" nagising naman ako ng may umaalog sa balikat ko.

"uy Gwen!" napaayos ako ng upo. si Gwen ay kaklase ko na nerd, hindi sya nag sasalita sa classroom namin dahil ewan ko sakanya!

"dismissal na Brena, mukhang napa sarap ata ang tulog mo" kasabay nun ay ang pag alis nya. napa ngiti na lang ako, haha boring kasi yung subject kanina kaya naka tulog na ko, haha.

dumireto naman ako sa feild, doon kasi kami nag k-kita kita ng mga kaibigan ko kapag dismissal.

"Brena!" napalingon nama ako, kumakaway sakin si Cresa kaya naman tumakbo ako palapit sakanila.

"ang dami nyo ata?" palipat lipat ang tingin ko sakanila, sa pag katatanda ko, mga kaibigan to ni Glenn.

"close din kasi namin sila kaya ipapakilala ka namin!" sabi nj Henry at hinatak ako.

"si Brena Loiuse, kaibigan namin / pinsan ko" tumango naman silang lahat ng sabay sabay. aso lang?

"hi I'm Ervy Villarin ang gwapo mong magiging kaibigan!" sus! ang hangin naman nito, pero aaminin ko, gwapo talaga sya at napaka manly ng boses nya. yay!

"I'm Mac Recarthy bestfriend ni Ervy" so kailangan na ipagmalaki na sila yung mag bestfriend?

"Nico Decain, anyway you look very familiar" sabi nya at siningkitan pa ang mata nya. tinitigan ko naman sya.

"ikaw din familiar ka, haha baliw baka naman kasi nag kita na tayo before, baka sa mall?" nginitian ko naman sya.

"baka nga!" sabi nya sabay kamot sa batok.

"ako naman si Jett Nanre, Ooppss! wag mong sasabihin na totoy ako, hindi porket ako ang pinaka bata eh! psh!" oh? anong problema ng isa nato? natawa na lang ako sa inakto nya.

"ako si Ian Detiquez nice meeting you" mukha namang manyak ang isa na to! hay naku brena! ang judgemental mo talaga.

"tss, no need to know my name!" sabi ni yabang at umalis na.

"sya si Glenn Jacob!" sabi ni Ervy at tumawa ng malakas. pare- pareho silang mga baliw!

"is that Frelli?" napatingin naman kami sa tinuturong direction ni Mac,

isang babae na naka luhod sa harap ni Glenn habang umiiyak.

"patay na patay talaga yan kay Glenn" sabi ni Nico at tumalikod na.

"Hi! nahuli ba ko?" napatingin naman ako sa nag salita.

"Harry!" sigaw ko at yumakap sakanya. mukha naman syang nagulat sa ginawa ko.

"easy!" sabi ni Henry at pinalayo ako kay Harry. hmp! jelly na naman to!

"haha sorry, namiss kasi kita!" sabi ko at nag hiyawan naman ang mga kaibigan namin, don't get me wrong ha? hindi ko naman sya gusto.. pero sige na nga! crush ko sya! pero konti lang naman! hahaha.

I think sya na yung lalaki na handa ko ulit papasukin sa puso ko, kahit ramdam ko pa rin yung sakit na dulot sakin nung bwisit na lalaki na yun! handa ko syang kalimutan para lang kay Harry. ang gwapo kaya ni Harry! bagay na bagay kami! hahaha.

"ouch!" napa hawak naman ako sa braso ko.

"maarte ka ha!" sabi sakin ni Henry at hinatak na ko sa kotse nya.

"ikaw ha! ang lantod mo talaga! umuwi na tayo" sus. napaka sungit nito! kaya hindi yan nag kaka girlfriend eh! daig pa kasi ang babae sa sobrang kasungitan. bahala sya! wala syang magagawa kung gusto ko mang lumandi! hahaha :D

Same Man with a same loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon