7: food trip

11 0 0
                                    

dinala ako ni Glenn sa isang mamahaling restaurant. sa pag kakaalam ko boyfriend ni Ms. Railee ang may ari nito. Sian Blake ata ang pangalan nun.

puro naman lamang dagat ang inorder ng lalaki na to! siguro shokoy to. hmp!

"kumain kana akala ko ba hindi ka pa nag l-lunch?" kumain na lang ako, actually kasi hindi talaga ako mahilig sa sea food.

"dito kami madalas kumain ni ate" napatingi naman ako sakanya. may ate pala sya?

"si ate Nathalie ha? sya kasi ang nag aalaga sakin" nabilaukan naman ako ng sinabi nya ang pangalan na Nathalie.

"*cough cough*"

"w-water?" tanong nya sakin, inabot ko naman yung tubig.

"okay kana?" tanong nya. tumango naman ako.

<Glenn's pov>

ano kaya ang problema ng babae na to at nabilaukan na lang ng marinig ang pangalan ni ate.

si ate Nathalie na nag aalaga sakin, sa papeles sya ang guardian ko, mag pinsan tagala kami kasi yung mom nya ay kambal ng mom ko, kaso maagang nawala ang parents ko, hindi pumayag ang private lawyer namin kung hindi sa isang marangyang pamilya ako mapupunta, kaya naman sabi ni ate sya na lang daw, baka daw kasi mawala lahat ng mana ko kapag napunta ako sa pamilyang hindi ko kilala. si ate? alam kong hindi nya yun gagawin. bata pa lang kasi yun talagang mayaman na, idagdag pa ngayon na nag t-trabaho na sya.

"busog na ko" natauhan naman ako, kasama ko nga pala ang babae na to.

"mall muna tayo may hahanapin lang akong libro." sabi ko sakanya at nag iwan na ng pera sa lamesa.
---

"yaaahh! Mcdo oh!" sabay turo nya.

"alam ko?" nagpatuloy lang ako sa paglalakad.

"kain muna tayo, kanina pa tayo ikot ng ikot eh" tss. reklamadora pala ang babae nato.

"ka-kakain lang natin kanina kakain na naman!?" para naman kasing hindi sya nabubusog.

"hahaha" parang baliw syang tumatawa at tumakbo na papasok ng Mcdo. tss abnormal ang babae nato.

"ano gusto mo?" tanong nya sakin.

"kung ano na lang din ang iyo." sagot ko at nag hanap na ng upuan.

pagbalik nya ay nagulat ako sa binili nya. hindi Glenn! baka coincidence lang to!

"haha sorry kasi ganto lang yung kinakain ko sa fast food chain" sabi nya at inabot saki ang isang fries at sundae na katulad din ng kanya. bigla naman akong may naalala.

-FLASHBACK-

"dalian mo!" sabi sakin ni Nico at pumasok kami sa isang fast food chain.. sinusundan namin ang isang babae na crush ko daw sabi ni Nico, diba? mas alam pa nya yung nararamdaman ko tss.

kumakain sya ngayon ng fries at sundae, actually yan ang lagi nyang ino-order tuwing pumupunta sya dito.

-END-

"hey! ano!? inabduct kana ba ng alien? lusaw na yung ice cream mo oh!" tss. nawala na naman pala ako sa sarili ko.

pagkatapos naming kumain ay pumunta na kami sa bookstore bumili lang ako ng tatlong libro na pagkaka abalahan ko, nagtagal din kami dun kasi hindi ako makahanap ng mfandang libro.

"gusto ko ng tea!" sabay hinto nya sa isang tea shop. napa face palm ako, alam ko naman na hidi sya papapigil na pumasok kaya inunahan ko na sya.

"hello ma'am and sir!" bati samin dun sa cashier konti lang ang tao dito.

"Green apple ang akin!" sabi ni Brena.

napatitig naman ako sakanya, they really have similarites, that girl really likes green apple flavor for her tea.

"milk tea na lang sakin" sabi ko dun sa cashier nag intay lang kami ng ilang sandali ay dumating na din ang order namin.

dumiretso na agad kami ng uwi dahil pagod na din ako, 7:00 na din ng gabi i guess hindi na ko makakapag dinner nito ang dami ko ng nakain eh!

"sige Glenn salamat ha?" sabi nya at pumasok na sa unit nya, ganun din ang ginawa ko at naupo muna sa sofa, nakita ko na  naman ang lapis na to..

-FLASHBACK-

"Glenn dalian mo malapit na ang quiz bee!" sigaw ng teacher ko sa science, kaasar naman! wala pa naman akong dalang panulat!

makakalaban ko daw ang nasa kabilang section sabi nila ay matalino daw talaga yun.

"miss, may lapis ka ba?" tanong ko dun sa isang babae na maganda.

"here" sabi nya ng nakangiti.

nagsimula na ang laban at nagulat ako na sya pala ang makakalaban ako, pag katapos ay inintay namin ang result at syempre sino bang mananalo? edi sya! matalino sya eh! section A pala sya.

simula nun ay nahiya na ko sakanya, plus mukha akong nerd kaya hindi ko na naibalik ang lapis nya. nalungkot ako nung araw na umalis sya dahil hindi ko na sya nakita pa.

-END-

pumasok na ko sa kwarto ko at nag bihis ng pantulog. kailangan ko lang talaga sigurong mag pahinga. naaalala ko na naman sya, nakakalungkot lang dahil hindi ko na maalala ang pangalan nya, kahit si Nico hindi na nya tanda, bakit nga ba hindi eh 7 years na ang nakalipas.

hinayaan ko na lang na ipikit ang mata ko hanggang sa ramdam kong nakakatulog na ko.

Same Man with a same loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon