17. move

5 1 0
                                    

"argh! sakit ng leeg ko!" kaasar dito na pala ako nakatulog sa labas! baka mag kasakit ako nito!


pumasok na ako sa loob at naligo, may pasok nga pala ako ngayon, hay! ang sama pa naman ng pakiramdam ko.


ano nga ba ang gagawin namin sa school? eh ang alam ko last day na ngayon at sem break na dahil December na ngayon at malapit na ang new year, hindi na ako papasok ngayon! masama din naman ang pakiramdam ko. kinuha ko na lang ang cellphone ko at tinawagan si Gwen.


[hello?] nga pala hindi pa naka save sakanya ang number ko.


"hello Gwen? si Brena? baka mag karoon tayo ng mahalagang gagawin sa school paki inform na lang ako, di ako makaka pasok, masama pakiramdam ko eh" sana naman nasa school na ang babaeng ito.


[okay! got it!] sabi nya at binaba na ang tawag, bastos din yun eh! may itatanong pa ko sakanya eh!


so? ano na nga ba ang gagawin ko ngayon? parang gusto kong pumasok! tss! ang gulo din naman ng isip ko. maka gala na nga lang, saan naman kaya? bahala na!


lumabas na ako sa unit ko at dumiretso ng parking lot. nag drive lang ako ng nag drive kahit hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng kotse ko pero sa bandang huli napahinto ako sa isang parang gubat, malapit lang ito dito sa school dahil natatanaw ko na ang ilang building dito. bumaba ako ng kotse at nag simulang mag lakad, maaga pa naman kaya for sure walang aswang dito! gosh! ang creepy ng place na to! nag lakad lakad lang ako hanggang makakita ako ng mga bulaklak ng rose, hindi naman ako mahilig sa rose pero naakit talaga ako sa itsura nito dahil kulay white pa ito.


"so beautiful!" tanging na sabi ko at pumitas ng isang bulaklak pero wrong move dahil nakalimutan kong may mga torns nga pala ito. kyaaa! nag dudugo na yung dalari ko pero okay lang may rose naman ako! hahaha! ibibigay ko ito kay lola na nasa condominium siguradong matutuwa sya dito.


tinignan ko pa ang ilang mga bulaklak pero kapag minamalas ka nga naman, napatid ako at sumalampak sa sahig, may malaking ugat pala ang naka harang pero napanganga ako sa nakita ko, isang hill na hindi naman ganun kataas at kayang kayang akyatin, lumapit ako dito pero nadismaya ako dahil medyo matarik ito at kailangan may aalalay sakin para maka akyat, sayang gusto ko pa naman makita yung taas ng hill! siguradong may magandang view doon!


"Brena?" napalingon naman ako sa tumawag sakin. si Harry pala kasama si Nathalie, bakit sila mag kasama?


"ah? hi? hehe" ang awkward! naka tingin kasi si ate Nathalie.


"paano mo nalaman ang lugar na to?" tanong ulit ni Harry at lumapit sakin.


"napadpad lang ako sa lugar na to, at ito na discover na to!" sabi ko na tuwang tuwa, nung una nga balak ko ng bumalik dahil napaka gubat ng lugar na to! pero may tinatagong ganda din pala!


"ikaw bakit ka nandito?" tanong ko din sakanya.


"ah, dito kasi kami madalas mag usap ni ate Nathalie pati ni Glenn" napalingon naman ako sa likod at nagulat ako ng wala na pala si ate Nathalie doon, hala? multo ba sya? bakit nawala na lang sya bigla!

Same Man with a same loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon